21

859 24 0
                                    

21

Lumipas ang pasko at bagong taon na halos nakatira ako palagi sa opisina upang tapusin ang trabaho. Regarding the Rizal project, kinailangan ko pa talagang magpaiwan upang hindi nila ito mahuli.

I was restless. Hindi ko na nga alam kung kailan ang huling bisita ko sa mall.

Hindi ko rin maiwasan na mapabayaan na muna ang relasyon ko kay CJ. Sa tuwing magte-text siya ay tulog na ako o 'di kaya ay pagod na pagod na. I don't have time to converse. Whenever I have free time, I spent it on resting.

My back was so stiff. My nails needed manicure. Pero tiniis ko ito lahat para siguraduhin na walang palya ang ginagawa ko lalo na at papalapit na nang papalapit ang proyekto.

"Happy Valentines," bati ko kay CJ pagdating sa restaurant.

Medyo nahuli pa ako kasi sobrang traffic. I just left all my work to spend this special day with him.

Ito pa naman ang unang Valentine's Day ko na may boyfriend. And I also missed him so much.

"Pasensya ka na talaga," I said.

"Ayos lang, Ysah."

CJ looked so fine wearing his white polo shirt. Bumabakat iyong mga muscle niya. Bagong gupit din siya. Nahiya naman ako sa itsura ko.

Duh. I am still beautiful.

"So how are you? Ang lapit-lapit lang natin pero halos isang buwan na tayong hindi nagkita," I joked.

He just smiled a little bit. "Yeah. I am fine. Ikaw? You look tired. Ayos ka lang ba?"

Gusto ko sana siyang sabihin na sobrang pagod ako ngayon. Na kahit nasa harapan niya ako, hindi maalis-alis ang isipan ko sa trabahong naiwan sa opisina.

But I smiled at him.

"Yeah. Mag-order na tayo."

That date felt dry. I had no energy to start a topic. Tahimik lang din naman si CJ. Minsan ay nag-uusap kami tungkol sa kapatid niya pero bukod roon ay wala nang nangyari.

"I really need to go," paalam ko pagkatapos na kumain.

Nahinto siya sa pag-inom ng tubig pero kaagad rin naman siyang napangiti.

"I am really sorry. Babawi ako sa 'yo," I said.

"Ysah, it's fine. I understand. Busy rin naman ako minsan kaya alam ko ang pakiramdam. Just eat well, okay?"

Tumango ako at tumayo na upang halikan siya sa pisngi. I did not waste time and went outside to return to the company.

Tuwing hapon ay pumupunta ako sa opisina ni Kuya para pag-usapan namin 'yung tungkol sa compensation. Kinailangan naming unahan ng solusyon ang mga pamilya roon bago pa masimulan ang proyekto.

"The budget has 3 million for the housing project," saad ko. "I can also get money from my own wallet, Kuya."

"No need, Ysah. This is my problem. I should be the one doing that."

"Pero kapatid mo ako. Whether you like it or not, I am already a part of this problem. Ano ang sinabi ng board?"

"They already know about the families. Pero wala silang alam na may protestang naganap. Did you talk to Attorney Perez about this?"

I pursed my lips and stared at my brother.

Alam ko na si CJ ang abogado niya, pero ayoko lang talaga pag-usapan ang trabaho kapag magkasama kami. I felt like it's too much.

Minsan na nga lang kami nagkikita tapos trabaho pa ang pinag-uusapan namin. Mailap din si CJ na magkuwento tungkol sa trabaho niya.

I nodded. "Not yet but I will talk to him."

Behind the BarriersWhere stories live. Discover now