15: Arvie and Roselyn

1K 65 3
                                    

Chapter 15: Si Arvie at si Roselyn

"HAPPY BIRTHDAY!" nagpasabog sila ng confetti ng dumating si Arvie na siyang kinabigla nito. Hindi niya inaasahan na narito ang lahat at gustong i-celebrate ang kanyang kaarawan.

Kumpleto ang pamilya ni Roselyn at ang staff ng buong restaurant ng may ngiti sa labi.

"S-sala-salamat!" Masaya pero medyo nahihiyang sabi ni Arvie. Hindi niya inalakala na may selebrasyong magaganap ngayong araw ng kanyang kaarawan. Matagal na ng huli niya itong naranasan at masasabi niya pang bata pa siya ng naganap ito.

"Ihjo, halika't kumain ka dito. Sarado tayo ngayon para sa isang buong araw na pagsasaya," saad ng ina ni Roselyn.

Sa gitna ng kasayahan, tumugtog ng piano si Arvie habang nagkakasiyahan ang lahat at sumasayaw.

Sa ikatlong kanta na kanyang tinugtog, gumamit si Roselyn ng Violin at tumugtog kasama ni Arvie. Muntik pang magkamali si Arvie sa pagpindot ng key pero nakabawi kaagad siya at ngumiti katulad ng pagngiti ni Roselyn sa kanya.

Hindi niya inakalang makakatagpo siya ng isang mabuting boss katulad ni Roselyn at ramdam niya ang kasiyahan sa kanyang puso.

Side Mission: ayain ang target sa isang Family Dinner

Status: 100% Complete

Rewards: 10 credit Points

Punishment: a whole day of headache

Napangiti naman si Roselyn ng natapos niya ang kanyang unang side mission sa pangalawa niyang mundong pinuntahan.

Nagpatuloy lang ang kasiyahan hanggang sa natapos ang buong araw. Hinayaan ni Roselyn na magdala ng pagkain pauwi ang kanyang staff dahil na rin sa marami pa ang natira.

Ilang sandali pa ay tumunog muli ang system at pinakita ang status ni Arvie.

ARVIE JIM AZUÑA

Relationship status: Employee

Like towards the host: Level 8

Dislike towards the host: Level 0

Feelings: Neutral

Impression: Kind, Generous and Helpful person

Status: Grateful towards the host

Note: the system forbid the target to have their personal status and background. It may affect the plot. Traces had been hide safely.

Legend

Level 1-10 = weak feeling
Level 11-20 = Slightly above weak Feeling
Level 21-30 = Average Feeling
Level 31-40 = Slightly weak under Strong Feeling
Level 41-50 = Strong Feeling
Level 51-above = Loyalty

"Hindi na masama hindi katulad sa initial status i Jeyshaun," saad ni Roselyn sa system.

"Wait, kailangan din ba niyang mahulog sa akin?" Tanong ni Roselyn. Tumango naman ang system sa tanong ni Roselyn.

"Iyan ang isa sa mga kailangan mong gawin kada mundong mapupuntahan mo. Isa pa doon mo nakukuha ang credits mo hindi ba?" Sabi naman ng system.

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon