47- You're a Selfish Monster

19.9K 560 54
                                    


KING JAMES' POV

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa ginagawa ni baby girl. Sa pagkakatanda ko, bago pa kami maghiwalay nung Sabado ay maayos pa kami. Pero ngayon, parang hindi kami magkakilala.

" Hey, may problema ba tayo?" tanong ko sa kanya sa panglimang pagkakataon ngayong araw. Pero tulad kanina, ni hindi sya sumagot. Nakapikit lamang sya habang nakakuyom ang kamao. Hindi ko tuloy alam kung may nagawa ba akong mali o ano.

Saktong tunog ng bell, mabilis syang lumabas ng room bitbit ang kanyang bag. Nagtataka na nga ako dahil kahapon pa sya ganyan. Gusto nya laging magisa. Ayaw nyang may kumakausap sa kanya. Kahit oa mga kaibigan nya.

Susundan ko na dapat sya pero hinarangan ako ni Crystal at nung mga kaibigan nya. Isa pa tong grupo na to na gumugulo sa isip ko. Para kasing kilalang kilala nila ang baby girl ko.

" Please, sana maintindihan mo. Kailangan nya ng time. Trust me " sabi ni Crystal habang nakangiti ng malungkot samantalang seryoso lang ang mukha ng tatlo nyang kasama. Magsasalita sana ako pero pinigilan ko lang. Bakit ba kasi?

Lumabas nako para pumunta sa private room. Kasunod ko naman yung pito pero tahimik lang silang naglalakad sa likod ko. Alam kasi nilang wala ako sa mood.

" King ano plano mo bukas? " Kenjie. Oo nga pala. Bukas na ang birthday nya. Pero hindi ko alam kung paano ko sya masosorpresa.

" Hindi ko alam. Hindi nya ko kinakausap " sagot ko naman bago umupo sa sofa. Napahilot naman ako sa sentido ko ng pumasok na naman sa isip ko yung hindi nya pag pansin sa akin. Wala naman akong nagawang mali ah!?

" Tanungin kaya natin ang mga kaibigan nya? Para lahat tayo makapag plano " Tetsu. Pwede.

" Tinext ko na si Sydney. Kasama nya raw sila Crystal kaya pinasama ko na rin. Tutal kilala rin naman sila ni Kismeth " Kenichie.

Tumango nalang ako sa kanya bilang pag apruba. Maya maya pa ay may kumatok na sa pinto ng private room. Pinagbuksan naman agad ito ni Aldous.

" Bakit po King? " Sydney. Tsssk. Masyado akong ginagawang matanda ng babaeng to. Dahil kaibigan sya ni baby girl, dapat ay masanay na syang makipag usap sa akin.

Hinintay ko naman silang makaupo lahat bago ako sumagot. Nakapalibot kaming lahat sa mini table dito sa sala. Hindi naman siksikan kaya ok lang.

" Birthday ni Kismeth bukas. And Im planning to surprise her " nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Crystal at ng mga kasama nya. Problema nila!?

" Ay pwede! Mag pa party tayo! " EJ na umakbay pa kay Sydney. Napatingin naman kaming lahat kay Kenichie ng padabog nitong ibinaba ang baso sa table. Napaghahalataan sya e. Tsssk

" Wag na kayong mag abala. Hindi nya magugustuhan ang party na yan " Charles. Aba gago to ah!? Hindi pa nga sinisimulan napaka kontrabida na!

" Shut up asshole. Bakit ba napaka pakielamero mo?" sinamaan ko sya ng tingin at ganon din sya sakin.

" Sinasabi ko lang ang totoo. She's not fond of parties" sagot nya naman. Naikuyom ko naman ang kamay ko dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Kapal ng mukha!

" Really? May pruweba kaba?" hamon ko sa kanya. Sasagot pa sana sya ng biglang magsalita si Crystal.

" Stop it guys! It's true King. Ayaw nya ng mga party. Ayaw na ayaw nya " nagtaka naman ako dahil parang maiiyak na sya habang sinasabi yun. Putcha ang hirap naman!

" Gustuhin man naming maki plano sa gagawin nyong surprise, mas mabuti pang wag nyo nalang ituloy. Magagalit lang sya " Jonas ata pangalan nito?

" Bakit naman? It's her birthday dude. Natural lang na icelebrate iyon " takang tanong ni Zymeth.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon