26- She is so Childish!!

29.2K 895 54
                                    

Third Person's POV

Isang oras mahigit nang pinagtutulungan ng dalawang maid na gisingin ang kanilang among himbing na himbing sa pagtulog. Ginawa na nila lahat ng alam nilang paraan ng pag gising pero hindi ito umuubra. Nawawalan na ng pag asa ang dalawa ng magliwanag ang mga mata nito at tila nakakita ng isang malaking dyamante.

" bat di mo kasi inisip agad! Pagod na pagod nako!!" Maid 1

"Tanga kaba eh kita mong ako ang taga igib mo! Tagakuha ng sandok at kawali! Tagakuha ng labinlimang alarm clock! Yan problema sa inyo eh!! Hindi nyo nakikita yung effort namin! Puro nalang yung pagkakamali at pagkukulang napapansin nyo!!" Maid 2

" Aba naman! Eh anong drama yan!? Wag ka ngang humugot wala ka namang lovelife!!" Maid 1

" Eh eto panira!! Tara na nga!!" Aya ni M2 kay M1

Dalidaling umalis ang dalawa at pagbalik nila ay may hawak silang tigisang bote ng chocume. Isang brand ng pabango na paboritong paborito ng amo nila. Sigurado silang ito ang paborito nitong pabango base narin sa collection nito na halos mapuno na ang isang kwarto.

Mabilis na inispray ng dalawa ang nasabing pabango sa paghahangad na magising ang kanilang amo sa oras na makaamoy nito. At hindi nga sila nabigo. Nakatitig ang dalawa sa amo nilang nakahiga. Magkahawak ang kamay habang pinapanood ang dahan dahang pagmulat ng mata ng kanilang amo. Kinakabahan dahil batid nila na paggising sa kanilang amo habang itoy natutulog ang pinakaayaw ng kanilang amo. Ngunit kailangan nila itong gawin dahil may pasok ang amo nila.

Nanginginig na nakatingin ang dalawa sa amo nila ng umupo ito mula sa pagkakahiga. Walang mababakas na emosyon sa mukha nito kayat lalong kinabahan and dalawa.

" Gooooooood moooooorningggggggg!!!!" (*^_^*)

Laglag ang pangang napatingin ang dalawa sa isat isa. Nagtataka sa kakaibang asal na ipinakita ng amo nila sa kanila. Dahil imbis na magalit ito, nakangiti pa itong binati sila.

King James' POV

"Attendance!!" Bwisit na matanda to. Aga aga bulyaw ng bulyaw

" Pre bat nakakunot agad noo mo? Lintik ka aga aga badtrip kana agad? " kenichie na nasa kaliwa ko

" Ano ka ba naman! Bobo o tanga!? May namimiss lang yan kaya ganyan!" Tetsu habang nagtetext. Sino naman katext ng ugok nato?

" at sino naman mamimiss ko?" Taas kilay kong tanong sa kanya

" Ms. Yamato!!? Yamato!! Grrrrrrrr late na naman ba sya!!!!???" Sakit sa tenga bwiset!

*BLAAAAAAG!!!

Isang malakas na pagbukas ng pinto ang nakapagpatingin saming lahat sa pinto para tignan kung sino ang nagbukas noon. Ilang saglit pa, pumasok ang isang babaeng nakangiti ng wagas. Wait? Kahawig nya si nerd ah? Ang kaibahan lang ay si nerd eh laging parang galit sa mundo.

" Why are you late again Ms.Yamato!!??? " sigaw ni maam.

" huh?" Tangina sino ba yan?

" oh kita nyo! Sya yung sinasabi ko na namimiss ni JZ!" Tetsu

" Hi kismeth good morning!!" Kenichie.

" good morning din kenichie! Ang cute mo naman!!" ヾ(*´∀`*)ノ sabi ni nerd.  Tangina ano meron?

Nakangangang bumalik ang tingin ko sa harapan. Hindi parin nagsisink in sakin kung bakit ganito sya umasta ngayon. Nagdadrugs ba sya!???

Crystal's POV

Kalalabas lang ni maam mendoza kaya hindi pa kami tumatayo. Buti nalang at recess na dahil kanina pako nagugutom (´O`)

" Tsk tsk tsk. Hindi dapat makita ng iba ang ganitong side ni Kismeth. Maaaring mapahamak tayo, or worst mapahamak sya" Charles habang nakatitig kay kismeth na masayang nakikipag kwentuhan sa kaibigan nito. Kita ko ang pag aalala sa mga mata nya kayat napangiti nalang ako dahil kampante akong ligtas ang kaibigan ko kapag nagkatuluyan sila.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon