20

878 26 2
                                    

20

Dumaan ang ilang linggo na mas naging malapit pa ako kina Mayumi at Athena. I also spent a lot of time with CJ. Mas nagiging outgoing na ako at hindi ko alam kung kilala ko pa ba ang sarili.

I think it has a great effect. Mas hindi na mainitin ang ulo ko. Hindi na rin ako madalas nagpo-pole dancing. Ibig sabihin, hindi na ako na-a-anxious.

Nang magpunta rin sa monthly session, napapansin na rin ng therapist ang pagkagaan ng mood ko.

"It's great that you are opening yourself, Ysah. I am happy for you. See? There's nothing wrong about you, darling. Your new friends seem great. I hope you are having a great time with them."

Kahit palaging abala sa trabaho ay hindi pa rin pumapalya si CJ sa pagte-text sa akin. Nitong mga nakaraang araw ay puno ang kanilang law firm. Pero kahit na hindi na madalas magkasama ay nag-f-facetime kami tuwing gabi.

"Inaantok ka na ba?"

CJ did not answer. Sa screen, nakita ko na nakasandal lang siya sa headboard niya habang walang t-shirt na suot. Tanging puting kumot lang ang nakatakip sa madepina niyang katawan. I could see his sharp shoulder blades.

"Yeah pero kailangan ko pa 'tong tapusin."

Bumuntong-hininga siya at umayos ng tayo. Inalis ko muna ang atensyon sa laptop at tumingin sa kanya. I rested my chin on my palm.

"Hey, you need to rest," sabi ko.

"Mamaya. Ikaw, hindi ka pa ba matutulog?"

"May inaayos lang ako."

Madalas na ganon ang naging interaksyon namin. Hindi rin naman ako nagrereklamo kahit minsan ay namimiss ko na siya.

Sobrang naging busy na ako lalo na at papalapit na ang pasko. I am busy with the year-end budgeting. Sumasakit ang ulo ko kakatingin sa paulit-ulit na numero.

I know I've got enough people to do it but I don't want to fail. I want to be precise.

Pumasok ako sa opisina ni Kuya para ilapag sa kanya ang mga report.

"I am so tired. How are you? Shave-shave naman kapag may time."

Kuya Sebastian looked different with his unshaved beard. Pansin ko rin na stressed na stressed na siya.

It was meant as a joke but he did not laugh nor acknowledged me.

Nagbuntong-hininga ako at umupo sa katapat na upuan. He exhaled and stopped what he was doing to face me. Halata ko ang pagod sa kanyang mga mata.

"Are you okay?" tanong ko.

"Not really. I am so stressed. Fuck."

"Is this about the upcoming Rizal project? How was that?"

"It's not getting good, Ysah. I asked Atty. Perez about it and he was telling me that it's a serious case. Masyadong nagmamatigas ang mga pamilya doon."

"How about the compensation?"

Bumuntong-hininga siya. "Isa pa 'yan... I've got so much on my plate right now. I don't know what to do. Kung sana si Dad ang nandito, panigurado ay alam niya ang gagawin."

"Hey, you are as great as him. Don't doubt yourself."

Pagod siyang ngumisi. "Bago 'yan, ah? Encouraging words from my pessimist sister."

I rolled my eyes. "Kuya naman, eh."

He leaned and massaged the bridge of his nose.

Sumisikip ang dibdib ko. I know this is a big project. I don't want it to fail either. Kahit naman siya ang CEO ng kompanyang ito, pamilya niya pa rin ako. Sa pamilya pa rin namin 'to.

Behind the BarriersWhere stories live. Discover now