5: Alluring

1.6K 102 7
                                    

Kabanata 5: Kaakit-akit

Maagang gumising si Roselyn kinabukasan. Maaga siyang naligo at ginawa ang daily routinr niya. 3:00 pa lang ng umaga ng nagsimula siyang mag-jogging paikot ng kanilang village. 3:48 siya natapos ay nag-yoga ng 15 mins.

Kumain siya ng vegetarian cereal saka siya naligo. Doon ay pinatuyo niya ito gamit ang blower inipit niya ng bun ang buhok niya.

Sinimulan niyang mag-make up ng napakasimple at saka niya kinulot ang buhok niyang kulay brown na. Inipit niya ito lahat pero nagiwan ng kaunting buhok sa harap saka niya cinurl ang dulo.

Pagkatapos niyang mag-ayos sa mukha at buhok, nagbihis na siya at siniguradong maayos na ang kanyang gamit.

Papaalis na siya ng 6:00 am ng biglang nag-pop up ang asong system.

"Host, may side mission ka, ang reward 10 points credit," tiningnan niya ang system status niya at nakita ngang may bago siyang task.

Para itong monitor na biglang nagpop-up sa harapan niya.

Current body's status: Slightly High on Average
Plot State: Normal

Plot: Ang pangalan ng Host ay Roselyn Xyrell Doctolero. Isang dating Singer, Dancer, Actress na nalaos dahil sa Plano ng dalawa niyang kagrupo. Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, boglang may tumubong birthmark sa mukha niya at hindi niya na ito maaalis pa. Tumaba dahil sa depresyon sa nangyari sa kanyang mukha at career

Mission: Maibalik sa tuktok ng tagumpay ang host at mapaibig ang isa sa pinaka sikat na Aktor sa kasalukuyang panahon.

Target Information:
Name: Jeyshaun Maxwell Azuña
Age: 23
Birth date: July 21, ****
Job: Actor, Singer, Dancer

Mukha siyang playboy pero hanggang flirt lang. Mapaglarong kalaban at madalas na gamitin ang kanyang ngiti para mapaibig ka.

Skills granted: Singing Dancing Acting

Reward: will be announce after the mission Complete

Punishment: Pain of torture

Side Mission: Makapasok sa Movie na ipapakilala ni Ryan.

Rewards: 10 credit Points

Punishment: Two Hours cramps

Marami pang details ang nasa monitor pero ito ang napansin niya. Tumango siya at inaccept ang side task.

Nagmadali siyang pumunta sa Z TV Station na kalaban ng Star Station na dati niyang TV Station.

Mabilis naman siyang nakarating at maaga siya ng 5 mins sa takdang oras.

"Ikaw si Roselyn?" Manghang tanong ni Ryan ng makita ang itsura ni Roselyn. Tumango naman si Roselyn bilang sagot at binigay ang kanyang resume.

Tiningnan ito ni Ryan na siyang kinagulat niya.

"Ikaw si Rose Ven?" Tumango muli si Roselyn bilang sagot. Mas lalong namangha si Ryan dahil nakakuhs siya ng isang ginto.

"Ang balita ko kay Rose Ven ay bigla siyangg tinubuan ng kakaibang sakit sa balat lalo na sa kanyang mukha pagkatapos niyang masangkot sa isang eskandalo," tiningnan lang siya ni Roselyn saka siya nagsimulang magsalita.

"Hindi ako tinubuan ng sakit, nilagyan nila ako ng marka sa mukha at gumamit ng video tape ni Lara. Yung video, si Lara ang babaeng nandoon at pinaltan lang ang mukha niya ng mukha ko," mahinang saad ni Roselyn.

Hindi talaga siya kumportable sa pakikipag-usap sa tao. Nadevelope niya ito ng nagsama sila ni Enrique.

"Okay naniniwala ako. Pero yung buo mong pangalan? Sino-sino ang nakalaam?" Tanong ni Ryan sa kanya.

"Wala, Rose Ven ang pakilala ko sa kanila. Hindi sila naghanap ng resume o birth certificate ng pumasok ako sa kabilang estasyon kaya mabilis din akong natanggal," paliwanag ni Roselyn.

Sa back door sila nagsimulang tatlo kaya hindi nila alam ang totoong pangalan ni Roselyn na siyang kinangiti ni Ryan.

"From now on, you are Xyrell Elero," tumango si Roselyn bilang sagot.

Pinasunod naman siya ni Ryan papunta sa loob. Tahimik siyang sumunod sa loob hanggang sa pumunta sila sa isang studio.

"Director Dave, ito yung sinasabi kong nakita ko sa labas. Perpekto siya sa role na hinahanap niyo," nag-usap ng kaunti si Ryan at Dave ng kaunti at ilang minuto lang ay sinalang si Roselyn sa isang piano performance.

Doon ay sinimulan niyang kantahin ang Thousand Years ni Christina Perry.

The day we met,
Frozen I held my breath
Right from the start
I knew that I'd found a home for my heart

Napakalamig ng boses ni Roselyn at ramdam na ramdam mo ang bawat tono na kanyang ginagawa.

Beats fast
Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid

Napakaganda at napaka-photogenic niya sa harap ng Camera. Napakanatural ng reaction niya sa harap ng Camera na para bang pinanganak siya para gawin ang bagay na ito.

to fall
But watching you stand alone?
All of my doubt suddenly goes away somehow

Ang bawat tipa niya sa piano ay tamang-tama sa ginagawa niyang aura. Para bang siya ang character na hinahanap nila kahit pa hindi alam ni Roselyn kung sino ang ipo-portray niya.

One step closer
I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more

Nagpatuloy lang siya sa pagkanta at pagtipa sa keyboard hanggang sa matapos niya ang pyesa. Ang lahat ay tulala dahil sa galing nito sa pagkanta at pagtugtog ng piano.

"Ihja, pwede bang gawin mo ang scene na ito?" Kinuha naman ni Roselyn ang script saka binasa ito. Ilang segundo lang ay tumango siya at huminga ng malalim.

Pinikig niya ang mata sandali saka mulig huminga ng malalim.

"Pangarap kong makatugtog ng piano sa harap ng maraming tao," sa isang iglap ay parang naging iba siyang tao na kinamangha ng iba.

"Pero bakit kahit anong gawin ko, hindi ko maabot ang pangarap ko?" Unti-unting tumulo ang luha sa mata ni Roselyn na para bang siya ang karakter na pinoportray niya.

"Ano bang pagkukulang ko at hindi ko magawang makatungtong sa entablado. Buong buhay ko, ito lang ang pinangarap ko pero wala pa rin itong naging silbi. Saan ako nagkulang! Sabihin mo sa akin Ina, saan ako nagkulang," tuloy-tuloy lang ang luha niya at hindi niya na ito napigilan pa.

"May mali ba akong nagawa?" Bigla siyang tumawa na parang nababaliw dahil sa nawawalan na siya ng pag-asa.

Tinuloy nila ang pagsubok kay Roselyn at lahat ito ay natapos niya ng maayos kaya sa huli, nakuha niya kaagad ang lead role ng palabas.

--*--
Magiging mabilis ang arch na ito since magfo-focus tayo sa target. Wag kayong nagtaka kung bakit maraming skip time dahil may limang magkakaibang storya sa loob ng storyang ito.

Ybrehl

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon