Chapter 16

415 26 0
                                    

Visitor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Visitor

Napamulat ako dahil sa pagdampi ng liwanag sa aking pisngi. Nanlalabo man ang paningin ko pero sigurado akong may nakatayo sa harapan ko. Kinusot ko ang aking mata upang makasiguro na hindi lamang ako namamalikmata.

"Fire?" nagtatakhang bigkas ko sa pangalan niya.

"Good morning, sleepy head," bati niya. "How do you feel? Okay ka na ba?"

Batid ko ang pag-aalala sa boses niya. Tumango ako bilang tugon. Kagabi noong hindi ako sumipot sa East side ay panay ang tawag niya sa akin. Sinabi ko sa kaniyang masama ang pakiramdam ko at pagkatapos ay hindi na niya ako kinulit. Nakakagulat lang dahil pumunta talaga siya rito sa apartment ko. At hindi ko maiwasang maguilty sa ginawa kong pagsisinungaling sa kaniya.

"Gusto mo bang maglakad?" tanong ko at bahagayang ngumiti.

Kahit sa ganoong paraan lamang ay gusto kong makabawi sa kaniya dahil sa hindi ko pagsipot kagabi. At dahil na rin sa pinagdudahan ko siya. Hindi ko dapat ginawa iyon, at hindi dapat ako umalis kagabi dahil lang sa nakita ko.

So what kung magkayakap sila ni Lovely kagabi? Siniguro naman sa akin ni Fire na tapos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa kaya wala akong dapat ikaselos.

"Are you sure you're okay? Ayaw mo bang magpa-check up?"

Napangiti ako kasabay niyon ang paghaplos sa kaniyang mukha."Salamat sa concern, Fire. Pero okay na ako dahil nandito ka na," sagot ko.

"That's cheesy," aniya at mahinang tumawa.

"Kanino pa ba ako magmamana?" sabi ko at mariing tumitig sa kaniya.

He scoffed. "Ah, gano'n? You're saying I'm cheesy?"

Umiling ako. "May sinabi ba akong pangalan?"

Napailing siya at muling tumawa. "Okay, let's go out."

Ngumiti ako nang malapad at tumakbo papasok sa banyo. Lumabas uli ako noong may maalala, "Fire?" tawag ko sa kaniya. Walang sumasagot kaya lumabas ako ng tuluyan para matingnan kong nasa loob pa siya ng kwarto ko o nasa labas na.

"FIRE!" sigaw ko kasabay niyon ang panlalaki ng aking mata at patakbong pumunta sa kaniya.

"Red... Nice!" Napakagat siya sa kaniyang labi habang hawak ang panty kong kinuha niya mula sa drawer.

"Akin na nga yan!" Pilit kong inaabot iyon sa kamay niya ngunit iniinis talaga ako ng hayop at itinaas pa ang kamay niya. Ang liit ko kumpara sa kaniya kaya nagtatalon ako habang siya naman nakangiting aso lang. "Fire naman!" Pinakita ko sa kaniyang naiinis na ako ngunit tinawanan lamang niya ako.

Tumigil ako kakatalon at sinamaan siya ng tingin. Ini-lebel niya ang kaniyang mukha sa aking mukha pagkatapos niyon ay ngumuso ang hayop kaya kumunot na naman ang noo ko.

"Kiss mo muna ako..." aniya at hindi na mawala-wala ang ngisi sa labi niya. Napangisi ako sa isipan ko. Tingnan natin!

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit, boyfriend ba kita?"

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon