02

1.3K 32 5
                                    

02

Binuksan ko ang double door ng opisina ni Kuya. Napansin ko na ang pagyuko ng assistant niya pero inirapan ko na lang. I felt the lawyer behind me.

"We're here," bungad ko nang pumasok na sa loob.

I immediately sat on his leather couch. Ito lang talaga ang gusto ko rito sa opisina ni Kuya. I badly want to order one like this. Sobrang comfy.

Kuya Sebastian smiled and shook hands with Atty. Perez.

"Hello, welcome. Have a seat, Attorney."

Atty. Perez looked at me. Nagtaas ako ng kilay. Umiwas siya ng tingin at nagtungo na sa upuan na nasa tapat ng mesa ni Kuya. They started to talk.

Sakto naman na pumasok ang sekretarya at naglapag ng snacks sa mesa. Umalis din siya pagkatapos. Nagtungo ako roon at tiningnan ang mga pagkain ngunit sumimangot nang makita na cake lang ito.

Instead, I took the coffee and sat back on the couch.

Kuya Sebastian started to talk about the situation in Rizal. Ang planong subdivision kasi ay may komplikasyon patungkol sa lupa. Wala naman akong alam, at ayaw ko ring alamin. Sobrang dami ko ng problema, ayaw ko nang dagdagan pa.

Instead of listening to their "confidential" talk, I stared at the lawyer.

He's really buff. Suki siguro siya lagi sa gym. He's not really pale. Tanging iba lang ang kulay ng kanyang labi. Sa tingin ko naninigarilyo siya. Matangos ang ilong. Mahaba ang mga pilikmata. He's really attractive, lalo na at naka-formal attire.

Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang instagram para tingnan ang account niya. I tried searching for his name.

Cooper Jonathan Perez

And then one account popped up.

cjperez | Cooper Jonathan Perez

201 followers. 56 following.

Hindi siya active. Wala rin siyang post ng sarili niya. Instead, mga minimalist photos lang. I immediately turned the phone off. Ang boring niya. I guess he's the type of guy who works a lot.

 "I really want this to be very confidential, Atty. Perez," ani Kuya. "And I want to address this problem as soon as possible. The project will begin next year. I don't want any problems."

"No problem, Mr. Martinez."

They both stood up and shook hands. Tumayo na rin ako. I don't know why I was still there but I felt like I just had to.

"Ysah, escort him outside."

Sumimangot ako at bumaling kay Kuya. "Should I? He's old enough to manage," mahina kong sabi kay Kuya.

He only pursed his lips. I rolled my eyes. Lately, palagi niya talaga akong inuutusan. Nakakainis na, ha.

They bid their goodbyes again. Ako naman ay lumabas na ng opisina. Nakakrus ang aking mga braso habang naglalakad sa walang tao na hallway. Sobrang exclusive talaga ng opisina ni Kuya. Nakakainggit.

Then, I heard a sound of footsteps behind me. Nahinto ako sa tapat ng elevator. Tumabi si Atty. Perez sa 'kin.

"You should really stop your weird habit, Ms. Martinez," aniya. "No offense."

Kunot-noo akong tumingin sa kanya at nagtaas ng kilay. "What do you mean?"

Humarap na rin siya sa 'kin at tinitigan ako sa mata. "You should stop staring at someone intently. Baka ano pa ang isipin ng ibang tao. Ako kasi, open ako. I won't think something... malicious."

Behind the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon