32- A night with Her

30.9K 977 34
                                    


Kismeth's POV

Mag te-10:00 na pero nandito padin ako ngayon nakaupo sa sidewalk at inaabangan ang pagdating nung dalawa. Tinatamad naman ako maglakad lakad dahil maraming outsider ang pwedeng pumasok dito ngayon sa school. Baka may matyempuhan akong abno at maginit lang ang ulo ko.

" Yaaah! Kanina kapa namin hinahanap! kala ko ba nasa sidewalk ka?" Sydney

" Nagtanong kaba kung saang banda?" Sagot ko naman sa kanya

" Oo nga naman! Nga pala, samahan nyoko guys! Kukunin ko jersey ko para sa game bukas" beks. Oo kasali sya sa TOP 15. At ako rin 🙍 pabigat

Naglakad na kaming tatlo papuntang faculty. Habang nasa daan, pinagtitinginan ng mga babae itong si beks. Tsss pano ba naman hindi mukhang bakla. Para ngang magmomodel lang eh. Naka shades pa. Nagmukha tuloy akong basahan. Tsss kung diko lang kailangan mag panggap edi sana first day palang nakakita na sila ng dyosa tssssss

"Ikaw Kismeth? Wala kabang balak kunin ang isusuot mo sa game nyo?" Sydney. Oo nga pala. Sa makalawa na pala yun.

" Meron" sabi ko bago maghikab. Inaantok ako 😑

Pumasok na kaming dalawa ni beks sa loob ng faculty room. Wala lahat ng teachers maliban nalang sa student assistant na nagbibigay ng mga jersey sa mga players. Pagkakuha ng pakay namin, lumabas na kami in beks at naabutan si Sydney na nakatulala at namumula. Nyare dito?

"Huy nabaliw kana! Gagang re!!" beks

" Aay siraulong kambing!! Ano ba baklaaa!!!!!" 😨 wala nga sa sarili

" Eh bat namumula at tulala ka?? May nakita kabang multo?? Pero umaga ngayon gaga!!" Oa nitong lintek nato

" Gaga natulala lang may nakita ng multo? Diba pwedeng anghel na gwapo??" Sydney. Sabi na eh. May tinatagong landi tong nerd nato eh! Joke

" Oh asan? Asan na!!!?" Isa pa to

" Wala na eii!! Pero sayang kasi student sya from our rival school! Pero ang gwapo talaga bes!!" San kaya kami pupunta? Sinusundan ko lang yung dalawa na busying busy sa paghahanap

" btw ano ba magaganap ngayon??" Beks. Buti naman at may sense na ang paguusapan nila.

" Ooooh good question. Kung di ako nagkakamali, ngayong first day gaganapin ang table tennis,badminton,journalism tsaka yung may mga kinalaman sa arts" aah boring pala tsssk

" So sino sa among labinlima ang lalaban dun?" Beks. Oo nga no?

" Wala. Kayong fifteen ang magrerepresent sa mga gaganaping sports sa 2nd,3rd at 4th day. Kumbaga, yung first day ay para lang sa mga club members na Hindi nasali sa top 15" ah ok

" Ayy kaloka! Eh sa mga susunod na araw ano ganap?"

" bukas 2nd day, basketball nyo, swimming and archery ang paglalabanan. 3rd day naman ang soccer,gunfiring at volleyball. And sa last day ang motor and car racing then celebration sa gabi. Matalo man o manalo" Sydney. Napatango naman ako kahit di naman talaga ako ang kausap 😶

" Eh ano gagawin natin tudey??? Nganga ganern?" Beks

" Syempre maghahanap muna ng lalaki hahahaha!!!" Baliw 😑

" Kayo nalang" singit ko sa dalawa. Matutulog nalang muna ko.

" bakit may pupuntahan kaba? Gusto mo samahan ka nalang namin?" Sydney. Tssss de lalo akong di nakatulog

" No need. Matutulog lang ako. Itetext ko nalang kayo mamaya" sagot ko naman bago tumalikod. Diko na hinintay ang sagot nila at baka humaba lang ang usapan.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon