42- Pahingi Namang Shampoo!!!

23.4K 639 50
                                    


KING JAMES' POV

" Papasok pa ba tayo? Nakakainip " Tetsu na nakapangalumbaba sa handrest ng sofa. Andito kami ngayon sa private room namin dahil lunch break na. Ako rin tinatamad

" Ano JZ? Tutal wala naman yung taong gusto nyong makita ni Daisuke, wag na tayo pumasok hahahahha" sinamaan ko naman ng tingin si Kenichie dahil sa sinabi nya. Siraulo

Pero nasaan nga kaya yung nerd na yun!? Aba! Ano ba meron at hindi manlang pumasok ngayong umaga! Ni anino nya hindi ko nakita! Kahit yung kaibigan nya hindi rin alam kung nasaan sya!? Tssssk.

" Bahala kayo kung papasok kayo o ano. Aalis muna ko " paalam ko sa kanila bago dire diretsong lumabas ng private room papunta sa paborito kong pag tambayan.

Dumaan muna ko sa cafeteria para bumili ng makakain. Aba nagugutom rin ako no. Tsk

Palabas nako ng cafeteria bitbit yung isang plastic ng pinamili ko ng makabunggo ko sila Sydney. Napansin ko naman na hanggang ngayon wala parin sya. Tsssk

Malapit nako sa parking lot at tanaw ko na yung tambayan ko ng mapansin kong may mga bulaklak na nalalaglag mula dito. Huh? Binilisan ko pa ang lakad ko at handa ng sapakin ang kung sino mang tumatambay sa pwesto ko ng hindi ko alam.

" Who told you---" napatigil naman ako sa pagsigaw ng makitang si nerd lang pala to. As usual, nakaupo sya sa pwesto nya noon. Deja vu? Nakasandal sya sa isang sanga at nakatingin sa kawalan. Ano na naman kaya problema neto?

" Hoy apura absent mo" sabi ko sabay pitik sa noo nya. Kita ko naman ang biglang pagkunot nito sabay tingin sakin ng masama na syang ikinangisi ko.

Isinabit ko yung plastic na pinamili ko sa isang maliit na sanga sa pagitan naming dalawa para umayos ng upo. Sarap talaga tumambay dito. Ang presko. Palagyan ko kaya to ng tree house? Hmmm.

Nagiintay ako ng sagot nya pero hindi manlang nyako tinignan ulit at pumikit sabay sandal uli sa sanga.

" May chocolate milk dyan " napangiti naman ako dahil sa naging reaksyon nya pagkasabi ko nun. Biglang dumilat ang dalawa nyang mata at mabilis na kinuha yung chocolate milk. Teka, bakit nga ba ko bumili nun? Aish ewan.

" Bakit hindi ka pumasok" tanong ko ulit sa kanya bago kumagat sa sandwich na hawak ko. Siguro naman, ngayong binigyan ko sya ng maiinom e sasagot na sya diba?

" Napuyat ako. Tinamad ako pumasok" sagot naman nya sabay higop sa iniinom nya. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya dahil ang cute nya. Parang bata. Kinukuyakoy pa yung dalawa nyang binti haha.

" Tsssk. Bat ka napuyat? Dahil kausap mo magdamag yung boyfriend mong nerd? Tsss di naman gwapo " sagot ko naman bago kumuha ng apple juice. Mabibilaukan pa ko bwisit

" Huh? Boyfriend ko? Nerd?" takang tanong nya bago uminom ulit.

" Yup. We saw you. I think last month? Kumain pa nga kayo nun e " nagtaka naman yung itsura nya pero maya maya lang ay umiling na parang natatawa. Weird

" He's not my boyfriend. Wala ako nun. Wala akong balak " she said. Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi nya. Dapat bakong matuwa dahil nalaman kong wala syang boyfriend o mainis dahil wala syang balak magkaron?

" Huh really? Eh pano kung ligawan kita?" fuck. Bakit ko ba sinabi yun? Nabigla yata sya sa tinanong ko dahil bigla syang naubo. Tinapik tapik ko naman ang likod nya at baka kung mapano pa to. Tsssk

" Shut up. I know wala sa bokabularyo mo yan. At alam kong hindi tulad ko ang tipo mo" napaawang naman ang bibig ko dahil sa sagot nya. Hindi nga ba? Aish.

" Bakit nagmamadali kang umalis kahapon? May nangyari ba?" i tried my very best not to sound so worried. Pero kahit ako, hindi maniniwala sa sarili ko. Tsssk

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon