32: Roselyn's Revenge

755 66 8
                                    

Kabanata 32: Ang ganti ni Roselyn

Napansin ni Cenneri na may sumusunod sa kanya. Biglang kumabog ng nakapalakas ang kanyang puso. Binilisan niya ang pagmamaneho dahil sa pagka-panic. Pero gaya rin niya, bumilis din ang humahabol sa kanya.

Hinablot niya ang attached case na nasa passenger seat. Pero dahil nagmamaneho siya at nagpa-panic na, nahulog ang attached case sa baba.

Nagawa naman niyang kunin ito at napapasalamat sa lahat ng santong kilala niya ng hindi siya nabangga.

Nanginginig ang kamay niya at sobrang tense ng buong katawan niya. Bigla niyang naalala si Roselyn at nung na-ambush lang sila nang nakaraan.

Hindi niya alam kung bakit ang unang pumasok sa isip niya ay si Roselyn. Ngayon ay nabuksan niya na ang attached case at dinial ang number ni Roselyn na siyang nasa history lang ng phone niya.

"Hello, Sir?" Malamig na bati ni Roselyn. Sasagot na sana siya ng biglang napalibutan ng pitong kotse ang kanyang sasakyan.

"Fuck! Where ever you are, please Fucking help me!" Nanginig na ang boses niya sa sobrang pagpa-panic at sunod-sunod siyang nagmura ng binaba ni Roselyn ang telepono.

Nagsibaba ang mga sakay ng pitong sasakyan na may hawak na laser gun. Tinaas niya ang kamay at halatang nagpapanic na siya. Huminga siya ng malalim ng paulit-ulit, pinipilit na pakalmahin ang sarili.

Kinatok siya ng isa sa mga lumabas na tao sa kotse. Hindi niya ito binuksan kaya sinunog nila ang lock ng kotse gamit ang laser.

Napamura muli si Cenneri. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay hinampas ng lalaki ang batok ni Cenneri gamit dulo ng laser gun. Doon na nawalan ng malay si Cenneri.

--*--

Pagkatanggap ni Roselyn ng tawag ay mabilis niyang ni-locate si Cenneri. Gumamit siya ng teleportation technique na bagong features ng system saka nag-redeem ng Hi-Tech Wisdom Glasses.

Ang Hi-Tech Wisdom Glasses ay isang salamin na naka-connect sa system upang maglabas ng mga kaalaman, pwede nitong I-Zoom ang kahit anong sa limitless na kilometro.

Nakarating siya kung nasaan si Cenneri at nakitang kinakatok na  ng bintana niya.

Napangisi naman si Roselyn at napatawa rin ng mahina.

"Payback bastard," bulong niya at hinayaang makuha si Cenneri ng grupong ku-morner kay Cenneri.

Nag-focus siya sa kotse kung nasaan si Cenneri at nanatili sa lugar kung saan siya lumitaw kanina. Sinundan niya gamit ang HTW Glasses ang kotseng iyon at lahat ng nakaharang doon ay tila naging transparent. Talagang naka-focus lang ito sa kotse at sa kalagayan ni Cenneri.

Dalawang oras ang lumipas, tumigil ito sa isang malaking Mansion sa gitna ng liblib na lugar. Halata mong pinagastusan talaga ang lugar dahil ang bawat makikita mong materyales ay mamahalin.

Bagong pintura lang ito at kitang-kita ang higit kumulang 10 kotse na naka-park sa gilid. Ang hinala ni Roselyn ay may iba pang kotse sa paligid.

Nag-teleport ulit siya at malapit-lapit na siya sa Mansyon pero kung dudungaw ka sa labas ay hindi mo siya matatanaw dahil gamit niya pa rin ang HTW Glasses.

Naka-focus lang ito sa walang malay na si Cenneri na ngayon ay buhat-buhat ng limang lalaki na parang bangkay. Kita pa ni Roselyn na nakagapos ito kaya napatawa siya ng kaunti. Ganti niya ito sa pagpapahirap nito sa kanya simula pa lang nung una.

Hahayaan niya munang magdusa ng kaunti si Cenneri. Masama na kung masama, pareho lang din naman silang masama ang ugali.

Nilabas niya mula sa storage ng system ang kanyang laptop at tiningnan kung may system sa loob.

At tama nga siya. May invisible barrier ang Mansyon. May malakas na System sa loob.

Nagsimula na siyang i-hacked ang buong system. Tahimik siyang umupo sa ugat ng isa sa mga punong nagtatago sa kanya mula sa radar ng system. Mabuti na lang pala ay napagdesisyunan niyang mag-teleport ng may kalahating kilometro ang layo mula sa Mansyon. Kung nag-teleport siya ng mas malapit pa sa gate, tutunog ang emergency alarm na mayroon sa loob.

Alam niyang may device ang bawat isa tauhan kaya hindi tumutunog ang Emergency Alarm.

Tatlong oras niyang kri-nack ang system bago niya kinunekta sa kanyang HTW Glasses para ma-hold ang system. Hinanda niya lahat ng laser gun at karaniwang baril sa katawan niya, ang iba ay pinasok niya sa loob ng system at nagsimula na siyang pasukin.

Hawak ang isang laser gun, ito muna ang ginamit niya at pinapatulog ang bawat madaanang tauhan ng kung sino mang dumukot kay Cenneri.

May dala rin siyang quick melting corpse. Di-nispose niya ang bawat pinapatulog niya gamit ito.

Limang segundo lang ay wala ng katawang pinatulog niya.

Kung normal na panahon lang ito at baka hindi niya pa magawang pumatay. Pero dahil sa restrictions niya mula sa totoong may-ari ng kanyang katawan at sa system, wala siyang pakialam kung ilang tao ang mapatay niya.

Naging tahimik ang kanyang pagpasok maliban na lang ng lumabas siyang elevator na tanging labasan at pasukan sa underground floor ng Mansyon.

Pagkabukas pa lang na pagbukas ng elevator ay nagpaulan na siya ng laser. Lahat ay kung hindi sa noo may tama, sa puso o sa mga vital points kaya siguradong patay.

Doon naalarma ang buong tauhan na nasa loob ng Mansyon kaya dumami ang may gusto siyang patayin. Napangisi pa siya at hindi niya alam kung siya ba ang may gawa nito o yung totoong may-ari ng kanyang katawan.

--*--

Nagising sa pagkakagapos si Cenneri. Napansin ito ng nagbabantay sa kanya. Nanlaki ang mata niya ng makilala kung sino ang nasa harapan niya.

"Vi-Vince?" Gulat na gulat na tanong ni Cenneri. Pero mas nanlaki ang mata niya ng makita ang nasa tabi ni Vince.  Isang taong akala nila ay matagal ng patay.

Tila nawalan ng kulay ang mukha ni Cenneri pagkakita ng mukha ng taong nasa tabi ni Vince.

"You! You! You suppose to be dead!" Halos magwala si Cenneri na siyang ikinatawa ng taong ito.

"Did I surprise you, big brother..." Kitang-kita ang galit sa mata ng taong ito habang tinitingnan si Cenneri.

--*--

Malapit ng matapos ang kwento ni Cenneri. Iilang chapter na lang.

Ybrehl

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon