51: The Show

314 29 13
                                    

Kabanata 51: Ang Palabas

Sa lahat ng kanilang inimbitahan, 10 tao lang ang nagpasyang pumunta sa kanilang kasal. Napatawa na lang si Roselyn sa mga nangyari. Gayon pa man, ang supresa niya para sa kapatid ay naihanda niya na rin.

"Ayos ka lamang ba, mahal ko?" Tanong ni Oesley.

"Natapos ko na ang mga regalong matatanggap ng magiging panauhin natin. And not really surprising, those who choose to be on our wedding was those people in the list," Saad ni Roselyn.

"Listahan?" Tanong ni Oesley.

"List of people we could trust and people we should take in our side. With the new method of spy network department, we really be able to get all the information we need. And they came clean after some investigation," Saad ni Roselyn.

"What will be their gifts?" Tanong ni Oesley.

"A stock investment in the company," ngising saad ni Roselyn.

"Hindi ba't masyado atang marangya ang regalong ito?" Tanong ni Oesley.

"Dear, you need to sacrifice a lot of thing just to get our revenge. If you see the network of our company, just 1% of the company stock would be enough to cement their loyalty towards us. But I also like to use some Magic Seal so this information will not be able to go outside of us," Paliwanag ni Roselyn.

"Ang Isang pursyento ng kinikita ng ating negosyo as katumbas na ng nakukuha ng isang Duke sa isang buong taon bilang sahod. Sa tingin mo ba, tatanggihan nila ang ganong kalaking pera kung makukuha nila ito buwan buwan? Dahil dito, tataas and katapatan nila sayo. Kahit mawala ang 10% sa buong perang nakukuha natin, hindi yun magiging kawalan. We need to buy their loyalty with this stock," Dahil sa paliwanag na ito, naintindihan kaagad ni Oesley ang gustong mangyari ni Roselyn.

Ang kailangan na lang ay ang tamang paraan ng pagsusulat ng liham upang hindi nila malamang 1% lang ito ng kanilang kinikita. At kung kakayanin ay hindi na rin nila kakailanganin pang sabihin kung saan nangaling ang pera.

Kung gagamit sila ng Magic seal, hindi na talaga sila magsasalita. O bagkus as hindi sila magkakapagsalita ukol sa kanilang malalaman.

"How about your gift with your sister then?" Tanong ni Oesley.

"Magpapalabas tayo ng isang magarbong palabas," Ngising saad ni Roselyn.

"Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin, mahal ko," kunot noong sabi ni Oesley.

"Ang karamihan sa mga tao dito ay naniniwala sa sumpa hindi ba?" Tanong ni Roselyn.

"Oo," saad ni Oesley.

"Yun ang sagot," saad ni roselyn. Bago pinagpatuloy ang pag-aayos ng dapat niyang gamitin.

--*--

Ito ang pinakamasayang araw sa buhay ni Hana. Hindi lang dahil sa mapapangasawa niya na ang Prinsepeng papalit sa trono, magiging reyna pa siya, at nagawa niyang agawin ito sa kanyang kimamumuhiang tao. Pakiramdam niya ay nanalo na siya.

Nakasuot siya ng kulay light pink na ball gown.

Napatawa siya habang tinitingnan ang sarili sa salamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napatawa siya habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Hindi niya mapigilang mamangha sa kanyang kagandahan. Ang mukha na nakapagpa-ibig sa Prinsepeng tagapagmana ng trono. Isa pa sa nagpapasaya sa kanya ay ang ideyang halos walang dadalo sa kasal ng kanyang kapatid.

"Magsisimula na ang pagdiriwang, Mahal na Prinsesa," Saad ni Micah, and dating pagapaglingkod ni Roselyn. Hindi man halata pero malungkot ang mukha nito.

"Mabuti, hihintayin ko na lang ang aking Prinsepe para sunduin ako," Nakangiting sabi ni Hana. Sandali lamang ay dumating ang prinsepeng tagapagmana ng trono, walang iba kung hindi si Prinsepe Enrique Simon Azuña.

Kung naroon lang si Roselyn, mapapa-irap na lang siya. Si Prinsepe Enrique at kamukhang-kamukha ni Rick, ang kanyang asawa sa totoo niyang mundo.

Yumuko ito at hinalikan and likod ng kanyang palad.

"Handa ka na bang magpakita kasama ko sa ating mga bisita, mahal ko?" Nakangiting tanong ni Enrique.

"Labis akong nagagalak, mahal kong prinsepe. Hindi na ako makapaghintay na maging iyong kabiyak," kinikilig na saad ni Hana. Ngumiti na lang si Enrique at sabay silang lumabas ng kwarto. Pareho silang pumunta sa balkunahe kung saan meron silang espesyal na upuan.

Inalalayang mabuti ni Enrique si Hana habang nagbibigay ng speech ang kanyang Ama. Marami ang dumalo kaya sigurado si Hana na walang dumalo sa kasal ng kanyang kapatid.

Iniisip niya pa lamang ang galit, o malungkot nitong reaksyon na wala siyang bisita ay hindi niya na mapigilang matuwa. Yun nga lang, hindi niya alam na nagdiriwang na si Roselyn sa mga nangyayari.

Nung time na ipapakilala na ng Ama ni Hana ang dalawa, nagkaroon ng napakalakas na kidlat. Ang iba sa bisita ay nagulat at nakita sa maitim na ulap ay nasa lugar lang nila. Tanaw sa mga bintana na walang ulan sa kalapit na kalsada.

Namatay ng paulit ulit ang mga ilaw sa chandelier. Kahit ang mga kandila sa gilid ay nawawalan ng apoy pero biglang magkakaroon ulit ng apoy.

Nagsibasagan ang mga bintana resulta na magsiyukuan ang mga bisita. Isang malakas na hangin ang naramdaman ng lahat bago biglang may tila apoy na nabuo sa hangin. Pumunta ito sa harapan ng dalawa.

"Magdudusa kayong dalawa ng higit pa sa inyong kasalanan," Saad ng boses. Ang narinig ng lahat maliban sa dalawa ay ingles. Pero dahil ang bersyong lugar ng Findo na ito ay hindi nila alam ang lenguwaheng ito. Namutla si Hana at Enrique at nagkatinginan.

"Hindi ko maintindihan ang tinuran ng boses," Saad ng kanilang ama.

"May nakaintindi ba?" Tanong ng Ama ni Hana. Pero lahat ay walang naintindihan. Mabilis na gumana ang utak ni Hana at nagkunwaring nag-aadjust siya ng boses.

"Naintindihan namin ng Mahal na prinsepe ang tinuran ng apoy," Nakangiting sabi ni Hana. Nanlaki naman ang mata ni Enrique.

"Nagsalita ito sa ating lenguwahe. Bagkus ay dahil kami ang tinutukoy ng boses. Sinabi lamang ng boses ay pinagpala kami ng mahal na prinsepe at magkakaroon ng masaganang buhay," Mabilis na saad ni Hana. Doon lang pagpagtanto ni Enrique and plano ng kanyang mapapangasawa at sumakay ito sa sitwasyon.

"Tama ang aking mahal," Saad ni Enrique. Pero bigla na lamang nagliyab ang mga kurtina sa loob. Nagkagulo ang lahat at nagsitakbuhan upang mailigtas ang kanilang sarili.

Dahil dito, nasira ang seremonyas ng pagsasaad nila ng pag-iisang dibdib

--*--

Buhay pa ako 🤣

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon