10-Last Day of Welcome Party

32.9K 1.1K 39
                                    


Kismeth 's POV

Naalimpungatan ako dahil parang may humahalik -halik sa pisngi ko. At
isang tao lang ang gumagawa nito para gisingin ako.

"Anong ginagawa mo dito? '' tanong ko kay kuya pero nakahiga pa din ako.
Ayoko sa lahat ay ang ginigising ako pero kapag si kuya o si dad ayos lang. Kahit sa mga gangmate /kaibigan ko hindi rin pwede.

"Wala namiss kita kaya pumunta ko dito. Wala na rin naman akong trabaho sa kompanya kaya pinayagan ako ni dad '' kuya at niyakap pa ako. Pareho kaming nakahiga ngayon sa kama ko na ayokong pinapahigaan kahit kanino.

"Tumayo ka kung ayaw mong magkaroon ng pasa yang mukha mo '' tumayo naman sya agad dahil alam na nya yung sinasabi ko. Teka 8:00 na pala? Nine ang pasok ko ngayon.

"Kapatid ihahatid kita ah? Gumayak ka na!! '' sabi ni kuya bago lumabas ng kwarto.

Pagkaalis ni kuya tsaka ako tumayo para maligo. Dumiretso akong cr para gawin ang daily rituals ko.

Pagkatapos kong maligo bumaba na ko para kumain ng breakfast. Inabutan ko namang kumakain na si kuya. Di manlang nanghintay

"Kain na kapatid at ihahatid pa kita" tulad ng sinabi nya, kumain na nga ako. Hotdog at toast bread ang kinain ko.

Pagkakain namin ni kuya, lumabas na kami sa bahay at sumakay sa sasakyan nya. Sasakyan nya?? Nandito na kaya ang mga sasakyan namin?

"Nandito na yung mga sasakyan mo kung hinahanap mo " sabi ni kuya bago paandarin ang red Ferrari nya. Nandito nga ang mga sasakyan ko kaso di ko naman magagamit??

"Sa likod ng school tayo dumiretso. Dun mo ko ibaba" sabi ko kay kuya dahil malapit na kami sa school

"Bakit dun? Sa gate nalang para hindi ka na maglakad ng mahaba " gustuhin ko man hindi pwede.

Hindi ko na sya sinagot kaya sa likod ng school kami dumiretso.

"I'll fetch you later okay? Take care '' sabi ni kuya at kaniss ako sa noo bago ako bumaba. Ganyan kami ni kuya. Minsan sweet minsan hindi.

Pumasok na ko sa gate ng school pero parang may mali. Walang mga guard na nakabantay sa harap at walang mga kotseng nakapark sa parking lot na kitang -kita pag pasok mo sa gate. Mga sports car ng mga spoiled brats na estudyante na nagaaral dito sa M.A

Dirediretso lang ako sa paglalakad ng may biglang tumakip na panyo sa ilong ko. Infairness ang bago ng amoy pero alam ko may pampatulog to. Sanay na ko sa mga amoy na ganito kay hindi ako naaapektuhan o nahihilo.

Naramdaman kong binuhat nila ko papunta sa auditorium. Dalawa silang bumuhat sakin.

Nang makarating kami sa auditorium, naramdaman kong maraming estudyante ang nandito ngayon. Halos lahat ata ng college students nandito. Maluwang kasi tong auditorium at may mga aircon kaya kahit marami, malamig naman.

Inupo nila ko sa silya na nasa mini stage ng auditorium at tinali. Ano ba meron? Ay ngayon nga pala yung last day ng party ko.

*paaaaak!!! *

"Gising!! '' may sumampal sakin kaya napadilat ako. Pagdilat ko may nakatutok na spotlight sa mukha ko kaya medyo napapikit ako. Walang ilaw sa buong auditorium pwera lang sa spotlight na nakatutok sakin at sa babaeng nasa harap ko ngayon.

Matangkad, maganda at parang model kung titignan dahil sa hubog ng katawan nito. Pero sino nga ba sya?? Parang natatandaan ko yung mukha nya? Sino nga ulit to?

"Queen Myrtle ito na po ang latigo" abot sa kanya ni Agatha na inirapan pa ko pero nakangisi nung umalis. Eto ba yung reynang hilaw?? Latigo? Tapos na holy week para sa penitensya sa akin -_-

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon