15

968 33 21
                                    

15

"Uy, nakangiti na naman siya."

Masamang tingin ang ibinigay ko kay Greg nang magkita kami sa loob ng opisina. He just chuckled. I rolled my eyes but my smile remained. Binigay ko sa kanya ang bag ko at nagtungo na sa reception.

"Good morning, Ms. Martinez," bungad ng receptionist.

"Good morning!"

Nagulat siya nang bumati ako pabalik. I saw how puzzled she was when she gave me the iPad so I can check the data. Inignora ko na lang iyon at kinuha na ang iPad.

"Good mood lang," mahinang bulong ni Greg sa receptionist.

I did not mind them and continued to check. I was having a great day, especially when CJ drove me home. Luckily, hindi naman ako nahuli. I was even surprised with myself that I only took one hour to get ready.

Matapos kong mag-check ay ibinalik ko na ang iPad at naglakad patungo sa opisina. The employees greeted me and I smiled at them all. Halata na naguguluhan sila pero hindi ko na pinansin.

"Maganda siguro ang birthday celebration niyo, Madame," puna ni Greg.

"It's the best."

"Nga pala, may regalo ako sa inyo, Madame!"

I looked at him. "Hindi naman kailangan, Greg."

"Gets ko po na mayaman kayo. Pero kagaya nga ng sabi nila; it's the thought that counts!"

Greg was caught off guard when I chuckled. Napailing na lamang ako. Pumasok na kami sa opisina at kaagad akong umupo sa swivel chair sabay bukas ng laptop. Inilapag naman ni Greg ang mga gamit ko at naglakad papunta sa 'kin.

"Heto po," nakangiti niyang bungad at binigyan ako ng envelope.

Nagkunot-noo ako. "Ano 'to? Gift certificate? Coupon?"

Bubuksan ko na sana ito nang pinigilan ako ni Greg.

"Mamaya mo na buksan kapag wala na ako."

I furrowed my brows. "What do you mean na kapag wala ka na? Are you implying about your death."

Sumimangot siya. "Kapag wala na po ako rito."

"Na kapag hindi ka na nagtatrabaho rito?"

"Madame naman, eh!"

I secretly smiled. Gets ko naman. I just want to make fun of him. Lalo na nang may hinala na ako na baka love letter ito. Namumula na rin kasi ang tenga niya, which he does if he's embarrassed.

"Fine, fine," ani ko. "I will open it when you're out."

"Okay. Pupuntahan ko rin iyong mga empleyado para kolektahin ang mga weekly report nila."

I nodded. Dahil sumusunod naman ako sa usapan ay hinintay ko talaga na makalabas siya sa opisina bago ko binuksan ang envelope niya. I immediately smiled when I saw a handwritten letter. Wala pa ngang sampung segundo ay naramdaman ko na ang pamumuo ng mga luha ko.

Dear Madame,

Alam ko po na nasa 'yo na lahat. Kaya naman kahit bilhan kita ng mamahaling alahas (na hindi ko naman afford), panigurado ay marami ka na nun. Gusto ko talaga na bigyan ka ng regalo. Last year ko pa 'to inisip, kaso sobrang busy mo nun, eh. Nakakahiya po 'to pero sana never niyo akong tutuksuhin.

Madame, salamat po sa pagbigay sa akin ng trabaho kahit hindi naman ako masyadong qualified. Naalala ko pa po nung interview na may mga nag-apply na mas maganda ang credential kaysa sa 'kin. Pero tinanggap niyo po ako dahil maganda ang fashion style ko.

Behind the BarriersWhere stories live. Discover now