54- Crown Academy

21.2K 564 66
                                    


KISMETH'S POV

" Girl who's that? "
" She looks so hot and scary!"
" Ang ganda nya pero nakakatakot!"
" Dude look at her ass! "
" Damn bro i want her! "

Pssssh. Sinabi ko sa sarili na hanggat maaari, magla lie low ako. Hindi ko naman naisip na sa pagdrift ko palang kanina ay makukuha ko na ang atensyon nila. Aish

" Babe sabay ka sakin mag lunch? San mo gusto? Cafeteria, resto or....... Sa kama ko? " napatigil naman ako sa paglalakad ng magsalita yung lalaking nadaanan ko. May kasama syang dalawang babae na masama ang tingin at panay ang irap sa akin. Dukutin ko kaya mata ng mga to!?  Naglakad ako hanggang makarating ako sa tapat nya.

" Really? Masasamahan mo ba ako? " tanong ko habang inilalapit ang mukha ko sa mukha nya. Hinawakan ko naman ang dibdib nya at hinayaan ang kamay kong haplusin ito.

Napalunok naman sya at sunod sunod na tumango na syang ikinangisi ko. Haaay jusko ang mga lalaki. Sorry pero hindi ko sya type. Nasa kabilang school e.

" Sa Deans office? " dugtong ko naman at hinatak ang kuwelyo nya pataas. Namutla naman ang mukha nya samantalang nanlaki ang mata nung dalawang babae.

" I. Cant. Breath ! O-oo sasamahan na
kita!" binitawan ko naman sya agad at tinaasan ng kilay dahil hindi sya naglakad at panay ang ayos sa damit nya.

" Bye girls! See you when I see you! Maghahatid lang ako ng sadis--- I mean maganda! " napakunot naman ako dahil sa pinagsasasabi ng lalaking ito. Bwisit. Pasalamat sya at hindi ko alam kung nasaan ang Deans office. Kung alam ko lang ay baka nasapak ko na sya kanina.

" Bakit ngayon ka lang pumasok? I mean, saan ka galing na school? " tinitignan tignan nya naman ako pero nanatili akong tahimik at nakatingin sa daan. Pansin ko na pinagtitinginan kami. Tssssk

" Ay oo! Maganda dun eh no!? Pwede bang pakihinaan ang boses mo? Masyado malakas e. Baka marinig tayo ng ibang students " sarcastic nyang sabi sabay pout. Dalawang tao ang naaalala ko sa kanya. Pagka isip bata ni Rhayn na may pagka babaero ni Kenichie. Lakas. Two in one! Asan ang mainit na tubig at maitimpla na to?

" Tssss " sagot ko naman sabay irap. Tumawa naman sya na parang baliw. Siraulo.

" Miss, hindi naman ako papayag na mahatid ka sa Deans office ng hindi nalalaman ang pangalan mo. Btw, my name is Drake Komrade. And you are?" nilahad nya naman ang kanyang kamay para makipag shakehands. Tinignan ko lamang ito bago sya lagpasan.

" Kismeth " pakilala ko bago tuluyang buksan ang pinto ng Deans office. Pagkapasok ko, bumungad sa akin ang kulay asul na theme ng kwarto.

" You must be Kismeth, am I right? " nakangiting bati sa akin nung babae na sa tingin ko ay ang Dean. Ang bata ng itsura nya  pero sa tingin ko ay nasa ede sisenta na ito.

" Yes " tipid kong sagot bago lumakad palapit sa kanya. Nginitian nya naman ako ng matamis bago buksan ang drawer ng kanyang mesa.

" Enjoy your first day ija. Goodluck " tumango naman ako bilang sagot at dali daling lumabas ng opisina pagkakuha ng schedule ko. Dalawampung minuto na akong late sa unang klase ko. Tssss

Habang naglalakad, hindi ko mapigilang ilibot ang paningin ko sa Crown Academy. Malaki at maganda ang disenyo nito pero mas malaki parin ang sa M.A.

" Watch out! " tumagilid naman ako ng maramdaman ko ang bagay na papalapit sa akin. Kasabay ng pagtagilid ko ay ang pagtama ng bola ng basketball sa dingding sa likod ko. Sinapo ko naman ito agad ng pabalik na sa akin.

" Sorry Miss! Hindi ko sinasadya! " napatingin naman kung saan nanggaling ang boses na iyon. Pagangat ko ng mukha ay tumambad sa akin ang tatlong lalaki na ngayon ay nakatingin sa akin ng seryoso.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon