CHAPTER 30

6 0 0
                                    

AT HIS SIDE

Pinigilan pa rin ang nasa loob.

Napapailing na humiwalay ako sa kanya. Baka hindi rin mapigilan at kung saan makarating na wala naman mararating dahil sa deal na palaging ipinapaalala. Ganoon din, may tao sa labas para sa paghahakot.

"I will show you something later, at night. Wait for it, sweetheart," sabi ko bago ko siya bigyan ng mariin na halik.

At mamaya ko na rin sasabihin ang nais ipagsigawan ng puso.

Sa sunod na mga oras ay natuon sa pag-aayos ng bagong tirahan. Masiglang kumilos para sa magiging studio.

Busy din ang asawa sa kabilang silid.

Nang may maalala ay sinadya ko siya sa kabila. Naabutan itong nakaharap sa isang tabi at nakatitig sa isang bagay. Tinakpan nito iyon nang lumapit ako.

"Lalong tambak ang trabaho ko sa opisina dahil ipinasa sa akin ng secretary ng Daddy mo ang ibang trabaho," sabi ko.

"Give me some of it, I will help you. Let's give him rest, he needs it. He does not have any before," habang pinagbubuksan ang iba pang nakasaradong kahon, "and I think, he has a lot of trust for you, than in me."

"Jealous?" Nang matukoy ko ang ibig sabihin.

Lumingon ang maganda nitong mukha. "Not necessary. He knows I am behind you. I am better in support than working at the front. That is what I think."

Naintindihan ko iyon dahil ganoon nga ang pagkakakilala sa asawa. Dumaan sa isip ang natanggap na mensahe kanina, hahayaan ito ang magdesisyon dahil walang balak kung ang sarili ang tatapos. "May family dinner mamaya sa Tagaytay, pupunta ba tayo?"

May malaking urge gusto ito muli yakapin nang lumapit.

"What do you think?" Balik na tanong.

"I don't know," iyon ang isinatinig.

"Let's go there, it's been weeks. Just focus on your parents and your grandfather who cares for you."

Napahugot ng malalim na paghinga. Sa pagtitig ngayon ni Sophia ay nagbigay ng alaala ang huling pagdalo sa dinner party na iyon, ang titig na may nais iparating. Ngayon ay naiintidihan ang lalim.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "Thank you para sa support mo ng mga panahong iyon," ang paraan nito habang nakaramdam noon ng pagkapahiya. "You were there in my humiliating moment, you stand at my side."

"Welcome," cool at kalmadong balik.

"I will also stand at your side. Kahit mahirap, pagsusumikapan ko," ang kabilang pagkatao nito ang ibig sabihin.

"Thank you."

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Huwag mo ako iiwan."

Walang sagot.

"Ano ang sagot mo?" Tanong ko agad dahil mahalaga sa akin ang lahat.

"I love you too."

Diretso iyon sa loob. Ang mga kalamnan, mula sa ilang beses marinig ang mga salitang iyan ay nagbibigay ng sigla.

Hinalikan ko siya sa mga labi bilang sagot mula sa kailaliman ng damdamin.

💛💛💛

HIGHLANDS

Sa kabila ng pag-uusap ay minsan natatahimik si Moon.

Dumating ang gabi ay nagbiyahe ng wala pang isang oras papunta sa family dinner ng Fonrer. Dumating sa tamang oras bago ang pagsisimula. Nakahawak nang mahigpit sa kamay ko ang asawa. Alam kong mahirap pa para dito dahil sa pagkapahiya noon, pero ito ang isang naisip na paraan para maalis ang panget na dala ng karanasang iyon.

BOOK 2 - SERENITYWhere stories live. Discover now