Chapter 15

354 26 0
                                    

First Love

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

First Love

Nakahinga ako nang maluwag noong lumabas ako ng classroom. Sa wakas, tapos na rin ang paghihirap ko. Tapos na ang finals at magsisimula na ang sem-break. Excited na ako sa mangyayari lalo na sa bago kong trabaho.

"How's your exam?" Napangiti ako dahil siya ang una kong nakita paglabas ng kwarto.

"Survived!" Nakangiti kong sagot. "Sayo?"

"Dalawang exams pa," sagot niya. "I'm hungry."

"Hindi ka pa kumakain?" tanong ko at tumango siya bilang tugon.

Napatingin ako sa wristwatch na suot at lampas ala-una na sa hapon. Hinila niya ako papuntang canteen at habang naglalakad kami ay napapansin ko ang pasulyap-sulyap ng mga kapwa namin estudyante sa aming dalawa. Siguro katambal na talaga na kapag may kasama kang sikat ay pagt-tsismisan ka ng mga tao sa paligid mo. Sa lagay ko ngayon ay wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba, basta alam ko sa sarili kong masaya ako sa piling ni Fire.

"Ang takaw mo," aniya sa kalagitnaan ng aming pagkain. Nagulat ako noong ilapit niya ang kaniyang mukha sa akin.

Napatigil ako sa pagsubo ng ice cream. "B-Bakit?" Tanong ko sa nauutal na boses. Sino ba naman ang hindi mauutal kung halos maghalikan na kami sa sobrang lapit niya?

Ngumisi siya kaya napaatras ako ng bahagya. Hinila niya ako pabalik at napatitig sa aking labi. Parang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa mga titig niya. "F-Fire?" Unti unti niyang inilapit ang kaniyang labi sa aking labi.

"Tempting..." Then I found him licking the side part of my lower lip. The thought that his tongue touched my lower lip made me blush. Sa bawat pagdampi ng dila niya sa labi ko ay para akong nakukuryente. I find it sensual in a way.

Bahagya akong natameme dahil sa ginawa niyang iyon. Nabalik lamang ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang pagtulo ng natutunaw na ice cream sa aking kamay. Nanlaki ang aking mata at bahagya ko siyang tinulak. Napatingin ako sa kamay kong ang dungis-dungis na dahil sa malagkit na ice cream. Napatingin din ako kay Fire at ang hayop busy na uli sa pagkain. Naramdaman niya siguro ang mga titig na pinupukol ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin.

"What? Tinanggal ko lang ang ice cream sa labi mo." At muli siyang ngumisi. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso muna kami sa tambayan daw niya— ang rooftop. Napahawak ako sa railings kasabay ng aking pagpikit habang nilalasap ang sariwang hangin na dumadampi sa aking pisngi.

Noong magmulat ako ay napangiti ako. Ang ganda pala rito, ang sarap ng simoy ng hangin at makikita mo ang kabuuan ng campus.

"Ang ganda dito, 'no?" bulalas ko.

"Maganda na dito dati, pero dahil kasama na kita mas lalo pang gumanda." Unti-unti akong napangiti dahil sa sinabi niya. Iyon ba ang tinatawag na pick up line? Kahit korni pala talaga pero pag nanggaling sa taong gusto mo napapasaya nito ang puso mo. "Dito kita unang nakita," sabi niya. Medyo naguluhan ako dahil ang alam ko sa bar niya ako unang nakita.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now