09

1K 25 15
                                    

09

"Perfect na perfect, Madame. Sapul! Type ka talaga nun!" sabi ni Greg pagkatapos kong sabihin sa kanya iyong tungkol sa sasakyan.

I was going insane that I need to tell someone. Wala naman akong ibang mapagsabihan kundi si Greg. May tiwala rin ako sa kanya. Pero kaagad akong suminghal at sumimangot.

"Iyan na lang ba palagi ang isusumbat mo sa 'kin?" I groaned.

Naglakad ako papunta sa bintana para lumanghap ng preskong hangin. This is giving me a headache.

"Eh, ano pa ba ang ibang rason? Bakit siya magsisinungaling para makasakay sa 'yo? It's obvious po, Madame."

"Can you give me another reason?"

He paused, then shook his head. "Wala na po akong maisip na iba."

Bumuntong-hininga ako. I don't know why I am having this problem when it's not even a problem in the first place. Simula lang nung nalaman ko na may sasakyan siya ay hindi na ako mapakali.

"Baka gusto niyang makatipid sa gas," ani Greg. "O baka same lang naman kayo na pupunta sa opisina, eh, baka nakisabay lang siya."

"That's impossible. Super impossible."

"Eh, bakit ka po nag-iisip masyado tungkol dun?" tanong niya. "Type niyo po si Attorney?"

Sumimangot ako. "Alam mo naman ang mga type ko, 'di ba?" Umirap ako. "Let's not talk about him anymore. Let's get back to work."

Humagikhik siya. "Sige, po. Pero hindi niyo po sinagot ang tanong ko."

I glared at him but he only laughed and went outside.

Pilitin ko man na hindi pansinin ang sinabi ni Greg, hindi ko naman magawa-gawa. Ang dami ko namang admirers kahit noong college. Wala lang talaga akong pinapatulan kasi hindi ko naman type.

Ang dami ko na ring naka-date pero walang tumatagal ng isang araw kasi inaayawan ko. All of them were dumb. The moment they heard which family I am from, they'll immediately become intimidated.

So, why waste time?

I have always been independent. I believed I can do everything on my own. Sa rami ba naman ng napagdaan ko nang mag-isa.

Pero kahit na ganoon... hindi ko pa rin maiwasang isipin na baka may tao na kaya akong pakinggan. Na may makikinig sa akin at hindi ako paghuhusgahan.

I always aim for high standards... because I believe I deserve it.

After all of those years of being bullied, of having self-doubts, depression, and anxiety of being the best... I grew up tough. Pero hindi ko pa rin maiwasang umasa na baka makahanap ako ng pahinga...

I stopped dancing around the pole and sat on the bench. Binuksan ko ang bag at kinuha ang hydro flask para uminom ng tubig. I sighed heavily and looked at the pole.

Sobrang lagkit na ng katawan ko. Usually, I immediately wash up, but I am not really in the mood right now. Palagi kong iniisip si Atty. Perez or CJ – whatever.

I spent my time doing pole dancing pero wala pa ring epekto. Mas lalo lang tuloy akong nadi-distract kakaiisip sa kanya.

* * *

"Welcome, Ms. Martinez," bungad nung head ng head ng university.

I will be having my talk regarding economics. Nasa auditorium kami at puno na ito ng mga estudyanteng makikinig. The old man extended his hands but I only looked at it.

"Hello, po," kabadong sabi ni Greg na nasa tabi ko at siya mismo ang tumanggap upang makipagkamay.

Hinayaan ko silang mag-usap at nagtungo na sa mesa na nasa ibaba lang ng stage. Binati ako ng ibang mga faculty. I greeted them back and sat down. I saw how intimidated they were around me. Pati iyong naghatid ng meryenda ay ayaw akong tingnan.

Behind the BarriersWhere stories live. Discover now