CHAPTER 17

122 8 0
                                    

ISLA SAPIRA

Mula sa tagpuan ng dagat at langit ay naroon ang tanaw.

"Perfect itong lugar para sa second honeymoon niyo ni Sophia, right Moon?"

Lumingon sa nagbanggit ng pangalan, sa pinsang si Atmos. Umalis sa pagkakahawak sa railings ng yate at umupo sa bakanteng espasyo malapit sa mga napabayaang pagkain.

"Kung may oras at pagkakataon," iyon lamang ang isinagot. Bumalik sa karagatan ang tanaw.

"Ho! this is paradise!" Hindi mapigilang sigaw ni Earth. Excited sa pagkuha ng mga larawan.

"No doubt," sagot ni Atmos dito.

Dumaong ang arkiladong yate sa pampang at port para sa turista. Kumuha ng makakain at iyon ang pinagkaabalahan habang pinagmamasdan ng paningin ang sinasabi nilang isla ng paraiso.

"Wow madaming magagandang tanawin!" Nauna ng bumaba si Atmos at tinitingnan ang mga babae mula sa malayo.

Sumunod nagsibabaan at naglakad sa kumpulan ng mga tao para sa access makapasok ng isla.

"Are we going to stay at that hotel?" Turo ni Cloud sa isang napakarangyang five star hotel na kasing laki ng mga kilalang hotel sa Manila, hindi kalayuan mula sa kinatatayuan.

"No. Kumuha ng Villa si Jeffrey para sa atin," sabi ng ama ni Star. Ang tinutukoy ay ang mapapangasawa ng pinsan.

"Great! May private place tayo," sagot ni Earth.

May tumigil na mga kalesa. "Good afternoon. Kayo po ba ang Fonrer Family?" Ani ng isang lalakeng attendant.

Ang ibang pinsan na babae ay tulala sa nagtanong.

"We are," si Cloud sa iritadong sagot.

"Ito po ang service niyo papunta sa Villa. Enjoy your staying,"

Sa paglalakbay sakay ng kalesa ay bahagyang nakalimutan ang hindi mawala sa isipan. Napatitig sa mga nadaanan. Kagaya ng sinabi ni Earth ay isa nga itong paraiso ayon sa mga istrakturang naipatayo na umaayon sa natural na pagkakayos ng kalikasan.

Hindi lang basta villa ang nasa isip nang makarating sa destinasyon. Ang nasa harapan ngayon ay isang mansion na yari sa bricks at kahoy. Puno ng halaman at may sariling bakuran. May maliit na swimming pool at lagoon. Sa isang tabi ay cottage. May mga katabi rin itong iba pang villa na iba't iba ang disenyo ang pagkakayari.

Mula sa labas ay kita ang paglulunoy sa pool ng iba pang pamangkin sa pinsan at kanilang magulang. Mukhang sinusulit ang pagkakataon na ito. Ang mga ito ay kahapon pa narito.

"This is amazing!"

Rinig na sabi ng ibang pinsan.

"Saan gaganapin ang kasal nila Star?"

"Sa Cruise ship. By six pm we should be there and the program will start at eight," sabi muli ng ama ng ikakasal.

"Iyon ba 'yon?" Turo ng pinsang babae. Mula sa pwesto sa labas ng villa ay tanaw ang malawak na karagatan at hindi kalayuan ay ang napakalaking barko, kulay abuhin at itim.

"First time ko makakasakay dyan, dream come true! Napakaswerte ni Star kay Jeffrey!"

"Ito pa nga lang kasal nila ay dream come true na."

"Gusto ko rin ng ganitong kasal."

"Magkano kaya ang rental dyan sa barko para sa kasal ko rin?"

"Maghanap ka rin ng isang Jeffrey Ortes para gumastos ng isang barko."

Ang kwentuhan nila.

"Kung ako kay Star noon pa ako pumayag magpakasal. Mahirap ng makahanap ng lalakeng katulad nito na gagastos ng malaki."

BOOK 2 - SERENITYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant