7: really interesting

1.4K 83 0
                                    

Kabanata 7: Napakainteresante

Pinunasan ni Roselyn ang luha na lumabas sa mata niya kanina ng ginampanan niya ang role ng dalagang tumugtog ng piano.

Bumalik ito sa walang buhay na itsura niya sa tuwing aalis siya sa harap ng kamera pagkatapos niyang huminga ng malalim.

Napangisi naman si Jeyshaun sa nakita. Inaamin niyang magaling ngang gumanap si Roselyn sa kanyang karakter. Kahit siya ay nagulat sa galing at pagigung propesyunal nito kaya hindi na siya nagtataka na nakuha niya ang pagiging female lead.

Ang kwento ng tv drama na kanyang pinaganapan ay kakaiba ang kwento.

Kwento ito ng isang babaeng nangarap na maging isa sa pinakakilalang pianist sa buong mundo. Pero bago pa man ito nangyari, namatay ang magulang ng dalaga at sa edad na 16 kinailangan niya ng magtrabaho bilang tagapagmana ng kanyang magulang.

Dahil sa nangyari, nawalan siya ng pagkakataon na makatungtong sa entablado. Idagdag pa na tinangihan niya ang isang malaking event para tumugtog siya ng piano na naging resulta ng pagkalugi nila dahil sa huling oras na tumanggi ang dalaga. Dahil dito, na-blacklist siya at nawalan ng pagkakataong makabangon pa.

Dahil sa nangyari, nabuhay na parang patay ang dalaga at parang robot na wala ng direksyon sa mundo. Pero nagbago ang lahat ng dumating sa buhay niya ang butler na si Leon Villanueva.

Kung titingnan sa labas, napakasimple ni Leon. Para siyang aso kung bumuntot sa dalagang si Sanya fiore Devina.

Kahit anong gawing pag-iwas ni Sanya sa kanya, buntot pa rin ito ng buntot at ginagawa ang lahat para mapasaya siya. Sa gitnang bahagi ng kwento, tinanggap nga ni Sanya si Leon at ng ikakasal na sila, doon nabunyag ang totoong pagkatao ni Leon.

Si Leon ay isang tagapagmana ng pinakamalaking intelligence company. Mula sa hacking, paggawa ng technologies at iba pang gadgets na kadalasang ginagamit ng interpol sa buong mundo.

Kinailangan niya ng isang katauhan na hindi mahahalata ng kalaban ang tungkol sa kanya. Dahil nga nagtatrabaho internationally ang pamilya ni Leon, maraming naging kalaban ang pamilya niya. Kaya kinakailangang mabuhay siya hanggang sa tumuntong siya sa tamang edad para hawakan ang kumpanya nila.

Masyadong kumplikado ang pamilya ni Leon kaya pagkatapos nilang ikasal ni Sanya, kinailangan niya kaagad umalis para ayusin ang problema nila sa pamilya.

Tatlong taon ang nakalipas pero hindi bumalik si Leon sa piling ni Sanya naging dahilan kung bakit mas kinamuhian ni Sanya ang buong mundo.

Iniisip niya na wala siyang kwenta at hindi niya makuha ang gusto niya at ng matanggap niya na ang lahat dahil sa lalaking minahal niya, sa huli, iniwan siya nito pagkatapos ng kasal nila.

Ang galit niya sa mundo ang siyang naging daan para mapasok siya sa illegal na gawain. Wala siya sa sarili habang sinusumpa niya ang mundo. Sa tatlong taon na hindi niya nakita ang asawa, nag-iba ang ugali ni Sanya at naging isang walang puso at walang awang gumagawa ng masama.

Matalino si Sanya kaya mabilis na lumaki ang illegal niyang gawin at naging isang malaking threat si Sanya sa mata ng gobyerno.

Dito bumalik si Leon para sana makita ang asawa pagkatapos ng 3 taon. Tinanggap niya ang misyon na puksain ang grupo ni Sanya.

Bumalik siya at sinuyo ang asawa pero hindi natinag si Sanya. Sa puntong iyon, habang sinusuyo niya si Sanya, ito ang naging punto kung saan naghanap na siya ng detalye sa kalaban.

Nagsimula ang labanan sa pagitan ng mag-asawa. Sa huli, dahil sa pagtugtog ng isang pyesa ni Leon ng piano na siya mismo ang gumawa. Pinaalala niya kung ano ang pangarap ni Sanya. Pinaalala niya ang lahat kasama ang pangarap niyang makatungtong ng entablado. Dito nagising si Sanya at kusa siyang sumuko sa mga pulis.

Dalawang taon lang ang lumipas ay nakalaya si Sanya at sumama sa piling ni Leon. Gumawa talaga ng paraab si Leon para makalaya si Sanya dahil alam niyang siya ang naging dahilan kung bakit nagawa iyon ni Sanya.

Nalaman ng lahat na may sakit sa pag-iisip si Sanya na nadevelop niya bago pa sila nagkakilala ni Leon. Isama pa ang anxiety at depression na nakuha niya pagkatapos mawala ni Leon sa mismong araw ng kanilang kasal.

Naging isang malaking epekto ito sa pag-iisip ni Sanya kaya sa huli naging maayos ang lahat at nakalaya siya.

Sa huling bahagi ng storya, tinulungan ni Leon si Sanya na makamit niya ang pangarap na maging pianist na kilala sa buong mundo at namuhay ng mapayapa.

Napakaganda ng storya na ito na nangaling sa isang sikat na manunulat sa kanilang lugar. Maraming naantig, umiyak, nagalit, nagsisi at ang iba ay tumawa.

Mula sa libro ay ginawa nila itong TV drama at sila Roselyn at Jeyshaun ang magiging bida.

Maraming ups and downs ang kwento pero willing naman sila na gawin ito.

--*--

Nanatili sa waiting lounge si Jeyshaun dahil alam niyang darating sa lugar na iyon si Roselyn para magbasa ng script. Sa tuwing ganong oras ito dumadating kaya gustong subukan ni Jeyshaun kung hanggang saan ang matitiis ng unang taong hindi man lang na-inlove sa kanya.

Maraming gustong gumapang sa kama niya pero wala pa kahit isa ang nakagagawa nito.

Ganon pa man, hindi nawawala sa mga nangungunang aktor na may maraming eskandalo si Jeyshaun at kadalasan ay involve siya sa pagkakaroon ng maraming girlfriend. Ganoon pa man, hindi ibig sabihin nito ay wala na siyang delikadesa.

Kahit isa sa mga babaeng nakarelasyon niya, wala siyang kahit isang ginalaw. Isa ito sa hinahangaan ng marami, hindi nainvolve sa ganoong eskandalo si Jeyshaun kaya masasabi mong isa siya sa pinakamalinis na tao sa mundo ng entertainment.

Sa kaunting paghihintay, dumating na nga si Roselyn dalawa ang script kaya mabilis na umayos si Jeyshaun at tinangnan ang magiging reaksyon ni Roselyn.

Ganoon pa man, kaswal lang itong umupo sa kaharap niyang upuan na para bang walang tao sa harapan niya.

Hindi man lang ito nagulat na may tao sa harapan niya na siyang nakapagpangisi kay Jeyshaun.

Ang totoo ay binalaan na siya ng system bago pa siya pumasok at doon siya nagulat.

--*--

Ybrehl

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon