CHAPTER 29

126 8 0
                                    

LOWER GROUND

Bago ang hatinggabi ay pumunta ng Sanctuary.

Iniwan ang asawa sa apartment nito. Matinding physical touch muna ang nangyari bago pinakawalan.

Pagdating sa ground ng Art Gallery para iparada ang sasakyan ay matagal bago nagawa dahil nakaharang ang nakaparadang police patrol car.

Police? Kung huhulihin kami ay dapat SWAT o kaya high officials ng ARM FORCES ng Pilipinas.

Lumabas ako ng sasakyan pagkagilid sa daan. Naglakad nang walang nakakapansin sa mga tao sa paligid na abala naman sa pag-uusap.

Nasa may malaking pintuan si Jillian kasama si Gerari at may kausap na pulis. Magkahawak kamay ang dalawa. Huli na ba ako sa balita? Mukhang okay naman ang paligid.

"Jill, may nangyari ba?"

"Yah, may nagtangkang magnakaw dito sa gallery."

"Nahuli ba?"

"Oo, buti na lang nandito si Gerari at nakita sila at nakatawag agad ng pulis."

Pagkasabi ay nagsimangot ang lalake.

Tumingin ako pulis na kaharap nila. Maraming nakasabit sa magkabilang dibdib sa suot nitong uniform, mataas yata ang ranggo. Naagaw ang pansin sa dalawang sasakyang dumating sa labasan, medias.

It is time for exit. "Pasok na ako sa loob Jill, Gerari."

"Sige Sophia, sunod na lang kami ni Gerari."

Pagpasok sa main office ng gallery ay walang tao, tumuloy sa lower grounds sakay ng elevator. Pagpasok naman sa malawak na living room ay naroon ang karamihan.

"Sophia, how's being in love?" Tanong ng spy.

"Amazing, I couldn't sleep thinking of him." Piniling umupo sa mahabang couch malapit kay Shinn.

Tumawa ito. "I thought it would be more comfortable to sleep having him at your side."

"He is so handsome, that's why I can't take my eyes off him."

Marami ang tumawa. Kung banat ay nakikisali ako.

"May nangyari na ba sa inyo?"

A good question. "Dumating ka agad sa tanong na iyan?"

"Oo, mas maganda ng straight to the point," balewalang sabi pa ni Denise. "How was it?"

"Wala pang nangyayari kaya wala pa akong sagot." Naka-isip agad ng alternatibo para mawala sa akin ang focus ng mga ito. "Asked Sapphire, she is married also."

Ngisi ang balik ng espiya.

"I have not experienced it yet."

Katahimikan ang sumunod dahil sumagot agad ang pinuno sa gitna ng lahat, akala ay abala dahil nakatutok sa harapan ng laptop.

"With your husband?" Hindi napigilang tanong ni Acelus.

"Yes."

"Still clean after marriage? Amazing," sabi ni Wayne.

"I don't know if he desired me, or not," ang sagot ulit.

Katahimikan muli. Hindi alam kung may lungkot doon o kung ano man emosyon.

Lahat ay intent nakikinig pero si Shinn Lou ay abala sa paghahanap sa loob ng bag nito. May nahulog sa tabi nang hindi nito napansin. Pinulot ko iyon.

"Hindi mo see through kung may lust sa iyo o wala?" Tanong ni Denise.

Tumawa ang ilan at napailing naman ang iba sa ganoong tanong ng espiya.

"How's your childhood sweetheart, Denise?" Tanong ni Sapphire. Halatang pag-iiba ng usapan.

BOOK 2 - SERENITYWhere stories live. Discover now