13

979 29 16
                                    

13

Mas naging madalas ang pagkikita namin ni CJ. Usually, sabay kaming naglu-lunch. Minsan ay sinusundo niya ako sa opisina, minsan naman ay ako ang pumupunta sa law firm niya. I even got his number now.

"Madame, anong plano niyo sa birthday niyo?" tanong ni Greg.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, hindi alam ang sasabihin. Malapit na nga pala ang birthday ko. Nakakatawa. I could not remember it anymore. Si Greg lang talag ang nagpapaala sa akin kada-taon.

"Hindi ko alam. Maybe, I'll have dinner with myself."

Ngumiti siya. "Naku, Madame, baka hindi na with yourself kasi nandiyan na si Attorney."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Oh, please..."

Iniwas ko ang tingin at nagpatuloy sa pagtipa ng report sa laptop. Ngunit hindi na ako makapag-focus lalo na at nagkrus na sa utak ko si CJ.

Tuwing kaarawan ko, palagi kong inii-spoil ang sarili kasi deserve ko naman, 'tsaka afford ko rin. Kaso naalala ko 'yung sinabi ni Dok Ruiz. Kung gusto kong maging maayos, dapat susubukan ko nang mag-open up kahit nakakailang man para sa akin.

"Mag-a-absent ka ba niyan, Madame?" tanong niya.

"I don't know. I'll probably have dinner with my parents," mahina kong sabi.

Napansin ko ang pagtingin sa akin ni Greg pero inignora ko na lang. Bago sa kanya na gusto kong makipag-dinner sa mga magulang ko kasi hindi naman talaga ako malapit sa kanila.

"Eh, si Attorney po?" aniya. "Hindi niyo po ipapakilala?"

I frowned. "Palagi niyo na lang 'yang sinasabi sa 'kin. Not just you, pati rin si Kuya. Ano bang problema niyo?"

"Madame," aniya at humarap sa akin. "Wala naman pong masama dun..."

"At pinakilala ko na siya dun sa party."

"Pero iba po 'yung party at 'yung dinner. Magkaiba po sila."

I looked away. "It's nothing serious."

Humalakhak siya. "Naku, Madame, huwag niyo na pong itago. Halata po."

I furrowed my brows and looked at him. Kinabahan ako kasi kung nahahalata niya... hindi kaya ay nahahalata rin ni CJ?

Humagikhik si Greg nang makita ang pagsara ng laptop ko. Lumapit siya at umupo sa katapat na upuan ng desk ko.

"Is it really obvious?" bulong ko pa, takot na makarinig ang ilan kahit kami lang namang dalawa ang nandito sa opisina.

"Na crush niyo po si Attorney?"

I shyly nodded. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi.

"Aba, opo!"

"Sshh!" kaagad kong pigil sa kanya.

Tumawa si Greg. "Tayo lang naman ang nandito, Madame. Don't worry! Hindi nila malalaman na may crush ka kay Attorney."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Isa pa, Gregorio."

Tumawa siya. Gosh, I am starting to get embarrassed. I admit, I have been attracted to some men, pero kaagad rin naman 'yung nawawala. Kaya iba itong nararamdaman ko kay CJ.

"I feel like I am too old for crushes," I groaned. "And it's super embarrassing kaya!"

"Wala naman pong edad 'yang crush-crush na 'yan. Pero, totoo po? Crush niyo siya?"

Sinamaan ko siya ng tingin at umirap. Nakakahiyang aminin.

"Nakakapanibago po, Madame! Pero kahit po wala kang sabihin, for sure, alam na ni Sir Sebastian at ng Mother at Father niyo."

Behind the Barriersحيث تعيش القصص. اكتشف الآن