CHAPTER 22

3 0 0
                                    

ISLA SAPIRA

Kinabukasan, pagkatapos mapalitan ang benda ni Moon ay saka nagdesisyon lumabas ng hospital.

Ang arkiladong sasakyan mula sa hotel ang ginamit para puntahan ang nais na lugar. Iyon ay ang art gallery ng isla, sa gitna mismo ng resort. Nakita muli sa mukha ni Moon ang kakaibang interes nang pinasok namin ang gallery. Kagaya sa auction, kakaiba ang titig ngayon sa iba't ibang art pieces sa harapan. Tahimik pero nakikita ang liwanag ng anyo.

Ang hilig ni Moon.

Napatitig ngayon sa kamay namin dalawa, palaging hawak ang kamay ko. Mula sa pagtulog kagabi ay mahigpit iyon hinawakan na parang ayaw pakawalan. Kahit dumating ang nurse para icheck ang swero ay hindi hinayaang humiwalay ako sa kanya.

Ngayon, nakasunod ako sa gilid niya sa marahang lakad at pagtigil. Hinahayaan ang lalake sa private time nito.

Halata ang kasiyahan ng anyo nang matapos ikutin at titigan ang mga nasa loob. Nang nasa labas na kami ay sinabi ang dumaan sa isipan, "Gusto mo ba pamahalaan ang shares ko sa Ken Shipping Empire?"

Nawala ang masayang aura, napalitan ng nagtatanong na mukha. "Is that a joke?"

Ngumiti para sa tanong. "Kung gusto mo lang." Sumandal sa sasakyan at hindi muna sumakay. "Or baka may iba ka ng plano. Kung gusto mo ng sariling gallery, let's establish it."

"Alam mong hindi ako magaling humawak ng business, bakit mo ini-offer sa akin ang unang tanong mo?"

"Sino nagsabi na hindi ka magaling?"

"Alam ng lahat, Sophia. I thought you knew ang mga kapalpakan ko sa negosyo ng pamilya namin."

Naalala ang nakaraang paghahanap ng impormasyon sa anim na lalakeng pinagpilian sa akin ng ama. "Ang mga kapalpakan bang ginawa mo ang dahilan kung bakit loser ang tingin sa iyo ng pamilya mo?" Tanong ko.

"Yes," pero napangiti, "the word loser, akma bilang titulo ko."

Napangiti na rin sa klase ng ngiti nito ngayon. "Nonsense."

"Pagkakatiwalaan mo pa ba ako? Baka isang iglap malugi ang lahat at maghirap ka kasama ko."

"Ang lahat ng kapalpakan mo ay pakana ng pinsang mong si Cloud," sa mahinahon kong boses. "Ano ang dahilan niya bakit ginawa niya iyon sa iyo?" Tanong ko.

Humarap at lumapit nang may hindi makapaniwalang mukha. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Iyon din ang tanong ko, Moon?"

Napaisip sa ilang sandali. "Paano mo nalaman?"

Sinabi ang totoo, "Investigate."

"Bakit?"

"Advice ni Roi Ken para makapili ako sa inyong anim kung sino ang mapangasawa ko."

Naintindihan ang ibig kong sabihin habang napa-isip muli.

"Simula ng dumating ako sa kompanya, napapansin kong mainit ang dugo niya sa akin kahit wala pa man akong ginagawa."

"Baka inggit sa iyo?" Tanong ko. Naisipan hilahin na ito papasok ng sasakyan dahil mainit na ang sikat ng araw sa balat.

"Hindi ko maintindihan."

Halata nga sa mukha. Sinabi ko ang sapantaha, "Ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw."

Iba ang dating sa pandinig ni Moon. "What?"

Napangiti sa sariling sinabi, "I mean, dahil threat ka at may potential, lihim siyang gumagalaw para mawala ka sa landas." Pinaandar ang sasakyan pagkalagay sa seatbelt ni Moon.

BOOK 2 - SERENITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon