45: The Dukedom

447 45 15
                                    

Kabanata 45: Ang Dukedom

Pagkatapos maligo at mabihisan ay saka pa lamang nakita ni Roselyn ang kanyang itsura. Pareho lamang ito ng kanyang itsura sa lagi niyang nakikita sa salamin.

Pero nag-iba ang kulay ng kanyang mata at buhok. Ang kanyang buhok ay kulay light blue samantalang ang kanyang mga mata ay kulay pinkish violet.

Halos hindi niya matanggal sa harapan ng salamin ang kanyang mata habang siya'y inaayusan ni Micah.

Pagkatapos siyang ayusan ni Micah ay hinanap niya muli sa kanyang alaala ang opisina ng kanyang 'butihing ama'

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos siyang ayusan ni Micah ay hinanap niya muli sa kanyang alaala ang opisina ng kanyang 'butihing ama'

"Aking binibini, napakaganda niyo!" Tila nagniningning ang mata ni Micah sa ganda ni Roselyn. Kahit din naman siya ay namangha sa ganda ng nasa haraapan ng salamin. Malayo ito sa kulay itim niyang buhok at brown na mata. Tumayo na si Roselyn at naglakad patungo sa opisina ng kanyang ama.

Pagtungtong niya sa opisina ay naroon ang ikalawang asawa ng kanyang ama at ang paborito nitong anak sa kanyang pinakamamahal na pangalawang asawa.

"Pagbati sa mahal na Duke..." Yumuko at nagbigay galang si Roselyn gaya ng nakasanayan ng kanyang Host.

Desperado sa atensyon ng kanyang ama ang Host ni Roselyn pero hindi siya gagaya dito. Siya ang tagapagmana sana ng Dukedom of Wind kung hindi lang binale ng Duke ang batas ng kanilang pamilya at ibinigay ito sa pangalawa niyang anak.

Ayon sa batas, ang tagapagmana ng Dukedom ay ang unang anak sa unang asawa.

Naging malaki itong balita noong iyon ay pumutok. Pero nagawan ng paraan ng 'butihin niyang ama' dahil sa kapangyarihan nitong hawak.

Hindi siya gumalaw sa pagkakayuko at nanatiling tahimik. Kung ordinariyong tao lang siya at nawala ang bisa ng kanyang lakas sa nakaraang misyon, baka bigla na lamang siyang natumba.

Narinig niya ang hagilgil ng kapatid sa kanyang gilid. Hindi niya ito pinansin at nanatili lamang nakayuko at naka-bend ang kanyang mga paa.

"Maupo ka!" Saad ng kanyang butihing ama. Yumuko muli sa pangalawang beses si Roselyn at umupo sa upuang malapit sa Duke.

"Alam kong alam mong may dumating na sulat mula sa palasyo, tama ba ako?" Tumango lamang si Roselyn.

"Binasa ko ito kanina at nakasaad dito ang Kasunduan na mapapaltan ang iyong mapapangasawa mula sa tagapagmana ng Trono ngayon ay ang pangalawa nang prinsepe!" Walang emosyong saad ng kanyang ama.

Hindi nagsalita ai Roselyn at hinanap ang impormasyon tungkol sa pangalawang prinsepe.

Kaunti lang ang impormasyon nakita niya. Maliban sa isa daw itong isinumpang anak ng Hari, halos pareho lang ang kanilang kalagayan.

Mas mapapadali ang kanyang misyon kung ito nga ang mangyayari dahil ang target niya ang ang second prince at hindi ang crown prince.

"Paano ba 'yan, mahal kong kapatid. Nanalo na naman ako sa'yo!" Nakangising saad ni Hana. Ang pangalawa niyang kapatid. Mas lalo lamang siyang nakaramdam ng pangigil ng malamang magkapangalan sila ng kanyang kapatid.

Hana Katrina Doctolero, ang nag-iisang paboritong anak ng kaniyang ama.

"Naiintindihan ko..." Malumanay na saad ni Roselyn. Wala naman siyang pakialam sa crown prince. Ang mahalaga ay ang second prince.

"Kung naiintindihan mo, lagdaan mo ang kasulatang ito na nagpapatunay na ikaw ang mapapangasawa ng ikalawang prinsepe!" Nakangiting sabi ng Ama. Pakiramdam niya ay duduwal siya sa ngiti nito. Wala itong pakialam kahit na mawala na ang lahat sa kanyang unang anak.

Nagyukom ang kanyang mga kamay sa galit. Hindi niya mapapatawad ang pamilyang ito.

"Ikakasal kayo sa loob ng tatlong linggo! Siguraduhin mong magiging maayos ang lahat!" Dagdag pa ng ama. Gustong-gusto ni Roselyn ang bumunot ng baril sa kanyang Inventory saka papuputokan ang kanyang utak na walang laman.

Pinigilan niya ang sarili at nilagdaan ang kasulatan.

"Maaari ka ng umalis dahil nakaka-istorbo ka sa oras naming pamilya..." Nakangiting napakatamis ng pangalawang asawa ng kanyang ama. Yumuko lang siya bilang paggalang, kinuha ang kasulatan, at saka umalis ng tuluyan sa opisina ng ama.

"Aking Binibini!" Nag-aalalang saad ni Micah. Inalalayan siya nito patungo kanyang kwarto.

"May problema ba, aking binibini? May ginawa na naman ba silang hindi maganda sa inyo? Sumusobra na sila!" Nangigigil na sabi ni Micah. Napatawa naman si Roselyn at ngumiti sa kanyang tagapagsilbi.

"'Wag kang mag-alala, Micah, Isang magandang balita ang natanggap ko ngayon araw!" Nakangiting sabi ni Roselyn. Nagtaka naman si Micah sa sinabi ni Roselyn.

"Magandang balita?" Takang tanong ni Micah.

"Sa loob ng tatlong linggo, ikakasal ako sa ikalawang prinsepe!" Nakangiting saad ni Roselyn.

"Paano yun naging magandang balita... Ang mga usap-usapan tungkol sa ikalawang prinsepe!" Nag-aalalang saad ni Micah.

"Alam mo ring maraming usap-usapan tungkol sa akin. May totoo ba sa mga iyon?" Nakangiting saad ni Roselyn.

"Pe-pero..." Nag-aalalang saad ni Micah.

"Hindi lahat ng usap-usapan ay totoo. Sa panahon ngayon, iyan lamang ang ginagawang katatawanan ang pampalipas ng oras ng mga taong may karangyaan!" Natahimik naman si Micah sa sinabi ni Roselyn.

"Patawad sa aking mga tinuran, aking binibini! Hindi dapat ako humuhusga ng kung sino dahil lamang aa usap-usapan!" Yumuko si Micah sa kanya at mabilis naman niya itong pinatayo.

"Gisingin mo ako kapag dumating na ang paglubog ng araw!" Saad ni Roselyn bago siya tuluyang natulog at hindi na narinig pa ang sinabi Micah.

--*--

Hindi alam ni Micah ang kanyang magiging reaksyon sa naging pagkilos ngayon ng kanyang Binibini. Pero masaya siyang may nag-iba dito.

"Hinihiling ko na sana, magawa mong makuha muli kung ano ang nararapat sayo, aking binibini..." Nakangiting saad ni Micah habang nililinis niya ang kwarto ni Roselyn.

Kung ikukumpara ang laki ng kwarto ni Hana kay Roselyn ay napakaliit nito. Halos kalahati lang ng laki at haba ng kanyang kwarto. Ganoon pa man, kontento na silang dalawa dito.

Si Micah rin ang naghahanda ng pagkain ni Roselyn dahil walang may gustong magluto para kay Roselyn. Kung maghihintay sila nang kakainin, walang darating.

Nalungkot naman si Micah ng maalala ang katayuan ni Roselyn sa Dukedom. Wala itong kapangyarihan sa loob ng mansion. Kinuha nila ang lahat sa kanya, lahat ng nararapat para sa kanya.

"Sana, maging maayos na nga ang lahat para sa aking binibini, hindi siya nararapat sa ganitomg pagtrato!" Malungkot na sabi ni Micah.

--*--

Well... Naadik ako sa pagsusulat ng fan fiction nitong mga nakaraang araw. Bumalik na ang motivation ko sa pagsusulat nito... Baka maging madalas muli ang susulat ko para sa storya na ito 😁😁

Vio

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon