26: Third Mission

883 58 2
                                    

Kabanata 25: Ikatlong Misyon

Huli na ng malaman niya ang lahat. Nalaman niya ang ginawa ni Hana kay Roselyn simula pagkabata. Ang dahilan ng pagkasunog ng mukha nito ay walang iba kung hindi si Hana.

Sinabuyan ng asido ni Hana si Roselyn at naipasok lang si Roselyn sa ospital ay masyado ng na-infect ang balat niya na kahot plastic surgery at hindi na kayang isalba pa ang sunog sa kanyang mukha.

Nakita ni Enrique kung gaano katatag si Roselyn sa pakikipaglaban sa ototridad at kapangyarihan ni Hana sa eskwelahan. Nalaman niyang lahat ng achievement ni Hana ay ang achievement na natamo ni Roselyn. Ang titulo na pinakamataas sa kanilang eskwelahan na natamo noon ni Hana ay ang pinaghirapan ni Roselyn noon.

Nakita niya na ang sungay ni Hana. At kahit ang sarili niyang sungay ay nakita niya na rin. Wala siyang ibang ginawa kung hindi pahirapan si Roselyn.

Harap-harapan na siyang nagloloko, sinasaktan ng pisikal at mental si Roselyn. Pilit niyang ginagawang impyerno ang buhay ni Roselyn pero puro pagmamahal ang sinusikli nito sa kanya.

Ang pagtatanong nito kung maayos ba siya, ang mga luto nito, ang simpleng bagay na ginagawa niya para sa kanya. Ni isa sa mga ito, hindi niya na-appreciate.

Tinatanong niya sa isip niya, bakit ba siya ng bulag-bulagan? Bakit niya ba hindi binigyan ng pagkakataon si Roselyn?

Pero alam niyang huli na ang lahat, hindi na babalik ang panahon at alam niyang habang buhay na ang sugat sa puso ni Roselyn dahil sa ginawa niya dito.

--*--

Lumabas na kaagad ang system information para sa susunod na mundo. Mabilis naman itong binasa ni Roselyn.

Current body's status:
Extremely Healthy
Plot State: Neutral

Plot: Ang pangalan ng Host ay Roselyn Xyrell Doctolero. Isang undercover agent na hi-nire ng magulang ni Cenneri. Pumasok ito bilang sekretarya upang mahanap ang taong nasa likod ng isang malagim na trahediya sa kanilang pamilya.

Mission: Hanapin ang Killer sa loob ng kumpanya ni Cenneri, gawing mabait ang target. Paibigin ang target

Target Information
Name: Cenneri Ash Azuña
Age: 29
Birth date: April 15, ****
Job: Chief Executive Officer

Isang mayabang at aruganteng CEO. Mahilig itong sumigaw, magpatalsik ng empleyado, masyadong perfectionist at lahat ng nakapagpabigay sa kanya ng interest at gusto niyang makuha. Hindi ka makakaramdam ng kahirapan kapag nakuha mo ang kanyang puso.

Skills granted: Physical Combat, weapon skills, skill to kill without hesitation.

Reward: will be announce after the mission complete

Punishment: Pain of torture until death

Tumaas ang kilay ni Roselyn ng makitang Azuña na naman ang apilyedo ng kanyang target. Iba-iba ang kanilang pangalan, oo. Pero bakit pare-pareho ng apilyedo? Ngayon naman kailangan niyang maging kriminal?

Undercover agent ibig sabihin under siya ng government. Iniisip niya pa lang na papatay siya sa mundo na ito parang gusto niya ng magback-out.

Bakit ba pahirap ng pahirap ang misyon? Anong susunod? Magiging killer siya? Presidente? Gusto niya talagang murahin ang system ngayon.

"Pwede bang mag-back out?" Tanong ni Roselyn.

"Host, kailangan niyong tapusin ito. Kailangan mong lumabas sa comfort zone mo. 'Wag kang mag-alala, tutulungan kita sa abot ng makakaya ko. Mahirap man ito, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan hindi ba?" Saad ng asong system.

Napahinga ng malalim si Roselyn.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Gusto ko ng mag-back out," reklamo niya pa. Napa-iling na lang ang asong system at tinulak papuntang portal si Roselyn.

--*--

Nagising sa maliwanag na sinag ng araw si Roselyn. Napabuntong siya ng hininga.

Nasa isa siyang apartment, may mga nakita siyang security system sa paligid at bilang programmer, alam niya kung paano ito gumana. Tiningnan niya ang mga gamit sa paligid at nakita ang maraming uri ng baril.

Nakita niya rin ang isang black full body suit at isa pang white full body suit na ginagamit ng original host ni Roselyn.

Tahimik na ini-scan ni Roselyn ang ala-ala ng kanyang host at nalamang nasa ibang bansa nakatira ang kanyang magulang.

May kapatid din siyang lalaki na nasa ibang bansa rin. Kada linggo ay meron silang Hologram video call para magkaroon sila ng time sa isa't isa.

Sa susunod na linggo na ang pasok niya sa kumpanya kung saan naroroon ang target niya. Pero may meeting siya mamayang hapon sa magulang ng target para sa kaunting briefing.

Sa totoo lang, kinakabahan siya sa mga maaaring mangyari sa mundong ito. Hindi niya alam kung makakaya niya nga bang pumatay kahit pa nakita niya ang skill granted na meron siyang ganito. Magiging makasalanan na talaga siya pagkatapos ng misyon na ito.

Pakiramdam niya makakaramdam na naman siya ng guilt. Sana lang kaya niya talagang lumabas sa comfort zone niya.

Nagluto siya sa baba at tahimik na kumain. Isang high class apartment ang meron siya dahil merong second floor ang apartment kahit na nasa isa silang building. Mayaman ang pamilya nila kaya afford nilang bumili ng ganitong apartment.

Hinugasan niya ang pinaglutuan at pinagkainan. Saka siya naligo at nag-ayos para sa meeting niya sa magulang ng target.

Tahimik siyang naghanda at gamit ang instinct, naglagay siya ng maraming sandata sa kanyang katawan. Hindi lang baril ang meron siya. May malilit din siyang karayom sa katawan na binabad niya sa lason.

Security measure niya lang bilang agent. Ganito ang palaging ginagawa ng kanyang host bago umalis ng bahay, lagi itong handa dahil hindi niya alam kung kailan aatake ang kalaban.

2:30 ng hapon, ay saka lang siya umalis ng bahay. Gamit ang air mobile niya, nagtungo siya sa site kung saan siya makikipagkita sa kleyente niya.

3:15 ay narating niya ang location at nag-antay lang ng 15 minutes bago dumating ang mga ito.

Nag-order ng snack si Roselyn dahil halos miryenda na. Tahimik siyang kumakain ng dumating si Mr & Mrs Azuña.

"Ms Doctolero?" Tanong ng lalaking nasa 40's na kasama ang isang babaeng nasa 30's. Ganoon pa man, pareho pa ring matipuno ang mga ito at may dating.

"Pleasure to meet you Mrs Yasmin Azuña and Mr Arnold Azuña," magalang na bati ni Roselyn. Doon na nag-shake hands ang dalawa at naupo para mag-usap.

--*--

Ybrehl

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon