30: Ambush

667 64 8
                                    

Kabanata 30: Pag-ambush

Nakahiga si Roselyn sa kanyang Apartment. Anim na buwan na siyang nananatili sa lugar na ito. Maliban sa pagiging Childish ni Cenneri, at ang pag-oobserba niya kay Vince, wala namang malaking pangyayaring naganap.

Iniisip niya pa rin ang mga itsura nila Jeyshawn at Arvie pero hindi niya pa rin maalala. Kahit ang apilyedong Azuña ay pakiramdam niya ay pamilyar sa kanya.

Sumasakit lang ang ulo niya habang iniisip ang mga mukha nila. Bumangon na lang siya at uminom ng kape habang nagha-hack ng mga datas na kailangan niya.

--*--

"Go inside now," malamig na saad ni Cenneri. Walang pakialam na umupo sa back seat si Roselyn kasama si Cenneri at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga dokumento.

"Ms Doctolero, aside from being my secretary, what are you doing in your private time?" Deretsahang tanong ni Cenneri. Masyado talaga siyang curious sa isang Roselyn Xyrell Doctolero.

"Sir, I believe that I have a right to refuse answering your question as the rules says that the Companies Private Life shall not be interfered to employee's work. Therefore, questioning my private life will ne out of my responsibility," pormal na sagot ni Roselyn kahit hindi siya nakatingin kay Cenneri.

"I demand you to answer me! Or else I'll fire you!" Galit na sa saad ni Cenneri sa kanya.

Tiningnan ng napakalamig ni Roselyn si Cenneri.

"Firing me without making a big mistakes that can harm the company according to protocols. Aside from the protocols itself, only the person how have a right to fire me is the previous Chief Executive Director or simply your father. So please Sir Azuña stop being Childish," simpleng sagot ni Roselyn.

Napanganga ng sobra si Cenneri dahil hindi siya sanay mapagalitan. Oo nga naman, naging childish siya sa mga inasal niya kanina.

Habang bumabyahe papunta sa kabilang branch ng dellfur, biglang may nagpaputok ng baril sa kanilang gulong.

Biglang nagmura si Cenneri dahil hindi niya inaasahan ang nangyari. Dahil na rin siguro sa instinct ni Roselyn o nung mismong katawan niya ay binuksan niya ang kanyang relo at nilabas ang isang rifle, binuksan ang pintuan saka nagpaputok sa kabilang panig.

"Sir Dan, stay stable. I'll handle this," walang ano ano ay pinaputukan ni Roselyn ang dalawang gulong ng isa sa mga kotse. Saka niya inasinta ang makina ng kotse.

Bigla itong sumabog na sobrang nakapagpakaba kay Cenneri. Ang lakas ng tibok ng puso nito habang nakikipagbarilan si Roselyn.

Hindi niya inakalang may dalang baril si Roselyn sa kanyang katawan. Sa liit nito ay hindi mo akalaing napakagaling umasinta.

"Duck over that space!" Malamig na utos ni Roselyn kay Cenneri na mabilis niyang sinunod dahil mahal pa niya ang buhay niya.

Butas na ang gilid na bahagi ng kotse pero binawian naman ito ni Roselyn.

Sunod na papaputukan sana ay ang lugar kung saan naroroon si Cenneri. Napatingin doon si Roselyn at nakita ang isang riding in tandem. Tinutok ni Roselyn ang baril malapit kay Cenneri na ikinaputla nito.

"He-hey, we can talk about it right?" Kinakabahang saad ni Cenneri. Nangako siya sa sarili na hindi niya na ulit iinisin si Roselyn makaligtas lang sa pangyayaring ito.

Walang pagdadalawang isip niyang binaril ang bintana na ikinasigaw ng matinis ni Cenneri. Parang may sumigaw na bakla na muntik ikatawa ni Roselyn. Kung hindi lang sa pumipigil sa emosyon niya ay tinawanan niya na talaga ito.

Lusot sa salamin ng bintana ang dalawang bala at parehong bumulagta sa kalsada pagkatapos bumalengtong ang riding in tandem. Kita ang butas sa kanilang helmet na sakto sa kanilang ulo.

Mas namutla si Cenneri sa pagbaril na iyon ni Roselyn. Parang wala lang dito ang pagpatay sa kung sino man ang nagpapaputok sa kanila.

Binuksan ni Roselyn ang kumpartment sa bubong ng kotse saka nilabas ang isang bazooka. Nagpasabog pa siya ng limang kotse bago tumigil ang pagbabaril sa kanilang kotse na ngayon ay butas-butas na.

Pinatawagan ni Roselyn kay Dan na siyang nanginginig pa rin sa takot ang mga pulis. Halos pagewang-gewang ang kotse nila sa gitna ng barilan dahil natamaan ang ilang parte ng kotse kaya nahirapan siyang kontrolin ito.

Inabot lang ng kalahating oras bago dumating ang mga pulis. Kinausap ni Roselyn ang mga pulis at nagbigay ng statement kasama ng impormasyong isa siyang agent ng gobyerno na kailangang bantayan si Cenneri.

Kahit ang ID niya ay vi-nerified muna bago sila tuluyang umalis sa pinangyarihan ng krimen.

Nagkaroon na sila ng z sasakyan kaya nakaalis kaagad sila pagkatapos magbigay ng statement ni Roselyn. Namumutla pa rin si Cenneri at takot na tiningnan si Roselyn.

Nag-aayos na naman ito ng mga dokumento,  parang walang nangyayaring barilan kanina lang.

"How could you be so calm even if you just kill someone a while ago!" Naiinis na saad ni Cenneri. Siya ang lalaki sa kanilang dalawa pero pinagtanggol pa siya ng isang babae.

Babae na sa paningin niya ay walang ibang ginawa kung hindi manghithit ng pera sa mga mayayaman o ang magpaganda.

Dahil dito, nag-iba ang pananaw ni Cenneri sa mga kababaihan. Hindi naman pala lahat ng babae ay maarte. Gaya na lang ni Roselyn.

At higit sa lahat, nag-mental note siya na itigil na ang pang-iinis kay Roselyn dahil baka bigla na lang siya nito barilin ng hindi niya alam.

Sinabi niya sa sarili niya na masamang magalit si Roselyn.

Tiningnan niya ng napakalamig si Cenneri. Sa sobrang lamig ng tingin nito ay literal na muntik ng maihi sa kanyang pantalon si Cenneri sa sobrang nakakatakot na itsura ni Roselyn.

Paulit-ulit niyang sinigawan ang sarili kung bakit nga ba siya nagtanong.

"Do I need to repeat the same words I told you before that ambush?" Malamig niyang tanong.

"Oh right," awkward na tumawa si Cenneri at pakiramdam niya ay biglang uminit sa loob ng kotse. Pinagpawisan siya lalo na sa kamay dahil sa malamig na tingin ni Roselyn idagdag pa ang malamig nitong boses.

Konti na lang iisipin niya na talagang robot si Roselyn. Konting-konti na lang. Umiwas na lang siya ng tingin dahil baka kung ano pa ang gawin sa kanya ni Roselyn.

--*--

Ako ba? Na-miss niyo rin? Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagsulat sa kwento ni Love, haha. Happy Reading.

Sage

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon