CHAPTER 3

182 9 0
                                    

BACKSTAGE

"That was great Sophia! Nice dress you created. Hindi talaga ako nagkamali sa desisyon ang design mo ang gawing main item for this night," giliw na sabi ng kaibigang may pagkabinabae, may ari ng isang malaking clothing company.

Katatapos pa lamang ng fashion show ngayong gabi. "Tulong ko sa iyo dahil sa pagrerekomenda mo ng dress shop ko sa friends mo," habang inaayos ang ilang damit.

"Of course, what are friends are for kung may selfish effect tayo. Hanga ako sa creations mo dear, kung pwede nga lang magconduct ka ng trainings or seminar, I will surely attend at baka sa front seat pa ako umupo!"

"Thanks. Mas magaling ka, hindi lalago ang negosyo mo kung hindi."

Tumawa ng malakas. "Mas magaling ka, dear. Kung makisosyo ka lang sa akin baka tayo ang maging number one dito sa bansa."

"No, thanks. Masaya na ako sa simpleng dress shop."

"Simpleng dress shop? Haler! Simple ba ang ganoon eh halos kasing laki ng terminal ng airport ang shop mo at mayroon ka pang fashion agency!" Exaggerated ang pagkakasabi.

"Whatever." Patuloy inaayos ang mga nakasalansang mga damit sa isang tabi.

Sumingit sa usapan si Jenna, isa sa assistants at part-time model na kasama ngayon. "Maraming model applicants ngayon week lang. Tambak na rin daw ang applications sa lamesa ni Melo, pinapasabi niya sa iyo."

"I will let you handle the audition," nang hindi tumingin dito.

"Really? Oh no, bakit ako?" May kaba sa boses.

Kinakabahan ang mukha ng lumingon para dito, "May tiwala ako sa iyo," balik ang atensyon sa ginagawa. "Mauna ka na pumunta sa agency ngayon."

"Hindi ko alam kung magagawa ko pero salamat Sophia sa tiwala!" Malakas na sabi at umalis.

"Wow, iba ka talaga friend! Are you sure ipapaubaya mo sa assistant mo ang ganoong bagay? If I were you, I will not. Those models will either creates money for me or waste it." Pumitik pitik pa sa ere.

"It's not a big deal for me." Kinuha ang bag para maghanda umalis.

"Hey Sophie, aalis ka na? Hindi man lang tayo magdinner together? It's been a long time since we hang out."

"Maybe next time. I have a prior dinner appointment." Binuksan ko ang pinto nang may maalala at lumingon sa kaibigan, "Those clothes at your right side will not click to your clients in our fashion time unlike those on the left." Saka tumalikod.

💛💛💛

OFFICE OF STAFF

"I have news!"

Galing mula sa labas at nagmamadaling pumasok sa opisinang ito. Ang opisina ng pinsang si Sky.

Sandaling lumipat kay Rain ang sariling paningin mula sa papeles na hiniram.

"If that will waste my time, don't say it," istriktong sabi ni Sky sa kapatid nito.

Nakangisi ang sinabihan pero halatang confident at mahalaga ang sasabihin.

Ibinalik ang pansin sa mga papeles na hawak. Mas mahalaga ang makukuhang impormasyon dito kaysa sa matatanggap na balita.

"It will affect the future of one of us. Kung hindi kayo interesado eh di huwag na lang."

Nagpapabitin ang tono. Muling tumingin dito kahit hindi interesado.

"Say it or I will kill you," seryosong sabi ni Sky.

BOOK 2 - SERENITYWhere stories live. Discover now