14

949 32 14
                                    

14

Hinayaan lamang ako ni CJ na umiyak habang nakayakap sa kanya. Hagulhol ako nang hagulhol. Hindi ko na naiintindihan kung ano ang mga sinabi niya sa akin pero alam ko na pinapagaan niya lamang ang loob ko.

I felt my swollen eyes when he caressed my hair. 'Tsaka ko lang natanto na naka-squat nga pala siya kaya panigurado ay nangangalay na siya ngayon. Kaagad akong kumalas at tumingin sa kanya. CJ was intently looking at me.

"Why? What's wrong?" aniya.

I looked away. "I'm sorry... I.. I don't know where to go," bulong ko.

He stood up and pulled his pants then squatted again to meet my eyes. May mapayapa siyang ngiti nang tumingin ako sa kanya. He looked so calm. He looked so lovely.

"Pasok tayo sa loob," aniya. "Let's eat."

Kahit busog ay tumango ako. He stood up and watched me wiped my face with my hands. Inayos ko na rin ang buhok at kinuha ang aking bag. Lumabas na ako at isinara ang ni-lock ang sasakyan.

CJ gave me a small smile as he cupped my small hands. Hindi ako pumalag at hinayaan lamang siyang hawakan iyon. Pumasok na kami sa loob ng building niya.

Nakayuko lamang ako. May nakasabay pa kami sa elevator kaya nanatili lamang akong nakatingin sa ibaba. Nagpahila lamang ako sa kanya hanggang sa huminto kami sa harap ng unit niya.

He opened it and let go of my hand. Tumingin ako sa kamay ko. His hand felt so comfortable and I wished he's still holding it but I let it be.

CJ fished his phone and started to text as he turned the lights on. Iginala ko ang tingin ng kanyang condo na kalahati yata ang sukat sa condo ko. It was simple. You can see wood everywhere.

"Do you eat pizza?"

Nahinto ako sa pagmamasid at tumingin sa kanya. "Yes."

"Ice cream?"

Tumango ako.

"You can do whatever you want. Magbibihis na muna ako sandali, okay? You can open the TV, the ref, may pagkain ako diyan. Sandali lang ako."

Tumango ulit ako. He looked at me for awhile before he went inside his bedroom.

Bumuntong-hininga ako at nagtungo sa sala. I sat on the couch and I immediately fell in love. It was so comfortable and it smells like him: musk, manly, cool.

There are open books on the coffee table. Hindi rin nakaayos ang shelf niya. I saw his rack of clothes on the side. Pero maayos naman.

Lumabas si CJ sa kwarto niya at nakabihis na ng itim na shorts at kulay army green na t-shirt. Pupunta na sana siya sa akin nang may mag-doorbell.

"It must be the food," he said and went to the door.

Bumalik na siya na may dalang large-sized pizza at dalawang tub ng ice cream. Inilapag niya muna iyon sa counter at nilinisan ang coffee table.

"Hey, relax," sabi ko kasi halatang natataranta siya.

"Sorry." Inilagay niya sa kabilang couch iyong mga gamit. "Hindi ko lang talaga inasahan..."

"Pasensya ka na rin," I said.

"It's fine, Ysah. You can come to me whenever you like. You can also call me anytime."

Inilapag na niya ang mga pagkain sa mesa at umupo sa tabi ko. Bigla na lamang kaming nailang nang wala kaming sinabi.

I also don't know what to say! Nahihiya pa ako nang ma-realize na para akong batang umiyak kanina.

Behind the BarriersWhere stories live. Discover now