CHAPTER 6

121 6 0
                                    

ON THE ROAD

Mabilis pinapatakbo ang sasakyan papunta sa lokasyong binigay ng ama. Nasa isangdaan nakatutok ang speedometer.

Naiisip, kahit mahinahon ang mukha ng ama ay galit na ito sa loob.

Mabilis nilagpasan ang ibang mga sasakyan, parehas ay nakikipagkarera rin sa daan. Madilim pero maliwanag ang buwan, nais yata masaksihan ng kalangitan ang magiging kahihinatnan ng buhay mamaya.

Nahanap ang nasabing ancestral house. Sa daan, mabagal pinaandar ang sasakyan at mula sa labas ng bakod ay nakikita ang malawak na bakuran. Sa bandang dulo ay ang malamansyong tahanan at may halong kastila ang yari. Maliwanag ang buong lugar. Katabi ng bahay ay may malaki at pahabang pavilion at dinisenyuhan para sa okasyon.

Pinagpatuloy ang pag-andar ng sasakyan hanggang marating ang hindi kalakihang gate. Mula roon ay humarang ang bantay at tumigil. "I'm Sophia Ken," pagpapakilala dito pagkababa ng bintana. Agad gumalaw at binuksan ang tarangkahan.

Pinaandar muli ang sasakyan, ilang metro ang nilakbay bago itigil sa tabi ng limousine ng mga magulang. Pagkatapos ay kalmadong lumabas, mas naging malinaw sa paningin ang buong paligid kaysa sa labas ng bakod. Naglakad papunta sa pagtitipon ng mga tao pero ang balik ay hindi inaasahan, dahil halos yata lahat ng pares ng mga mata ay nakatutok kung saan ako naglalakad.

Mga naghihintay.

Nonsense.

💛💛💛

PAVILION

Sa paglalim ng gabi ay malayang lumayo sa karamihan at kontentong mag-isa sa isang tabi.

Sa paghihintay ng lahat ay hindi pa dumarating ang hinihintay. Ang sinasabi nilang Sophia Ken. Walang pagod ang ibang kamag-anak pag-usapan ang babae at hindi mabilang ang beses marinig ang pangalang ganyan.

Maraming naaksayang oras. Naalalang balak ng umalis, napigilan ng magulang at mahigpit tinanggihan ang nais.

Ang mga bisita at ilang kapamilya, lalo ang Ken at ang matandang Fonrer ay mahinahong naghihintay. Nagsasaya sa paglipas ng oras habang ang ibang pinsan ay napansing hindi mapakali maliban kay Sky.

Maaari, nahulaan na nila ang totoong mangyayari sa gabing ito. Lalo pa dahil sa salubong ng pinsang si Cloud kanina at ang hinahanap ay ang babae.

Kinuha ang isang baso ng tubig at uminom para sa natutuyong lalamunan. Pagkainom ay nagdesisyong umalis nang walang pansin ng iba. Sapat ng magpakita at malayong mangyaring maging representante ng pamilya para matali sa isang babae.

Sa paglalakad patungo sa landas palabas, natigilan sa susunod pang hakbang nang dumaan sa harapan, konting distansya ang layo ay ang isang hindi pamilyar na babae. Ang nasisilayang kalahati ng mukha ay agad nakuha nito ang atensyon. Ang kurba ng pisngi, mula sa noo, ilong at mga labi ay masasabing perpekto ang anggulo.

Papalayo na ito papunta sa maraming kumpulan ng tao. Ang likod nito, ang katawan, ang paggalaw ng balakang at paghakbang ay umaayon sa perpektong mukha. Pati ang kulay ng balat at ang suot nitong damit ay dumagdag sa angking kagandahan.

Iyon agad ang pumasok sa isipan. Naghintay para pagmasdan pa ito lalo, para makita ang buong kabuuan.

Nasundan ng tingin ang bawat hakbang nito. Ang mga kamag-anak ay parehas nakamasid sa hindi kilalang babae.

Hindi kilala sa unang ilang segundong nasilayan ng sariling paningin. Nagbago ng maunawan dahil sa pagsalubong at pagyakap dito ng asawa ng mayamang si Mr. Ken.

The awaited woman.

Kasunod ay naging malinaw sa paningin ang kabuuan ng mukha nang humarap sa lahat.

Every painter's dream. To use the brush in front of her.

BOOK 2 - SERENITYWhere stories live. Discover now