CHAPTER 15

111 7 1
                                    

KEN FAMILY HOUSE

Bagsak na ang dilim. Mula sa pinanggalingan ay dumiretso sa tirahan ng ama.

Sabi ng kasambahay ay nasa study room ito. Kumatok at nang marinig ang sagot ay pumasok sa loob. Naabutan itong nakaupo sa harap ng lamesa at may binabasang libro.

Tumingin lamang saglit. "Bakit ka nandito?"

"Sabi ng assistant ko gusto mo raw ako maka-usap."

"Bukas natin pag-usapan sa opisina--"

"May kakilala akong pwede magpagaling sa sakit mo," diretso ko ng sabi ang pakay.

Bumalik ang tingin at mas lalo naging seryoso ang mukha mula nang naabutan.

"How did you know?"

"I am well informed," iyon lamang ang nasabi. Parehas nakatitig sa isa't isa nang hindi nagpapatalo.

"Then your information is incorrect."

"Let me do something for you--"

"Stop this talk, Sophia! Don't talk about it, don't presume anything else, and make sure not to relate that unnecessary thoughts to your mother." Galit na ito.

"No, I am serious this time. Of course, I will not tell her about this, but if you will not agree to my help then I might let it pass this unnecessary thought of mine."

Mas lalong nagalit, binagsak ang hawak na libro at binaba ang eyeglasses na suot.

"What are you talking about this time? Alam mo ba kung ano ang pinagsasabi mo? Are you disobeying me now? Are you not going to stop or I will let you take a step out of this house?!"

"I will not stop until I make sure that you will get medication from someone I know," sa kalmadong boses.

"Then I have no choice." Tinawagan ang security.

"Bakit ayaw niyo magpagamot pa? Wala naman masama subukan ulit."

Hindi nagsalita at parang walang nangyaring bumalik sa libro ang atensyon at nagbasa muli. Narinig mula sa labas ang ilang security papunta sa kwartong ito. Mula sa mga yabag ay nahulaan apat ang paparating. Sakto ang hula nang bumukas ang pintuan at pumasok ang mga ito.

"Bakit po, sir?"

"Palabasin niyo si Sophia at siguraduhing hindi na tatapak pa ang mga paa niya sa tahanang ito," malakas at malamig ang boses.

Sumunod sa utos pero lumapit nang may alinlangan.

"Huwag niyo ako hawakan," sabi ko sa kanila sa mahinahon na pananalita.

Tumigil sa gagawin sana pero matalim ang titig sa kanila ng Boss nila kaya pwersahang humawak ang isa sa kamay at braso. Ganoon din ang isa sa kabila.

"Halika na, Miss Sophia."

"I told you, huwag niyo akong hahawakan." Pagkasabi ay isang segundo lamang ay bumagsak ang dalawa nang sabay pero hindi inalis ang kamalayan.

Namimilipit sa sakit ang mga ito samantalang ang dalawa pa ay nakatayo at hindi malaman ang gagawin, nabigla sa nasaksihan.

Tumayo ako ng tuwid sa harapan ng ama. "Please Dad, think over what I've said."

Ang mahinahong mukha ng ama ay napalitan ng pagkabigla katulad ng mga tagabantay niya.

"Hihintayin ko ang sagot niyo. Sana sa lalong madaling panahon." Saka yumuko bilang paggalang bago umalis sa harapan nito.

💛💛💛

BOOK 2 - SERENITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon