Chapter 35

276 7 0
                                    

Choose

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Choose

UMUNGOL ako at unti-unting idinilat ang dalawa kong mata. Puting kisame ang agad bumungad sa akin. Ramdam ko ang pamamasa ng aking mata.

Inilibot ko ang paningin sa kinaroroonan at doon ko napagtantong nasa isa akong hospital room. May nakakabit na dextrose sa kanan kong kamay kaya hindi ko ito maigalaw.

Nadako ang tingin ko sa lalaking natutulog sa tabi ng kama ko. Mahigpit niyang hawak ang kaliwang kamay ko kahit natutulog siya.

Napangiti ako. Gustong-gusto kong suklayin ang buhok niya gamit ang mga daliri ko ngunit hindi ko magawa. Kinuntento ko na lamang ang sarili ko sa pagtitig sa kaniya.

Maya-maya ay naramdaman ko ang paggalaw niya. Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang mukha at saktong nagtama ang tingin naming dalawa.

"You're awake!" bulalas niya. "Thank, God!"

Tumango ako.

Dahan-dahan siyang tumayo habang hawak pa rin ang kamay ko. Mariin niyang hinagkan ang aking noo at napangiti.

"I thought... I thought I will lose you..."

"Hindi, Fire! Hinding-hindi na ako mawawala sa 'yo."

"Tinakot mo ko, Serena. Sobra-sobra mo akong tinakot. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa 'yo..."

Hinila ko mula sa pagkakahawak niya ang kamay ko. Inangat ko iyon at dumapo sa kaniyang pisngi. Pinasadahan ko ng aking palad ang kaniyang pisngi. Napapikit siya habang nakangiti.

"How I missed this... How I missed your touch, your warmth, your lips. And you above all." He murmured.

"I missed you too, Fire. Too much that I couldn't breathe..."

Hinawakan niya ang kamay ko at pinaulanan ng mumunting halik.

Muli siyang umupo sa tabi ko. Titig na titig siya sa mukha ko kaya kumunot ang noo ko.

"Are you really okay? Wala ka bang nararamdamang kakaiba?"

Ngumisi ako. "Meron..."

Kumunot ang noo niya. Tumayo pa siya para matitigan ako ng mabuti. "What? Where?"

Tinuro ko ang kinalalagyan ng puso ko bago ngumiti. "Dito... pakiramdam ko magkaka-heart attack ako."

Tiningnan niya ako ng masama kaya ngumiti ako ng ubod ng tamis.

"Joke lang! Okay na ako. Okay na okay ngayong nandito ka na uli sa tabi ko..."

"Puro ka kalokohan!" Ginulo niya ang buhok ko kaya pinaningkitan ko siya ng mata. Tumawa lamang siya. "Bibili lang ako ng pagkain. Anything you want?"

"Fries, burger, pizza, chocolates and ice cream..." Ngumisi ako pagkatapos.

"Then, I will decide what to buy..."

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now