04

1.2K 35 11
                                    

04

"What are you looking at?"

Inis akong bumaling kay Greg nang makarating sa opisina. Kanina pa siya ngiti nang ngiti habang papunta rito. I rolled my eyes and put down the cup of coffee on my desk.

"Madame, 'di po ba si Atty. Perez 'yun?"

I arched a brow. "Yes, and so what?"

"Close po kayo?"

"Hindi kami close. He's just my brother's lawyer. That's all."

Tinakpan niya ang bibig gamit ang kamay para hindi tumili.

Mas dumiin ang tingin ko sa kanya. "Do you want me to fire you right away, Gregorio? There are a lot of better assistant who's not nosy like you."

"Ito naman si Madame. Curious lang naman ako. Kasi... hindi pa kita nakita na may kasamang ibang lalaki."

"So, you're making it a big deal?"

Tumango siya. "Binigyan ka po ng coffee, eh. Para daw hindi ka ma-stress."

I snorted. "It's just coffee. It's nothing serious."

"Ay sus."

Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti si Greg sa akin at sumenyas na lalabas na siya. Inikot ko lamang ang mga mata at hinayaan siyang lumabas sa opisina.

My eyes went to the coffee. Kinuha ko ito habang nakakunot ang noo. It wasn't warm anymore. And I hate cold coffee. I was tempted to drink from it pero iniling ko na lang ang ulo at itinabi ito.

It was annoying. Time passed by, I could not help but think of the stupid coffee. Kaya naman nang hindi na makayanan ay tumayo ako at itinapon ito para mawala na talaga ng tuluyan sa utak ko.

Nakakainis! May pa-bigay-bigay pa siya ng kape. For what? Akala niya ba friends na kami? Friends, his foot!

Sinabi ko naman sa kanya na hindi kami casual. The last time I asked for company was clear that it's a professional set up! Baka mag-isip pa siya ng kung ano.

It was really bothering me. Kaya naman tumayo ako at naglakad patungo sa opisina ni Kuya Sebastian. When I arrived at the exclusive hallway, I remained seated on the small lobby. Para na rin hindi ako makita ng assistant ni Kuya.

Sampung minuto ang lumipas, nagsimula na akong tanungin ang sarili: Anong ginagawa ko rito?

Just for that coffee? Oh my gosh.

Ang dami ko pang kailangang gawin tapos nagsasayang lang ako ng oras dito para lang sa isang kape? It should be nothing. Ang dami kong natatanggap mula sa ibang tao tapos ngayon pa talaga ako maiintriga?

Aalis na sana ako ngunit sa aking pagtayo ay saktong nagkaharap kami ni Atty. Perez. He stopped, shocked to see me there. But then a playful smirked plastered on his face.

"Good morning, Ms. Martinez."

"Morning."

Kaagad akong umirap at nagtungo na papunta sa elevator. The sound of my heels echoed around the place. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa 'kin.

I halted and turned around to face him. Kaagad kong nakasalubong ang kanyang antuking mga mata. Nahinto na rin siya at umayos nang tayo. Hindi ako nagsalita kaya napataas ang kanyang kilay.

"What's with that?" tanong ko.

"Ang alin?"

"The coffee!"

Binasa niya ang ibabang labi kaya saglit akong napatingin dun bago tumingin muli sa mga mata niya.

"That was an offering, Ms. Martinez."

Behind the BarriersWhere stories live. Discover now