05

1.1K 36 20
                                    

05

Besides shopping and coffee, I cure my stress and anxiety through pole dancing.

Tanging si Greg lang ang nakakaalam na nagpo-pole dancing ako. It has became my haven. My safe place. Gustong-gusto ko ang malumanay na tugtog habang pumapaikot-ikot ako sa pole.

My therapist suggested I should do something physical. I really love to dance. Noong high school ay gusto ko talagang sumali sa dance troupe ng school namin. Kaso hindi ko magawa-gawa dahil sa rami ng bully. Nakakahiya.

Then I discovered pole dancing. I started to love the challenge.

Palagi ko itong ginagawa sa tuwing may iniisip.

Unfortunately, I was thinking about the party... and about Atty. Perez.

Mula nung inaya ko siyang maging date ko ay hindi na talaga ako mapakali. Kinakabahan ako. Nakakahiya rin kung tanggihan ko siya.

Baka isipin niya na masyadong akong nai-intimidate. Hell no! I was just... bothered.

I was really contented being alone in my own space. Wala akong mga kaibigan. Tanging si Greg lang ang malapit sa akin at nahihiya rin akong iparamdam sa kanya iyon. I was distant. But I was quite surprised about my decision.

Pagkatapos ng pole dancing session ay nag-ayos na ako. Sakto naman na tumawag si Greg nang palabas na ako ng studio.

"Madame, nandito na ako sa parking lot," aniya.

"I'm coming down."

I ended the call. Kaagad kong namataan ang sasakyan nang makarating sa parking lot. I was only wearing a black leggings and white t-shirt. I believe I'm still elegant with it.

Pumasok na ako sa passenger seat. Kaagad namang nagmaneho si Greg. Pupunta kami ngayon sa mall para pumili ng damit na susuotin sa party. Marami naman akong hindi pa nagagamit na mga dress... but I just felt like I need something new.

Bumaba na kami nang makarating sa Century City Mall. I immediately handed my bag to Greg. Nakasunod lang siya sa akin habang namimili ako ng mga shop.

"Ibang klase ka talaga, Madame. Alam ko naman na may mga bago kang in-order noong nakaraan. Bakit mo pa kailangang bumili?"

"I just want something new."

"Bago po 'yun."

"That's a week old."

Humagikhik siya. "Naku, huwag mo namang ipahalata na maghahanda ka nang masyado para sa party ni Madame Irina kasi hindi ka naman ganyan kapag may party."

I rolled my eyes at him. Sure I am a spender but I spend wisely. Alam ko naman na may mga bago akong damit. Ang dami ko ring hindi pa nagagalaw. Pero basta!

Pumasok na kami sa isang kilalang store. Kaagad akong tinulungan ni Greg sa pagpili ng damit.

"Ihahatid ba kita diyan, Madame?" tanong niya.

"Nope. I have a date."

Namilog ang mga mata niya. "Totoo po?"

Tumango ako nang hindi tumitingin sa kanya. Patuloy ako sa pamimili ng damit kahit nararamdaman na umiinit ang aking mga pisngi.

"Himala yata 'yan, Madame! Sino po?" He paused and gasped. "Si Atty. po ba 'yan?"

Hindi ako sumagot at umirap lamang. Tumalikod ako sa kanya at naglakad papunta sa ibang aisle.

"Naku, naku, naku!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag kang OA, Greg. Ano naman ngayon kung siya? May problema ba dun?"

Behind the BarriersWhere stories live. Discover now