CHAPTER 26

138 7 0
                                    

ON THE WAY

Matagal nagtitigan. Kita sa mga mata ni Moon na may nais sabihin. Ako ang unang bumawi. Walang paalam lumabas ng sasakyan at tinalikuran nang walang lingon.

Sumakay ng taxi at diretso sa Sanctuary. Tahimik ang paligid, konti na lamang ang sasakyan sa parking lot sa harapan. Tuloy tuloy pumasok sa nakabukas pang glass door at naglakad sa limitadong liwanag ng pasilyo. Napatigil dahil may papalapit, mga mahihinang yabag mula sa malayo. Tumigil at naghintay. Close na ang gallery, ibig sabihin ay...

Nagpakita ang mga inaasahan makita. Anim sila.

Ano na naman kaya ito?

Nasa unahan naglalakad ang pinuno, sa likod ay ang limang lalake. Napatitig ako sa bawat isa maliban sa nangunguna, mga hindi magaganda ang mood ayon sa hilatsa ng mukha. Habang ang pinuno ay may malagim na balak dahil sa ngiti.

"Join us, Sophia," nang tumigil pagkalapit.

"To where?" Tanong ko mismo sa gitna ng lahat, hula ay ito ang salarin kung bakit ang mga nasa likod ay parang nabagsakan ng negosyo.

"To the engagement party," kasunod ang ngisi.

Naalala ang sinabi ni Acelus tungkol sa engagement ni Trina. Ito na yata iyon. Walang balak tumanggi kaya papayag dahil hindi utos o request ang naintindihan, kundi isang mandatory.

Nonsense. "Sure."

Nagpatuloy ang lakad habang kasabay si Sapphire.

"What about the others?" Tanong ko.

"Some are on their way, some are still underground and some are on the venue already," sagot nito, "but all are coming."

Lumingon ako sa lima. "It's like, you chained their wrist, Sapphire."

Ngisi pa rin ang balik. "I asked them politely."

Napangisi na rin sa naintindihan. Kahit polite, kapag ang pinuno ang nag-imbita ay hindi makapalag ang mga ito.

"It's my first time seeing you walk on this floor." Sa alaala ay sa secret underground ito dumadaan papalabas o papasok ng Sanctuary.

"I always walked on this floor, every day."

Napataas ang kilay sa narinig. Nalipat ang pansin sa labas, naghihintay ang sasakyan ni Frances. Sumakay doon si Sapphire. Habang ang mga lalake ay nagkanya kanya ng sakay sa ilang sasakyan. Piniling sumakay din sa sinakyan ng pinuno.

Lagpas ng kalahating oras ay narating ang patutunguhan. Sa lugar ni Trina at Acelus. Bukas ang malaking gate at sunod sunod nagsipasukan ang mga sasakyan sa malawak na parking space.

Tinanggap ang nangyayari at kumuha ng cold juice mula sa umiikot na server. Naalala naka-isang subo lang sa dinner kanina at ngayon ay nakakaramdam ng gutom. Malapit ng mag-umpisa dahil nasa harapan na ang dalawang pasimuno ng okasyong ito. Tumabi ako kay Caserine na abala sa cellphone.

"Hi," salubong ko.

"Oh, Sophia. How's being married?" Tanong agad at itinabi ang pinagkakaabalahan.

"Sweet."

"Really?" Wala sa sariling tanong.

"May problema ba?" Dahil dumaan sa pandinig ang malalim nitong paghinga.

"I have many." Tumahimik agad.

Dahil nag-uumpisa na ang okasyon.

Piniling makinig pero naagaw ang pansin sa singsing ni Sapphire sa kaliwang kamay nang mapunta doon ang paningin. Naka-upo hindi kalayuan sa pwestong ito. Isang kulay brown, ang hugis ay mukhang diamond pero kung titigan ay hindi. Ang rare stone na sinabi noon ni Acelus.

BOOK 2 - SERENITYWhere stories live. Discover now