18

871 31 18
                                    

18

"I am already drunk, ayoko na," sabi ni Joshua pero ininom niya pa rin ang alak na inalok ni Stephen sa kanya.

The party is slowly dying down. Alas onse na rin naman ng gabi. Jazz music was playing, making everyone sensual. May ibang tao na rin na nakikipagsayawan sa gitna.

I really thought this is some serious party. A professional one. Ngunit maayos na rin naman.

Mas naging seryoso na rin ang usapan nila. Minsan ay tungkol sa politics at sa law firm. Kahit madaldal at palabiro si Stephen, may utak din naman pala siya, eh.

CJ smelled alcohol when he leaned on my ear. "Gusto mo na bang umuwi?"

Mabigat na ang mga mata ko at natatamaan na rin ng alak. Tumango ako sa kanya.

"Okay..."

He sighed and finished his last drink. Nasa kalagitnaan ng diskurso sina Joshua, Athena, at Stephen nang tumikhim si CJ.

"Mauna na kami ni Euresah."

Stephen pouted, halatang lasing na. "Ows? The party is not yet done. Huwag niyo kaming iwan."

"Pasensya ka na," sabi ko. "May trabaho kasi ako bukas."

Ngumiti si Mayumi. "Hayaan mo na nga, Stephen. Naku, Euresah, maraming salamat sa pagpunta! Sana mag-bonding tayo soon."

"Yeah, we should all go to a spa or something," ani Athena.

"How about the beach?" alok ni Joshua.

Lumawak ang ngiti ni Mayumi. "Gusto ko 'yan!"

At sinimulan na nila ang pag-usap tungkol sa dagat. Mayumi was very cute everytime she giggles. Tumitingin sa kanya si Stephen nang palihim at ngumingiti.

"We'll talk about that some other time," putol ni CJ. "Kailangan na naming mauna."

Athena and Joshua nodded at me. Tumango rin ako sa kanila pabalik.

"Bye!" sabay kaway ni Mayumi na pulang-pula na.

"Ingat kayo, Coops. Babalik ka pa ba rito?" si Stephen kay CJ.

"Yeah. I'll come back. Ihahatid ko muna si Ysah."

Nagpaalam din si CJ sa ibang mga bisita. Sinabi niya rin naman sa akin na hindi pa siya lasing at kaya niya pang magmaneho.

Tahimik kaming nagtungo sa parking lot. Sobrang lamig ng simoy ng hangin. Nakakakalma. Pumasok na kami sa loob ng sasakyan niya at nagsimula na kaming makalayo mula sa venue.

Binuksan ko ang bintana upang makapasok ang preskong hangin. CJ also did the same with his window. Kaya naman nililipad ng hangin ang buhok ko. Hindi naman ako nagrereklamo.

"You are so lucky..." pagod kong sambit.

He looked at me for awhile before he focused on the road.

"Bakit naman?" tanong niya.

"You've got friends like them. Wala kasi akong kaibigan na matatakbuhan, eh. Tapos magkakasama pa kayo sa isang firm. Ang saya siguro nun."

I wanted to sound happy for him, but my voice sounded insecure. Maybe I was really insecure. Buong buhay ko ay hindi pa ako nakaranas na may barkadang mapupuntahan.

I was always scared to make friends. I was always scared that maybe they'll do what my high school classmates did to me. Na baka uuwi na naman akong umiiyak.

Pagod na ako sa mga ganoon. Matanda na ako. Hindi na dapat ako natatakot. Kaso hindi ko pa rin mapigilan na mag-isip na baka aawayin lang din naman ako sa huli.

Behind the BarriersWhere stories live. Discover now