18: Parent's talk

886 66 9
                                    

Kabanata 18: Pakikipag-usap sa magulang

Hindi mapigilan ni Roselyn ang maawa sa sinapit ni Arvie sa kamay ng kanyang foster parents. Ngayon ay namulat siya sa katotohanang hindi lang siya ang nagdurusa sa mundong ito.

Maswerte siya sa natamong biyaya at hindi niya man lang naisip na gamitin ito para makabangon sa totoo niyang buhay.

Masyado siyang nagpabulag sa pagmamahal sa asawa na hindi naman siya nagawang mahalin umpisa pa lang. Ngumiti ng mapait si Roselyn habang nakatingin sa kisame.

Sa dalawang taon niyang pananatili dito, marami siyang natutunang bagay.

Ang lugar na ito ang isa sa mamimiss niya kapag natapos na ang kanyang misyon dito. Sa lugar na ito, naramdaman niyang hindi siya mag-isa. Sa lugar na ito, nagkaroon siya ng kaibigan at pamilya.

Iniisip niya ang buhay niya ngayon sa buhay niya noon. May iba pa ba sitang mahihiling pa? Hindi niya alam ang isasagot sa sariling tanong at alam niyang babagabag ito sa kanya.

"Roselyn!" Nagulat si Roselyn at muntik ng mahulog sa kama sa gulat. Nakita niya kung sino ang tumawag sa kanya at nakita ang kanyang Ama nagpipigil ng tawa.

"Dad, wag niyo na yang pigilan baka sa ibang parte pa ng katawan mo lumabas," doon na tumawa ng malakas ang Ama na siyang nakapagpasimangot kay Roselyn.

"Ngayon lang kita nakitang nawala sa sarili. May problema ba?" Ito ang gusto niya sa lugar na ito.

Kilalang-kilala siya ng kanyang magulang at concern ito sa kanya. Napakaswerte ng nagmamay-ari ng katawan na ito, sa totoo lang.

--*--
Kumatok si Roselyn sa kwarto ng kanyang magulang. Alas-dose na ng madaling araw at hindi pa siya makatulog. Ilang segundo ang makalipas, binuksan ito ng kanyang Ina na medyo inaantok pa.

Parehong nagising ang mag-asawa dahil sa katok ni Roselyn. Pero hindi nila ito alintana dahil alam nilang may problema ang kanilang anak. Natutulog ang kanilang anak ng 9:30 kung may problema lang ito nagpupuyat o may dapat gawin sa kanyang restaurant.

"Pasok ka, sweetie," sabi ng kanyang Ina. Pumasok naman si Roselyn at naroon ang Ama sa kama naka-upo habang nakasandal sa kama.

"Somethings wrong, Honey?" Tanong ng Ama.

"Mom, Dad, I... I don't know what to do," saad ni Roselyn at yumakap sa Ina.

Sa Ina na hindi siya nagkaroon sa kanyang totoong buhay. Sinabi niya ang tungkol kay Arvie at sa nakaraan nito. Habang hinihimas ng Ina ang kanyang buhok.

Parehong nakikinig ang mag-asawa sa anak at nagkatinginan ang dalawa. Ngayong sigurado na silang may nararamdaman na ang kanilang anak sa Autistic Head Chef na inampon nila noon.

Suportado nila ang anal ano man ang piliin nito lalo na sa larangan ng pag-ibig. Basta mapapagkatiwalaan, mahirap man, may kaya o mayaman, tatanggapin nila kung hindi siya niloloko ng taong ito.

"Sweetie, why don't you talk to him? You are his best friend. Let him think that you can be trusted and you'll do anything to let his out of his shell," saad ng Ina.

"Right, Honey, people who have an Autism is someone who experience a terrible childhood. They wanted to shut down the whole world and be eaten by their fear. In Arvie's case, you need something to let him feel that he was special to you. He needs to release the pain he had to be free," Dagdag pa ng Ama.

"Do you think, I can do it? I'm afraid that this will destroy our friendship," Tiningnan ni Roselyn ang kanyang magulang ang ngumiti.

"Oh dear, dalaga na ang anak natin," maluha-luhang saad ng kanyang Ina.

"Mom!" Namula ang pisngi ni Roselyn dahil sa hiya at tinawanan lang siya ng kanyang magulang.

"All you need to do is to tell him while being yourself. We do not mind Arvie being our son-in-law," nang-aasar na sabi ng Ama. Ngumiti ang Ina ni Roselyn saka ito hinalikan sa noo.

"Your father is right, Sweetie. You need to reach him up and let him feel that he was already free from his dark past. You need to let him know that he was not alone and you are with him. Autistic people wanted to feel special, always remember that," Dagdag pa ng Ina. Tumango si Roselyn at niyakap ang kanyang magulang.

"Thank you Mom, Dad, you are the best parents I could even have," Mahinang bulong ni Roselyn sa magulang. Pareho silang ngumiti at niyakap pabalik ang Anak.

"We will always be here for you, Honey. If you still had trouble like this, then you can talk to us. We will always be available to you no matter how busy we are," Ngumiti si Roselyn sa sinabi ng Ama. How she wish that this was her real parents.

But reality struck her with lightning that this was only a temporary.

"I love you Mom, Dad," mahinang bulong ni Roselyn sa magulang. Parehong ngumiti ang kanyang magulang.

"We love you too, Sweetie," sagot ng Ina. Inalalayan siya ng Ina sa kanyang kwarto at hinayaan muna siyang makatulog bago ito umalis. Hinalikan ng kanyang Ina ang noo ni Roselyn saka nito pinatay ang dim light at bumalik sa kanilang kwarto.

"Did she already sleeping?" Tanong ng Ama ni Roselyn.

"Oo, mukhang may gusto na si Roselyn kay Arvie, hindi niya lang napapansin. Kasi kung wala bakit hahantong pa sa ganito? Her worry, her smile, her embarrassment, Arvie is alway our topic when it comes to telling what happen to our day every morning. Arvie is the center of her world right now," nakangiting saad ng Ina ni Roselyn.

"So, are you now expecting a grand babies?" Nakangising saad ng Ama ni Roselyn. Namula naman ang mukha ng Ina ni Roselyn at pinalo ang braso ng Asawa.

"24 pa lang ang anak natin. Wag ka ngang magmadali!" Pareho silang natawa sa isa't isa.

"Sana lang maging maayos na rin si Arvie no? His childhood is too terrible. How could they do that to an innocent boy like Arvie?" Mahinang saad ng Ina ni Roselyn.

"Well, this is the reality of our world. We cannot prevent it anymore," mahinang saad ng Ama ni Roselyn.

--*--

Nabura ata ito bago ko na-publish. Ngayon ko lang napansin. Sa mga nakabasa sorry po.

- Ybrehl

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon