10

999 27 0
                                    

10

Tinotoo ni CJ ang pagiging tahimik niya habang hinahayaan akong manigarilyo. I was anxious. Ano kaya ang iniisip niya tungkol sa akin?

Ayaw niya ba sa mga babaeng naninigarilyo? Is he weirded out?

Ngayon na lang ulit ako nailang kapag may kakilala akong kasama. For sure, hindi ko ma-e-enjoy itong paninigarilyo ko dahil distracted naman ako, kaya itinapon ko na lang sa baba at tinapakan.

I faced him with a pissed face. Bumuntong-hininga siya at humarap din sa 'kin, pero wala siyang sinabi.

"Why are you so kind to me?" tanong ko.

I am a woman of confidence. At the tip of my tongue, I was about to add that maybe he likes me. Pero naurong iyon at naramdaman ko ang pamumula ng pisngi. My gosh, Euresah! Ano nang nangyayari sa 'yo?

Nagtaas ng kilay si CJ.

"Tell me why are you so kind to me," ulit ko.

"Bakit mo naman natanong 'yan, Euresah?"

I scoffed. "Napapansin ko na 'yan lately. 'Tsaka hindi na rin ako naniniwala na coincidence itong pagkikita natin dito. Are you stalking me?"

I remember every word Greg had said to me. Habang paunti-unti ko itong iniisip, tuluyan ko nang nakikita na iba talaga siya sa 'kin.

Normally, he's frowning. A lot. Hindi rin siya maingay at mukhang ayaw niya ng kausap palagi. But he's willing to stay. He's willing to talk to me.

At nakakainis 'yun! It's giving me ideas!

"Bakit ayaw mong sagutin ang tanong ko?"

Mariin niya akong tinitigan habang umayos ng tayo. Mas matangkad siya sa 'kin ng kaunti dahil sa suot kong heels kaya nag-angat pa rin ako ng tingin.

"Is it bad to be kind?" aniya. "Hindi ba pwedeng mabait lang talaga akong tao, Euresah?"

I scoffed. "Oh, come on. We're not teenagers."

"At hindi ako stalker. Katatapos ko lang mag-submit ng mga papeles sa kuya mo and went here to smoke."

Binuksan ko ang bibig para dumepensa pero nauwi rin saw ala. I sighed deeply and looked away.

"Are you doubting me?" he asked.

Hindi ako sumagot at nakaramdam ng hiya! Ayan na nga ba, eh! Mapapahiya pa ako nito.

"Bakit? May iba ka bang iniisip?"

Inis akong tumingin sa kanya. May nakakalokong ngiti na ngayon sa kanyang labi. I felt my cheeks blusing so hard!

"Anong iniisip mo?" tanong niya, may halong panunukso.

Kahit naman hindi ko sabihin ay may alam na siya kung ano iyon! Might as well, tell him na lang. Oh my gosh.

"May gusto ka ba sa 'kin?"

I tried my best to sound so confident and undazed. Humalukipkip pa ako at nagtaas ng kilay, parang nanghahamon, eh, alam ko naman na defense mechanism ko na lang ito sa tuwing nahihiya.

Tuluyan siyang napangiti. I saw how those sleepy eyes suddenly brightened. Sumimangot ako.

"Sabi ko na nga ba," bulong niya at tumingin sa city view.

I stomped my foot. "And I'm not being assuming, okay?"

"You are."

"Hindi kaya!" I defended. "I was just stating the obvious kaya! At the party, you agreed to be my date. Iyong mga kapeng pinapadala mo. Everything! It's suspicious."

Behind the BarriersWhere stories live. Discover now