19

946 28 11
                                    

19

Hindi ko na alam kung ba't bigla na lang akong naging malapit kina Mayumi at Athena. Ngunit simula nang makilala nila ako sa party ay hindi na nila ako tinantanan. Gumawa pa nga sila ng group chat at sinali ako.

Athena: When are you gonna be free? @Euresah

Athena: Sama ka sa pagpili ng gown, okay?

Mayumi: Kailangan nandun kayong dalawa. Para naman matulungan niyo ako.

Kinagat ko ang aking kuko habang tinitigan iyon. Hindi ko alam kung paano magre-reply. Bumuntong-hininga na lang ako at binitawan ang cellphone upang magpatuloy sa trabaho. Pero hindi na tuloy ako mapakali.

"Madame, ayos ka lang?" ani Greg.

I looked at him and sighed. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin. Ipinakita ko sa kanya ang group chat.

"Bakit, po? Anong problema?"

"That's the problem," sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Wala naman pong problema, Madame. 'Tsaka sino po 'yan? Mga bago niyo pong kaibigan?"

Ngumiwi lamang ako, hindi alam ang sasabihin.

"Naku! Congrats, Madame! I am so happy for you."

Bumuntong-hininga ako. "I don't know. Hindi naman talaga kami close pero ewan ko ba. They just won't stop."

"Eh, bakit po kayo stressed na stressed?"

"Kasi hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-reply sa kanila," I groaned.

Bumagsak ang mga balikat ko. Kahapon pa ako nag-iisip ng irereply pero wala talaga akong maisip. It is also very embarrassing!

"Sino po ang ikakasal?" tanong niya.

"The girl named Mayumi."

"Paano niyo po nakilala?"

"They are CJ's friends," sabi ko.

"Naku, mabuti naman po! Mabait ba sila sa 'yo?"

Tumango ako, medyo nahihiya pa.

Kahapon pa nila ako mine-mention pero tanging seen lamang ang nagawa ko. I don't know how to reply!

"Hindi niyo po alam ang isasagot?" tanong ni Greg.

Umiling ako. "It's very awkward," mahina kong sabi.

"Easy lang po 'yan, Madame. Isipin niyo lang na nakikipag-usap ka sa kanila. Palibhasa, hindi ka rin naman pala sanay na may ka-chat 'no?"

Tumango ako kasi bago nga naman sa 'kin 'to.

"Hala," gulat na sabi ni Greg nang biglang mag-request ng video call ang group chat!

I eyed him, clearly asking for help. Tumawa lamang siya at binigay sa 'kin ang cellphone.

"Anong gagawin ko?!" I hissed.

"Follow your heart, Madame. Follow your brain."

"What?! Naku, Gregorio. Sumasakit ang ulo ko nito."

Humagikhik siya. "O siya, iiwan muna kita, Madame, para naman may privacy ka."

"Don't leave me alone."

"Kaya mo 'yan!" He raised both his fists. "Fighting!"

Tinawag ko pa si Greg ngunit umalis na siya sa opisina. Problemado akong nagbuntong-hininga at tinitigan ito.

The call died. Then after 5 seconds, it rang again.

Pumikit na muna ako, chine-cheer ang sarili. Oh my gosh, Euresah. Parang video call lang naman 'yan, eh.

Behind the BarriersWhere stories live. Discover now