CHAPTER 25

4 0 0
                                    

POPGREEN ROOM

Ang linta sa paningin.

"How was in Greece? I've seen your photo with Deo Ree Chan, such an awesome privilege to be invited, sana sinabihan mo ako," malakas ang boses habang nakangiti.

"Hindi ko maalala sabihan ka," sinabi nang mahinahon at tapat.

"Sayang, I heard that Deo Ree Chan is a man of two faces?"

Two faces? Ang ibig sabihin ay manloloko? "I don't know about that."

"Now you know. I'd like also to meet him, but I much prefer to Go Hen Zo Creations."

Okay.

"Anyway, do you remember what I've said before that I do want to be a part of your agency as a model? Is there a slot for me?"

Direkta na sa akin ang reject. "Jenna? Is there a slot for her?" Tanong ko sa katabi nang hindi tumitingin dito. Habang ang kaharap ay confident sa pagkakatayo.

"None, she was eliminated yesterday."

"That's the reason why I'm still here, Sophia," sumabad agad, "I couldn't believe why I was not included here when she picked a non-skilled one."

Itinuro ni Wendy ang tinatawag na walang skill, pang probinsyana ang ayos at nahihiya sa isang tabi.

Nagawa na pala ni Jocel ang pinag-uutos ko bago pumunta ng Greece. Same face sa larawang ibinigay ni Cleofford. Ito ang request ng taong iyon.

Ang paningin ay napunta sa ibang mga modelo, nababasa sa mga mukha ng karamihan ang pagsang-ayon sa sinabi ni Wendy.

Nonsense.

"I'm the main star at the other agency and here? I was not picked? Akala ko mataas ang standards dito? And please check Sophia, baka may favoritism ng nangyayari dito."

Tumango ang iba bilang pagkakaiisa sa sinabi.

"Walang favoritism dito, kagaya ng sinabi ko--"

"Anong dahilan mo bakit hindi mo siya pinili, Jenna?" Putol ko sa sinasabi ni Jenna sa mahinanong tanong.

Napangiti ang ilan.

"Dahil hindi niya sinunod ang instruction na ibinigay ko, Sophia. Sinunod ko lang ang nakikita kong tama."

"Bakit napili mo ang non-skilled?"

"Pinasok siya ni Jocel at nakita ko naman may potential siya lalo na at sinunod niya lahat ng anggulo sa pictorial."

Binalingan ko ang kaharap na si Wendy. "So you did not follow the instructions given."

"Is that a big deal? I just wanted to show that I could do more and not just do that basic," nang walang remorse.

"Yes, it is."

"What for? Is there any problem with that?"

"If Jenna decided about it, I also agree."

Nawala ang pagkakangiti nila, lalo ang kaharap. "What? Are you saying that I will not be accepted to be a model here?"

Paano kaya pahinaan ang volume ng boses nito? "Yes."

"I couldn't believe this? May galit ka ba sa akin, Sophia?" Diretsong tanong.

"None," diretso ko rin sagot.

Hindi pa nakontento. "Are you that anxious that I'm your husband's ex-girlfriend?"

Tumahimik ang paligid, pagkatapos ng dalawang segundo ay nagkaroon ng bulungan.

BOOK 2 - SERENITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon