27: The Rebirth System's Mystery

866 62 5
                                    

Kabanata 26: Ang misyeryo ng Rebirth System

Natapos na ang briefing na mero'n siya sa pamilyang Azuña. Bukas siya papasok at ipapakilala ni Arnold si Roselyn kay Cenneri. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung ano ang dapat niyang gawin.

Sa totoo lang, ayaw niya talagang gawin ang misyon na ito, pero kailangan. Bakit ba siya pinapahirapan ng System? Saka anong mero'n sa apilyedong Azuña?

Simula kay Jeyshaun, kay Arvie, pati si Cenneri, lahat sila Azuña. Alam niyang konektado ito sa system, hindi niya nga alam alam kung paano ito naging konektado.

Malaking palaisipan pa rin sa kanya ang system na meron siya. Pakiramdam niya may mas malaki pang dahilan kung bakit siya ang napili, kung bakit maraming kababalaghang nangyayari.

Ang glitch, bug, yung pakiramdam niya na may tinatago yung asong system, yung pakiramdam niyang may nagmamasid, ang misyon, ang sapilitang pagpapalabas sa kanya sa comfort zone.

Iniisip niya ito habang nakatingin lang sa ceiling ng kanyang kwarto. Nakabukas ang aircon ayon sa kailangang lamig ng kanyang katawan.

Posible kayang hinahanda sa mas malaking magaganap? Kung oo, bakit siya? At ano ang pinaghahandaan niya? Nafu-frustrate talaga siya ngayon.

--*--

Kinabukasan, nakapaghanda na siya at mabilis na drinive and kanyang air mobile. Hindi siya nakagamit nito sa nakaraan niyang misyon at hindi niya alam kung bakit.

Ordinaryong kotse lang ang nagagamit ng host niya at hindi ang tipikal na Air Mobile na meron ang Findo. Pakiramdam niya rin na may dahilan kung bakit.

Ang Findo ay ang planetang punong-puno ng matataas na kalidad ng teknolohiya. Pero bakit ordinaryong mga gamit lang ang kanyang nagamit sa huling misyon?

Nag-uumpisa na naman ang pustrasyon ni Roselyn. Hindi siya mamamatay sa misyon kung hindi sa frustration.

Nakarating siya sa kumpanya ni Cenneri, ang nagmamay-ari ang Dellfur Company, ang pinakamalakng kumpanya sa mundo na ito.

Tumingala siya at halos hindi na makita ang dulo ng building sa sobrang taas. Inayos niya ang sarili sa hulng pagkakataon at tinanggap ang kahit anong ekspesyon ng mukha niya.

Taas-noo siyang lumakad papasok at ibinigay sa guard at pina-iscan ang kanya id. Habang nasa reception area, hindi mapigilan ng iba na mapalingon sa kanya.

Naka-standard uniform siya ng isang assistant, slackings ang gamit niya at coat na itim. Pero ang kapansin-pansin sa kanya ay ang kanyang itsura. Napaganda nito kahit walang ekspresyon kaya hindi nila mapigilang sundan ito ng tingin.

Gumamit siya ng elevator at sa isang iglap lang, nakarating na siya sa floor kung saan nakita niya si Arnold na nag-aantay sa kanya.

"Lets go, Ms Doctolero," pormal na saad nito. Tumango naman si Roselyn at sumunod kay Arnold.

Nakarating sila sa isang pinto kung saan nakalagay ang Chief Executive Office, pagpasok mo, makikita mo ang pinto sa gilid na may Secretarial Department Office.

May tatlong lamesa doon pero wala kang makikitang tao.

"What are you doing here, Dad?" Iritableng saad ng isang baritonong boses. Tiningnan ni Roselyn kung sino ang nagsalita.

Sa isang iglap, biglang tumigil ang paligid, walang gumagalaw, kahit si Arnold ay hindi gumagalaw.

"System? Anong anong nangyayari? Bakit hindi sila gumagalaw? May bug na naman ba?" Tanong ni Roselyn.

System Update

Unlock New Abilities: Time Manipulation - Ang Host ay may kakayahang patigilin at pabilisin ang oras sa isang iglap, pero paalala, ang pagpapabilis ng oras ay may karampatang bawas sa kredito.

Teleportation - ang host ay may kakayahang magpalipat-lipat ng lugar ng walang nakakapansin.

Mission Status: High Risk Mission.

CENNERI ASH AZUÑA

Relationship status: Employer

Like towards the host: Level 0

Dislike towards the host: Level 0

Feelings: Neutral

Impression: Still Observing

Status: Ready to make the Host life a living hell

Note: Mag-ingat sa target. Isang high risk misyon.

Legend

Level 1-10 = weak feeling
Level 11-20 = Slightly above weak Feeling
Level 21-30 = Average Feeling
Level 31-40 = Slightly weak under Strong Feeling
Level 41-50 = Strong Feeling
Level 51-above = Loyalty

"So isa itong system update? Anong meron dito sa high risk, high risk na missiong ito?" Takang tanong ni Roselyn.

"Host, isa ng babala na kailangan mong magdoble ingat. Malaki ang posibilidad na bigla ka na lang mamatay sa isang iglap kung sakali man," Saad ng system.

"Isipin mo lang ang salitang time stop kung gusto mong patigilin ang oras, time continue kung gusto mo ng magpatuloy ang oras," Tiningnan ni Roselyn ang kanyang target na walang iba kung hindi si Cenneri.

Hindi niya alam pero parang pamilyar ang mukha niya. Parang nakita niya na ito pero hindi niya maalala.

Pinilit niyang alalahanin pero hindi niya talaga maalala. Isa na naman ba ito sa misteryong kailangan niyang lutasin?

Pinilit niyang alalahanin ang mukha ni Jeyshaun at Arvie. Pero nagtataka siya kung bakit hindi niya maalala.

Naaalala niya ang lahat ng ginawa niya sa dalawa, pero ang mukha nito ay puro malalabo. Napa-iling na lang siya. Siguro malalaman niya rin ang misteryong bumabalot sa system na ito.

'Time Continue' sa isip niya. Gumalaw na muli ang nasa paligid at inaayos ni Roselyn ang sarili. Nawala muli ang emosyon sa kanyang mukha habang nakatingin ng deretso kay Cenneri.

"Ash, this is Ms Roselyn Xyrel Doctolero, she will be your secretary from today. At hindi mo siya pwedeng i-fire gaya ng nakaraan mong mga sekretaries. I will be the one to gave her a salary," dere-deretsong saad ng Arnold.

"I don't need a secretary, they are just annoying. All of them are always troublesome. Just a simple task still they do it wrong," naiinis na saad ni Cenneri.

"Wag kang mag-alala, Ash. Wala kang mapupunang mali sa kanya," Confident na saad ni Arnold.

"Ms Doctolero, ang opisina dito sa gilid ay kung saan ka gagawa ng iyong trabaho. Dapat ay tatlo ang sekretary ni Ash, pero lagi niyang tinatanggal sa trabaho. Na brief na kita kahapin so good luck," tumango si Roselyn at tahimik na dumiretso sa kanyang upuan. Habang si Ash naman ay iritableng bumalik sa kanyang opisina.

Ang una niyang ginawa ay ayusing ang nagkalat na file. Inorganisa niya ito ayob sa date at siniguradong malinis ang paligid.

--*--

Ybrehl

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon