CHAPTER 31

16 3 2
                                    

ON THE WAY

Malalim na ang gabi ng umalis kami sa pagtitipon ng pamilya ni Moon.

Medyo maaliwalas ang mukha nito habang nagmamaneho. Hindi nagsasawang napatitig ako sa kanya, napagmamasdan may sumisilay na ngiti sa mga labi. Maraming dahilan ngayon para ngumiti ang asawa.

Nagtagumpay mangyari ang ninanais malagpasan para kay Moon. Para makatuon ang isip nito sa relasyong ito nang walang inaalala mula sa tingin ng kapamilya.

"Hindi ka kumain ng maayos kanina," sabi ko.

"I will eat later, in our new place."

Mukhang may binabalak dahil may kakaibang ngiti, hindi ugnay ang totoong pagkain sa sinabi. "How's your conversation with them?" Pag-iiba ko ng usapan.

Maliban sa lolo nito ay nakausap din ang mga magulang at ibang kamag-anak.

"I am the main star of the night," napailing na parang ayaw.

"Because they are wrong about you, about you being a loser. The correct line is, the one who does not aspire the higher position is the one who is now at the top."

Lumilingon. "Cloud is right, it is because of you."

"Wrong, it is because of who you are. I will not love you if you are not Moon."

"Do you really love me?" Sa tahimik nitong tanong.

Hindi ako sumagot. Ginaya ang gawi nito kapag sinasabi ko ang ekspresyon ng pag-ibig para sa kanya. Inilipat ang paningin sa labas, sa kalangitan. Ang buwan ay maliwanag sa klaradong langit. Kita ang maraming bituwin, nagkalat sa lahat ng matatanaw.

Ipinikit ko ang mga mata matapos titigan ang buwan. "I'm so tired, wake me up when we got home." Humikab ng totoo.

Mayamaya pa ay tumigil ang takbo ng sasakyan.

Iminulat ko ang mga mata, dahil nakapaloob na ako sa mga bisig ni Moon at nakadikit na ang pisngi sa pisngi ko. "What?"

"I love you."

Inilayo ng bahagya ang pisngi at diretsong nagkatitigan sa isa't isa. Binasa ko ang katotohanan sa anyo nito mula sa narinig.

"I love you, Sophia."

Tinaas ko ang kilay, sa kabila ng masarap na damdaming bumabangon. "What took you so long?" Tanong ko.

Ngumiti. "Three months pa lang tayo magkakilala, mahal ko. It's not a long time to fall in love with you."

"Three months and two weeks, Moon," pagtataray ko, "it includes our first meeting at the bar."

"Is it?" Sa natatawang anyo.

"Yes, don't argue about it." Inilayo ko sa kanya ang tingin.

Muli rin ibinalik. "I love you," muli rin sinabi.

Ang matang ipinapakita ang sincerity, walang pagkukunwari at malumanay ang pananalita.

Ibinalik ko ang mga salitang iyon.

Isang madiin na halik ang kapalit, at walang katapusang pagtitig sa akin pagkatapos.

"Dito na ba tayo matutulog?" Tanong ko ng pabiro.

"Bakit hindi ka nagtatanong sa mga naging babae ko bago ikaw?" Seryoso ang balik.

Napatikhim ako sa oras ng pagkakataong ito, ang isa sa dahilan para maging buo ang pagsasamang ito. Ngayon ay pag-uusapan.

"Bakit Sophia?"

"Dapat ba ako magselos sa kanila? Is that what you mean?" Tanong ko.

"Ganoon di ba ang natural?"

BOOK 2 - SERENITYWhere stories live. Discover now