12

999 30 12
                                    

12

Palihim akong tumitingin-tingin kay Kuya Sebastian, nag-aalala dahil kitang-kita ko kung gaano siya nababahala sa project. Pinatawag kami sa isang meeting patungkol sa gagawing subdivision sa susunod na taon.

Kaya naman nang matapos ang meeting ay nagtungo ako sa opisina niya. I saw the papers on his desk. Nakasuot siya ng reading glasses habang nakakunot ang noo.

"Bakit, Ysah?" pagod niyang tanong habang nakatingin pa rin sa mga papel.

"Are you... okay?"

Those words were unfamiliar. Hindi ako ang taong hilig mangumusta kasi wala naman talaga akong pakialam sa mga bagay-bagay. But I am a still human. He is still my brother.

Bumuntong-hininga siya at tumingin sa 'kin. "Not really."

"What's the matter, Kuya?" Umupo ako sa katapat na upuan ng desk niya.

He facepalmed. "I don't know. I don't know anymore. I am just too... pressured. Alam naman natin kung gaano kagaling si Dad, 'di ba? Kahit palabiro 'yun, halimaw 'yun pagdating sa negosyo."

This patriarchal bloodline is really getting into my nerves. Dalawa lang kaming babae sa pamilya. Unlike me, my cousin, Lauren, is facing the same problem. Iyong kapatid niya kasi ay nagloloko kaya sa kanya nakasalalay ang kompanya ng mga magulang niya.

I was just lucky that my parents have empathy. Tutal, wala rin naman akong pakialam.

I just want to be rich. I am already intelligent and beautiful. Duh.

"I don't know what to say, but I know one thing: hindi 'yan magiging okay, Kuya. I don't mean to pressure you more. But the project will start next year. Malapit na. Kaya kailangan mo 'yang ayusin."

"What do you think I am doing now?"

I sighed and leaned on the chair. "So, what is your plan?"

"Hindi ko na alam."

"Did you bribe them with money?"

Tumango siya. "20 thousand per family."

"Kaya naman pala hindi pumayag, eh," I said. "They've been on that ground for so many years. Sila ang nagsikap na magtanim at magpalawak nung lupain. It is also their source of income."

"What am I going to do, Ysah?"

Parang may sumuntok sa puso ko nang marinig ang daing ni Kuya Sebastian. Naririnig ko ang pagod niya. My family expected a lot from him.

"Ano raw ang gusto ng mga tao dun?" I asked.

"Housing. New source of income."

Ang dami ng pamilyang nakatira doon. That would be a burden. Hindi madaling magpalabas ng budget.

Bumuntong-hininga ako. "How about I'll go to Rizal and check it myself? Maybe I can negotiate with them."

Sobrang busy ko. Ang dami ko nang schedule kaya baka sa susunod na taon ko pa ito mabibisita. Still, I want to help.

"Salamat," aniya. "I'll also talk with Atty. Perez and send the documents to him regarding the timeline of the project."

Napalunok ako at tiningnan ang mga papel. "Ako na lang ang bahalang magpadala ng mga papeles, Kuya. I can send it to him."

He removed his reading glasses and weakly smiled at me. "Are you sure?"

Sumimangot ako. "Ano na naman ang mukha na 'yan?"

"What? It's nothing."

I rolled my eyes. "Kung tutuksuhin mo ako ay hindi pa rin 'yan gagana sa 'kin."

Behind the BarriersWhere stories live. Discover now