Chapter 8

484 29 0
                                    

Wonderful Tonight

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Wonderful Tonight

Huminga ako nang malalim noong tumigil si Fire sa pagmamaneho. Bumaba siya at pumunta sa gilid ko upang pagbuksan ako ng pinto.

"Thank you," sabi ko.

"My pleasure," aniya pagkatapos akong kindatan.

Medyo madilim na noong dumating kami ni Fire pero kitang-kita pa rin ang isang bahay na sobrang laki dahil sa mga ilaw na nagkikislapan dito. May malakas na tugtog din akong naririnig mula rito.

"Shall we?" Napalingon ako kay Fire noong magsalita siya.

Ang lapit na naman ng mukha naming dalawa kaya mabilis na namang tumibok ang puso ko. Bakit ang gwapo-gwapo ni Fire ngayon? Nakakasilaw ang kagwapuhan niya, e.

Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang itim na tuxedo. Napatingin din ako sa buhok niya na ngayon ay naka-brushed up. Ito ang unang pagkakataong nakita kong nakaayos ang buhok niya. He always has this messy hair look pero ngayon ibang-iba siya. He looked matured and formal, malayo sa pagiging playful niya kaninang umaga.

"Serena? Ano ba ang iniisip mo?" Nag-spaced out ba uli ako? Tumingin ako ng diretso kay Fire atsaka ngumiti bago kunin ang kamay niyang nakalahad.

"Let's go." sabi ko.

Pagpasok pa lamang namin sa gate ay napamangha na ako. Lahat ay kumikinang dahil sa dami ng ilaw na nakapalibot. Nakakasilaw din ang mga bisita sa sobrang dami. Batid mong lahat sila ay nanggaling sa may-kayang pamilya dahil sa mga kasuotan at alahas nila. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba ngunit agad din iyong nawaksi noong maramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Fire sa kamay ko.

"Huwag kang matakot." aniya at mahinang pinisil ang aking palad.

Ngumiti ako sa kaniya at gano'n din siya.

Naglakad kami sa gitna kung saan dinaraos ang party at batid kong lahat ng mata ay nakasunod sa amin. Nakarinig din ako ng bulungan ngunit ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Alam ko namang hindi ako pababayaan ni Fire.

"Dashin hijo, I'm happy that you made it here." Salubong sa amin ng isang babaeng nakasuot ng itim na long gown.

Sa tingin ko she's in her mid-40's, but despite of her age she still looked beautiful and elegant. Nabaling ang tingin niya sa akin kaya unti-unti akong ngumiti. Ramdam ang kaba sa ngiting pinakawalan ko. It was an awkward smile at ramdam ko rin ang pamamawis ng kamay ko. Natatakot ako sa pwede niyang sabihin patungkol sa akin.

"Who is this beautiful lady?" Nakangiti nitong tanong habang titig na titig kay Fire.

"She's my girl tita." Nakangiting sagot ni Fire. Halos mabulunan ako sa sarili kong laway sa sinabi niya. Nananaginip ba ako o talagang pinakilala ako ni Fire bilang 'his girl kuno?' Bakit pakiramdam ko ang init ng magkabilang pisngi ko ngayon?

"Good choice, couz!" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng isang lalaki. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Fire at doon sa lalaki nang batukan ni Fire iyong lalaki at gano'n din ang ginawa ng lalaki pagkatapos ay pareho silang tumawa.

Playing With Fire (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now