CHAPTER 20

123 9 0
                                    

WHITE ROOM

Naalimpungatan sa pagpasok ng nurse para sa round check.

Tumingin sa katabi na nahihimbing habang nakadapa. Napangiti ng mapansin ang pagkakahawak ni Moon sa kamay. Dahan dahan kumawala at lumayo.

Pagkalabas ng nurse ay saka lumabas din ng walang dala. Dalawang oras lang nakatulog kaya mabigat ang ulo pagkatapos.

Ang pribadong hospital ay nasa bandang likod ng hotel. Naglakad at pumunta sa gitna ng pamilihan ng kung anu ano. Lumapit sa tindahan at pumili ng damit pampalit ni Moon at para rin sa sarili. Kinuha ang malaking sombrero at malaking sunglasses, isinuot ang mga ito bago lumapit sa counter. Inilabas ang itim na card ang tanging dala at inilapag sa harapan ng kahera. Nagbago ang anyo pagkakita sa maliit na card at yumuko ng ilang beses bilang pagbibigay galang. Nang matapos ang proseso ng bayad ay agad tumalikod para umalis at hindi lumingon dahil mga nakatitig ang mga nagtatrabaho sa loob.

Dahil naiwan sa pag-aari ni Acelus ang dalang bag. Ang black card nito ang ipinalit muna sa akin para makagalaw dito sa isla ng malaya.

Malaya? Ang card ay magiging dahilan mawalan ng kalayaan. Dahil ang mga may-ari lamang ng isla ang mayroong card na ganito.

Nonsense.

Bumili rin ng makakain at inumin. Umiwas muli sa habol ng tingin ng ilan. Saka bumalik sa hospital nang mabili ang kailangan. Bago marating ang kwarto ni Moon ay hindi muna nagawang tumuloy dahil may nakatayong dalawang nilalang sa labas ng pinto at halatang naghihintay.

Kumaway pa ang isa pagkakita sa akin sa bungad.

"Pahingi ako ng cash, Froi." Pagkalapit ko kay Froiland Weslee dahil hindi nagagamit ang black card sa atm.

"Utang, you mean, Sophia?" Nakangiti.

"Marami ka nang kinita sa shares ko. Akin na ang wallet mo." Inilahad ang libreng kamay habang nasa kabila ang lahat ng dalahin.

Walang salitang kinuha ni Baru Dex ang mga dala ko sa isang kamay at ipinasok sa loob ng kwarto ni Moon.

Umiiwas yata ang isa.

Ibinigay sa akin ang wallet nito. Binuksan ko iyon at inalis ang mga hindi kailangan at inilagay sa palad ng kaharap. Tanging ang wallet at ang ilang pirasong papel ang itinira.

"Merciless, Sophia. Pati wallet ko kukunin mo rin? Limited edition 'yan at sampu lang ang mayroon niyan sa buong mundo."

"Bakit konti lang ang cash mo?" Iyon ang tanong kaysa sa wallet nitong walang halaga sa paningin.

"Anong gagawin ko sa maraming cash kung may card naman? Isang tawag ko lang kahit saang bangko ay mag-uunahan sila bigyan ako ng cash," halata sa tono ang karangyaan.

Nonsense.

"Treat me to a lunch date, Sophia. In return for the cash."

Palaging may kapalit sa taong ito at hindi pera ang pampalit.

"Some other time," bilang pambawi rin sa mga tulong na naibahagi nito sa negosyo.

"Nagpasama ako kay Baru dito sa isla para linisin ang kalat. Maraming naiwan," habang isinuklay ang mga daliri sa buhok.

Dahil ang isa ay ang nasa likod ng security ng isla samantalang ang kaharap ay ang kalakaran ng negosyo mismo ng resort.

"Anong connect sa akin at nagpakita kayo dito?" Tanong ko.

"Para makita kung sino ang pinagkakaabalahan mo," nakangiti ng parang nakakaloko.

Iniwanan ko ito at pumasok sa loob. Nagulat ng bahagya ng maabutan gising si Moon at nakatayo sa harapan ni Baru Dex. Ipinakitang balewala at pinuntahan ang lamesa para ayusin ang mga nakalapag.

BOOK 2 - SERENITYOnde as histórias ganham vida. Descobre agora