29: Progress

643 66 5
                                    

Kabanata 29: Progreso

Minulat ni Roselyn ang kanyang mga mata. Natagpuan niya ang sarili isang matrix na madalas niyang nakikita kapag natapos niya na ang kangang misyon.

"Host, binalaan ka ng system na isang High Risk ang Mission mo na ito. Bakit hindi ka nag-iingat?" Seryosong tanong ng asong system.

"Bakit hindi ako makakuha ng kahit anong Item sa system bago ako mamatay sa mundo na iyon?" Balik na tanong ni Roselym sa system.

"Nahuli ka ng kasabwat ng killer sa mundo na iyon. Dahil sa hindi nasunod ang dapat na misyon mong ikaw ang makahuli sa kanya, nag-shut down ang system dahil isa lang kakalabasan ng pangyayaring iyon. Ang kamatayan mo," paliwanag ng system.

"So this what will happen if I failed my mission?" Tanong ni Roselyn.

"Babalik ka sa umpisa at mangyayari ulit lahat ng nangyari kung gagawin mo ang ginawa mo sa unang beses. Technically, parang reset. Pero dahil nabigo ka, kailangan mong maranasan ang Punishment," Saad ng System.

"Pero teka? Yung torture na naranasan ko sa loob ng isang linggo na iyon, hindi pa iyon ang punishment ko?" Bigla tuloy natakot si Roselyn.

Mas mahirap ba ang mararanasan niya sa punishment na ito?

"Hindi iyon punishment dahil dito gagawin ang punishment mo," isang nakakatakot na ngisi ang ibinigay ng system na siyang dahilan kung bakit gusto niya biglang umatras.

--*--

Nagising sa kanyang apartment muli si Roselyn. Ang apartment ng kanyang host. Napangisi siya dahil may advantage din pala ang pagsisimula sa umpisa. May lead na kaagad siya sa kung sino ang hinahanap niya.

Ngayon ay mas maingat niyang pinasok ang data nito kahit ang system ng Kumpanya upang kumalap muli ng impormasyon. Hindi nagtagal ay nagkaroon na siya muli ng lead na pwede niyang magamit.

Gaya ng una siyang pumunta dito, nakipagkita siya sa magulang ni Cenneri pati na rin ang mga sumunod na araw. Ang pinagkaiba lang ay, mas maingat siyang gumalaw ngayon.

Iniisip niya pa lang ang torture ng system ay hindi niya maiwasang manginig sa takot. Sinunog lang naman siya ng buhay ng isang buong araw. Ang mas masaklap pa ay hindi siya mamatay o malalapnos. Mararamdaman niya lang ang sakit sa balay ng apoy na kahit anong gawin niya ay hindi maapula.

Kaya pinangako niya sa sarili na hinding-hindi niya na ulit mararanasan ang Torture na iyon kahit pa ang pumatay siya ng tao.

Iisipin niya na lang na hindi totoo ang mga ito. Na nasa video games lang siya.

Halos pareho lang din naman ang nangyayari sa kanya sa isang virtual games na may task at kung ano-ano pa.

May focus siyang makita ang target niyang mamamatay tao kaysa sa misyon niyang paibigin si Cenneri.

Pero ang hindi niya alam ay unti-unti ng nahuhulog si Cenneri sa kanya. Dahil na rin siguro sa napaka-stoic na mukha ni Roselyn at walang pakialam kahit ilang babae pa pumapasok at lumalabas sa kanyang opisina.

Hindi siya babaero pero panay ang pasok at labas ng mga babae sa kanyang opisina dahil na rin sa Ama't Ina na nag-aalala sa sexuality ng kanilang anak.

Kahit sino ang magpa-ibig kay Cenneri tatanggapin nila makasal lang ang anak nilang malapit ng mag-30. Puro trabaho lang ang inatupag ni Roselyn sa nakalipas na mga araw kasama ang paghahanap ng lead tungkol sa kung sino ang nasa likod ng Head Finance ng Dellfur Company.

Ito ang taong kumidnap sa kanya at pumatay sa una niyang subok sa lugar na ito. At sa ngayon, nasa kanya ang lead ni Roselyn.

Sa pagkalikot niya sa Finance department, nakita niya ang mga sobrang maanomalyang transaksyon sa loob nito. Mas kinabahala niya na sobrang laki nito.

Umabot na sa bilyon ang nakurakot ng taong ito.

Sinubukan din ni Roselyn na i-hack ang social media nito pero inabot na siya ng tatlong araw ay hindi niya pa rin ito nabubuksan.

May codes na kailangan upang mabuksan ito. Nag-lead ito kay Roselyn na may tinatago ito sa loob ng social media niya.

Dalawang araw matapos ang puyatang hacking, nagkaroon na naman siya ng lead. Ang kapatid ni Cenneri na si Vince at siyang Vice president ng Dellfur Company.

Nagkaroon sila ng mga conversation tungkol sa mga transaction at ilan pang mga mahahalagang ibedensya.

Walang takot niyang hi-nack ang datas na makakalap sa bago niyang lead na si Vince.

Naging insperasyon niya ang torture ng system upang hindi magkamali.

Siguro nga, kailangan niya ring maging masama at ibalanse ang ugali niya bilang isang indibidwal. Hindi lang dapat kabaitan ang pairalin kung hindi gumamit din ng dahas o kasamaan lalo na kung may pinaglalaban ka.

Masyado niyang tinitingnan ang negatibong nangyayari sa kanya sa loob ng task na ito noong una siyang pumasok pero ngayon, unti-unti siyang nagkaroon ng kalinawan kung bakit kailangan niya itong gawin.

Minulat siya ng Rebirth System na hindi isang fairytalr ang buhay na puro pasarap lang. Pinakita ng system sa kanya ang reyalidad at kasamaan ng kanyang mundong ginagalawan.

Ngayon ay naging panatag ang kanyang kalooban na ipagpatuloy ang misyon niya. Kahit pa pumatay siya.

--*--

Hindi maiwasang mainis ni Cenneri sa bago nigang sekretarya. Wala namang problema sa mga gawain nito. Katunayan, ito ang pinakamagaling niyang naging sekretarya.

Pakiramdam niya ay tila siyang robot si Roselyn dahil bukod sa walang emosyon itong sumagot. Magsasalita lang kapag tinatanong.

Minsan iniisip pa niya na kung pakulo ito ng kanya magulang. Napakalalim nitong mag-ingles at may alam pang ibang lenggwahe maliban sa tagalog at english.

Naging isang malaking palaisipan tuloy sa kanya ang isang Roselyn Doctolero. Dito nagsimula ang pagiging curious ni Cenneri.

Talagan hahanapan niya ng mali si Roselyn pero kahit kailan ay tila wala lang ito sa kanya. Napabuntong siya ng hininga.

Iniisip niya tuloy kung saan ba siya napulot ng kanyang magulang at tila isang perpektong sekretarya ang nakuha nila para sa kanya.

Sinubukan niyang dagdagan ang kangang trabaho. Sinubukan niyang ipahiya ito sa harap ng nga tao. Sinubukan niyang guluhin ang mga papeles na mayroon siya.

Pero hindi pa rin nagpakita ng emosyon si Roselyn. At iyon ang kinaiinis.

--*--

Miss niyo ako? Haha super busy ko kasi nitong mga nakaraang araw at hindi kaagad ako makapag-type sorry na hehe

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon