06

1K 28 9
                                    

06

Hindi ko alam kung bakit pinipigilan ko ang paghinga lalo na at katabi ko si Atty. Perez. He was just so... fucking good looking!

At mamamatay na muna ako bago ko sasabihin sa kanya 'yun!

I even refused to look at him. Baka kapag magawa ko iyon ay hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya. Who knew he can be this... mesmerizing?

Jusko, Euresah. You have met so many men that's more handsome. Hindi mo dapat gawing big deal ang abogadong katabi mo ngayon.

"Are you okay?" tanong niya.

"Yes. Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"Because your grip on the steering wheel is very tight. Do you want me to take over?"

Umiling ako. "You can drive?"

I noticed his smirk. "Are you pertaining to a car?"

Sumimangot ako. I can feel my cheeks blushing! Oh my gosh, he even chuckled lowly. Tuwang-tuwa siya niyan?

"Of course, I am pertaining to a car! What else pa ba ang ibig mong sabihin?"

Natawa siya.

"That is so unprofessional, Atty. Perez."

He faced me. "I did not say anything, Euresah."

"Ms. Martinez," I corrected. "I am still your client."

"Your brother is my client."

"We're family."

"Still, you are outside of it."

Umirap ako. I got uncomfortable when I felt him looking at me. Mabuti na lang at hindi kami naaksidente at safe na nakarating sa venue.

It was in a lake house. From the outside, I can see so many people inside. For sure, my parents are already waiting for me. Panigurado rin ay sabik na sabik silang makita ang kanilang unica hija na may dalang lalaki.

Binigay ko sa valet attendant ang susi ng sasakyan. Bumaling ako kay Atty. nang lumabas siya ng sasakyan.

Heck, it's as if the suit was really designed for him. Pwede na siyang maging modelo.

"What?" I asked when he stared at me for so long.

"Do we hold hands or something?"

I felt my cheeks blushing! "B-Bakit naman tayo magho-holding hands?"

"Because I am your date?"

I frowned. Napatingin ako sa kanyang matikas na mga braso. Damn, that must be pure mucles. Umirap ako at lumapit sa kanya. Pinaikot ko ang aking braso sa kanyang braso.

"Is this fine?" I asked him, grumping.

"Better."

I rolled my eyes. Naglakad na kami papunta sa loob ng hall. Kaagad kaming binati ng mga kakilala ko pero hindi ko sila tinapunan man lang ng tingin. Hindi ko naman sila kilala.

From afar, Kuya Sebastian immediately saw us and plastered a smile. Kinalabit niya si Ate Irina kaya napatingin na rin sa amin. I frowned. Hanggang pati sina Mom at Dad ay nakaabang na sa amin.

"Should I be worried about your parents?" bulong ni Atty. Perez sa akin.

"Nope and yes."

Mahina siyang natawa. "Please elaborate."

"Sabihin na lang natin na masyado silang makulit."

"Noted."

Inikot ko ang aking mga mata. Lalo na at nakita ko si Mom na kinunan kami ng picture. Hindi man lang niya tinago. Suddenly, we got many eyes around us.

Behind the BarriersWhere stories live. Discover now