17: Arvie's past

912 54 2
                                    

Kabanata 17: Ang nakaraan ni Arvie

Roselyn is frustrated and no words can describe how frustrated she was right now. Kahit anong gawin niyang pagha-hack ng identity ni Arvie, puro dead end ang nakukuha niya sa mga clue at kung may impormasyon man, kung hindi nakuha niya na, wala namang kwenta.

She can't describe the anxiety she had. Kaunting panahon na lang ang mero'n siya pero ang status ni Arvie sa kanya ang Best Friend lang.

Best friend, two years na siya diro pero best friend pa rin siya. Hindi katulad ni Jeyshaun na mabilis niya lang napa-ibig. Kinailangan niya lang tapusin ang misyon niyang maging pinakasikat muli ang may-ari ng kanyang katawan.

Wala siya halos problemang ganito at maayos ang daloy ng misyon pero ngayon? Hindi niya na alam ang gagawin.

Masyadong kumplikado ang sitwasyon, napaka-kaunti ng kanyang impormasyon, at higit sa lahat, mahirap makapasok sa loob ng puso ng target.

Ito ang unang beses na hindi niya alam ang gagawin. Nag-hire na siya ng imbestigador sa nakalipas na mga araw para makuha niya ang impormasyong kailangan niya pero katulad niya, nahihirapan din ang imbestigador dahil parang may pumupigil sa kanyang malaman ang katotohanan.

Higit 2 months na lang ang panahon niya bago matapos ang kanyang oras.

Nagpasya siyang pumasok sa restaurant at doon ibuno ang kanyang oras. Isang oras ang nakalipas, tumawag ang imbestigador at sinabing may lead na siya.

Mabilis namang binasa ni Roselyn ang datas at napagpasyahan niyang tingnan ito ng personal.

Nagbilin siya sa mga tauhan niya sa restaurant bago umalis. Drinive niya ang kanyang kotse bago niya narating ang lugar.

Sabi sa data, dito lumaki si Arvie ng inampon siya ng mga Santos pagkatapos nilang maghirap. Nagkita sila ng imbestigador sa isang bahay at doon ay nakita niya ang isang matanda na nasa edad 60 pataas.

"Kamusta po lola, pwede po ba akong magtanong sa inyo?" Ngumiti naman ang matanda at hinawakan ang kamay ni Roselyn.

"Aba oo naman, ano ba iyon ihja? Pagpasensyahan mo na ako, medyo matanda na eh," masayang saad ng matanda. Nagmano si Roselyn dito at inalalayan itong umupo.

"Kilala niyo daw po si Arvie Jim Azuña? Pwede po babg magkwento kayo tungkol sa kanya?" Tanong ni Roselyn dito.

"Arvie? Uhh sandali lang ihja ha? Medyo nakalalimutan ko na kasi eh," nag-isip muna ang matanda hanggang sa naalala niya ang isang bata.

"Ahh! Oo naalala ko na, si Tisoy!" Biglang saad ng matanda. Napangiti naman si Roselyn habang nakikinig sa matanda.

"Tatlong taong gulang siya noong una namin siyang makita dito. Napakaputi nito at masayahin. Tisoy ang tawag sa kanya ng lahat ng nakakakilala dito. Ang hula nga namin ay may dugo itong banyaga. Pero pareho namang pilipino ang magulang nito. Isa pa iba ang apilyedo ni Tisoy sa mga magulang niya kaya nahulaan naming ampon siya ng mga Santos," pagsisimula ng matanda. Tumango naman si Roselyn at halata mong nakikinig talaga siya.

"Maayos naman yung una nilang taon dito. Medyo mahirap lang sa magulang niya dahil galing sila sa mayamang pamilya. Nagsimula lang ang lahat ng nag 5 taong gulang si Tisoy," halata mo ang lungkot sa mata ng matanda habang nagku-kwento.

"Hindi namin alam pero araw-araw may naririnig kaming iyak ng bata sa kanilang bahay at pag-aaway sa loob. Ang akala namin simpleng away lang sa pagitan ng mga magulang ni Tisoy pero. Isang buwan siyang hindi lumabas at paglabas ni Tisoy, nag-iba ang ugali nito. Nagiging tahimik at hindi pala-kibo. Tinatanong namin siya pero wala siyang sinasabi," dagdag pa ng matanda.

Lumipas ang mga taon, nagpatuloy ang ganoong eksena. Sinubukan naming kausapin ang mga magulang ni Tisoy pero sasabihan lang kaming wag ng makialam. Tinatanong namin si Tisoy pero ganoon pa rin, hindi ito kumikibo at umiiyak minsan kapag mag-isa. Sinubukan naming ilapit sa brgy pero wala sila g nakikitang mali sa bata maliban sa pagkakaroon ng argumento ng mag-asawa, walang pasa ang bata kahit ang mag-asawa na siyang kinataka naming lahat," hindi maiwasan ni Roselyn ang kilabutan. Alam niyang may mali sa mga nangyari noon hindi niya lang alam.

"Mas lumala pa ang argumento ng mag-asawa at nagiging madalas ang pagbisita ng iba't ibang lalaki sa kanilang bahay. Nag-aalala kami sa bata pero habang wala daw ebedensya, walang magagawa ang brgy sa pangyayari. Kaya 'yung ibang mga kalalakihan sa amin, nang ika anim na taon tungkol sa mga pangyayaring iyon, hindi na nakatiis pa, inobserbahan nila ang bahay sa tuwing may argumento sa loob. Nagulat ang lahat sa mga kagimbal-gimbal na nalaman namin," halata ang galit sa mga mata ng matanda habang inaalala ang mga nangyari noon.

"Ginagahasa ng mga kalalakihan si Tisoy at para hindi mahuli, gumagawa ng eksena ang mag-asawa at binabantaan nila ang bata habang minimolesya nila ito. Iyon ang dahilan kung bakit walang pasa yung bata dahil hindi ito lumalaban. Tumawag kami ng brgy at sinabi ang tungkol sa ginawa ng mga ito kaya dali-daling rumisponde ang mga pulis sa bahay ng mag-asawa," namutla si Roselyn sa nangyari, bakit napakalupit ng tadhana kay Arvie? Ano bang kasalanan nito?

"Kaso lang nang huhulihin na ang mag-asawa, nakatakas ang mga ito. Namatay yung tatlong lalaking bumibisita sa kanilang bahay habang yung mag-asawa naman, nakatakas pero agad ding nahuli kaso wala na sa kanila si Tisoy. Hindi nga namin alam kung nasaan na si Tisoy pero sana lang maayos ang kalagayan niya," bumuntong ng hininga ang matanda at pinunasan ang kanyang mga luha.

"Kasalanan namin ang lahat, kung mas naging maaga lang kami, hindi sana nangyari iyon kay Tisoy, kasalanan naming mahina kami at hindi kaagad naisip ang mga dapat naming gawin," umiiyak na ang matanda kaya kinuhanan siya no Roselyn ng tubig. Mabilis itong nilagok ng matanda habang pinapakalma ang sarili.

"Wag po kayong mag-alala, nasa mabuting kalagayan si Arvie. Sa totoo lang po, kami ang kumpkop sa kanya, kaso nahihirapan siyang magtiwala sa iba at nagkaroon siya ng Autism o kakayahang hindi makapagsalita. Wag po kayong mag-alala dahil aalagaan namin si Arvie," pagsasaad ni Roselyn. Nakatulog ang matanda sa kandungan ni Roselyn at hinayaan niya lang ito.

--*--

Nasabi ko na yung background ng autism ni Arvie.

-Ybrehl

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon