6- 1st Day of Welcome Party

35K 1K 14
                                    


Kismeth POV

Today is Monday. Ang unang araw ng 'welcome party ' ko kuno. Oo akin lang dahil unfortunately ako lang ang nagiisang transferee this school year. Tatlong araw akong hindi pumasok. Hindi para paghandaan ang mangyayari sakin kundi dahil may inasikaso ako about sa gang at tinatamad din ako. There's this certain gang kasi na pumapatay at nagpapahirap sa mga underlings namin. Pero ngayon medyo ok na dahil pinaayos ko na kila Charles. May nahuli silang tatlong lalake na pinapahirapan ang leader ng Devil Gang kasama ang gangmate nya. Naging underling namin sila dahil nung natalo namin sila sa isang battle, voluntarily silang lumapit samin at sinabing underling na namin sila. Pumayag naman kami at infact, worth it naman ang pagtanggap namin sa kanila dahil naging loyal sila sa gang ko.

"Akala ko ba lumipat na yan!?? ''
"Oo nga! Kala ko din lumipat na sya kahit di pa nagsisimula ang WP nya! "
"Tapang ah! Sa unang araw pa ng Welcome Party pumasok!! "
"Kaya siguro sya umabsent ng tatlong araw eh para maghanda!! "
"Hahaha!! Baka nga! Nagpraktis sigurong madapa at mabasa! Haha ''

Bahala kayo kung ano gusto nyong paniwalaan. Pero kahit anong mangyari, hinding hindi ako aalis dito. Kahit gaano pa kahirap o kasakit yang walang kwentang party na yan!

Naglakad na ko papunta sa room at hindi pinansin ang mga bulungbulungan nila. Parang pinaparinig pa nga sakin eh dahil sa lakas ng boses!

"Bat ka pa pumasok!!? I mean bat ngayon ka lang pumasok? " tanong sakin ni Sydney pagkaupong pagkaupo ko. Konti pang ang tao sa room pero yung iba ansama na ng tingin sakin. Dukutin ko mga mata nila eh! Wala pa din yung walong lalake sa likod ko. Bat ba pinapakialamam ko pa sila!? Tsk?!!

"Wala. Tinamad " sagot ko. Di ko nalang pinansin yung una nyang tanong dahil hindi ko alam kung concern ba sya  o nangiinsulto.

"Hay akala ko iiwan mo na ko. Kala ko di pa nagiistart ang welcome party pero sumuko kana '' Sydney. Sumuko ka na??

Sumuko ka na
Sumuko ka na
Sumuko ka na

"Kahit kelan hindi ako susuko "malamig kong sagot sa kanya sabay ub -ob sa lamesa ko. Naaasar ako! Naaasar ako hindi kay Sydney kundi sa sarili ko! Sumuko na ko? Hindi! Hinding hindi ako susuko! Ngayon pa lang magtago na SILA. Ngayon palang habang hindi pa ko nagsisimula

Sydney's POV

Hello mga reader's! Ako nga pala si Sydney Intal pero Sydney nalang. Nakadukdok ngayon si Kismeth sa upuan nya. Natutulog ata. Natakot ako kanina sa naging reaksyon nya. Para kasing may pinanghuhugutan. Yung boses nya kanina gininaw ako sa lamig! Tas yung tingin naman nya nakakamatay! Creepy!!

"Okay class magtatanong ako ng dalawa  sa inyo ngayon. Siguro naman makakasagot kayo tutal kakareview ko lang ng mga lessons na napagaralan nyo nung 4th year highschool kayo " si Ms. Mendoza ang teacher naming matandang dalaga kaya iba ang ugali. Kanina pa sya nagtuturo pero etong katabi ko eh tulog pa din! Ayoko namang gisingin dahil natatakot ako! Haay nako Kismeth ako ang kinakabahan para sayo eh!!

"Define geometry in your own words " sabi ma'am. Nilibot naman nya ang tingin nya sa buong room. Wag kang titingin ma'am sa tabi ko please!! Cross finger at kagat dila!!!

"You Mr. Aquino '' huh! Buti naman

"The branch of mathematics dealing with the properties, measurement, and relationships of points,lines, planes, and solids '' King James. Ang galing!! Nakakamangha!!

"Very well said Mr. Aquino. Now it's your turn......... Ms. Yamato!! Early in morning yet your sleeping!! And sa klase ko pa talaga!! Matalino ka na siguro para hindi makinig sakin at matulog sa klase ko!! " ma'am. Ano ba yan!! Namaga na yung dila ko kakakagat ko pero nakita pa rin ni maam!!! Eto namang katabi ko tahimik pa rin!! God bless her nalang!!

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon