6: Encounter

1.5K 96 5
                                    

Kabanata 6: pagkikita

"Congratulation host, nagawa mo ang side mission. Mayroon ka na ngayong 10 credit points. Pagbutihin mo," tumango na nga si Roselyn saka nagpatuloy sa paghahanda.

--*--

Isang buwan na simula ng magsimula sa shooting at ngayon ang araw kung saan magkikita sila ng male lead. Dahil na rin sa skill na binigay kay Roselyn na top notch talaga, hindi nahirapan ang direktor at iba pang staff na makipagtrabaho kay Roselyn.

Kada salang niya sa harap ng kamera ay parang nag-iibang tao si Roselyn at nagiging karakter na kanyang ginaganapan.

"Xyrell!" Tawag sa kanya ng derektor. Tahimik na pumunta si Roselyn sa harap ng derektor at nakita ang isang maputing lalaki na may mapaglarong ngiti habang nakikipag-usap sa derektor.

Maputi ito at may kulay brown na highlights ang buhok niyang medyo kulot at magulo. Ganoon pa man, bumagay ito sa mapaglaro niyang mukha at at medyo singkit na mata.

Biglang tumunog ang system at nagpakita ito sa gilid niya habang habang lumilipad gamit ang mahaba-haba niyang tenga. Naka-anyo siyang aso habang nasa tabi siya ni Roselyn.

"Target Located!" Saad ng System.

Biglang lumabas ang monitor sa harap niya kaya mabilis niya itong binasa.

Target Information:
Name: Jeyshaun Maxwell Azuña
Age: 23
Birth date: July 21, ****
Job: Actor, Singer, Dancer

Mukha siyang playboy pero hanggang flirt lang. Mapaglarong kalaban at madalas na gamitin ang kanyang ngiti para mapaibig ka.

Hobbies: flirting, acting, music, pet grooming
Pet: Drum (dog)
Pet's Breed: White Poodle
Likes: anything that is interesting
Dislike: Back Stabber, Liar, Mistress
Other Information: Explore thru out the plot

Naisip ni Roselyn na malaki nga ang tulong ng System sa mission niya. Maliban sa nagbibigay na ito ng impormasyon, marami pa rin siyang pwedeng magamit dito.

"Host! Meron ulit kayong nakuhang charm. 143,000 charn lahat-lahat," dagdag pa ng System. Araw-araw ay halos 100k pataas ang nakukuha niyang charm pero ang mga items naman sa system ay matataas ding charm ang kailangan kaya iniipon niya itong mabuti.

Tumango na lang si Roselyn saka dumiretso kung saan nandoon ang derektor at si Jeyshaun.

"Xyrell, meet the male lead, Jeyshaun Maxwell Azuña. Siya ang gaganap bilang Leon sa pelikulang ito. Sigurado akong kilala mo na siya," pagpapakilala ng derektor kay Jeyshaun. Tango lang ang sinagot ni Roselyn at tiningnan si Jayshaun sa mata.

Walang emosyon siyang tumingin kay Jeyshaun saka tumango. Samantalang si Jeyshaun naman ay ngumiti saka kinuha ang kamay ni Roselyn at hinalikan ang palad nito.

"Nice to meet you, Ms Elero. Sigurado akong kilala mo na ako," ngumisi pa si Jeyshaun saka kumindat kay Roselyn pero binawi niya lang ang kamay niya saka tumango.

Napansin ito ng derektor at alam niyang tahimik ai Roselyn simula pa nung unang nakilala niya ito. Nagsasalita lang siya sa tuwing magsisimula na siyang umarte.

"Nako, Shaun. Pagpasensyahan mo na itong si Xyrell, hindi kasi siya palasalita simula pa nung una siyang dumating dito. Nagsasalita lang siya kapag nagsisimula na ang kamera," nahihiyang paliwanag ng derektor kay Jeyshaun.

Isa sa pinakasikat na aktor sa industriya ng entertainment circle si Jeyshaun. Milyon-milyon ang followers nito mapa- Instragram, facebook, twitter o kahit pa sa youtube. Meron itong blog sa youtube at kada nagpo-post siya ng kahit na isang video, imaabot kaagad ito ng million views wala pang isang oras.

"Ganoon ba?" Ngumiti muli si Jeyshaun at tumawa habang nakikita ang itsura ni Roselyn na walang emosyon ang mukha at walang buhay ang mata.

Parang tumitingin pang ng ordinaryong bagay na walang kwenta sa kanyang paningin ang makikita mo habang tinitingnan ang kanyang mga mata.

Habang tumititig si Jeyshaun sa kanya. Hindi nito mapigilang kilabutan at para bang may isang malaking sekreto itong tinatago na malulunod ka kung sakali mang aalamin mo.

'Interesting, lets see your capability if you can resist my charm,' ngumiti si Jeyshaun gamit ang pinakamaganda niyang ngiti pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Roselyn at nagpaalam na sa derektor na magbabasa siya ng script.

Walang magawa si Jeyshaun ng pinayagan na ng derektor si Roselyn na umalis sa harapan nila.

"Okay derek, mag-aayos na ako," tumango naman ang derektor at bumalik sa kanyang upuan.

"Host, siya ang target niyo diba? Bakit hindi kayo kaagad gumawa ng paraan para magkaroon na ng proseso?" Tanong ng system na nagtataka sa inasal ni Roselyn.

"Wag kang mag-alala system, mahuhulog din siya sa akin, ang kailangan ko bating gawin ngayon ay maghintay ng tamang pagkakataon," sagot ni Roselyn gamit ang isip niya.

Binasa niyang muli ang script at iniisip kung paano niya ipo-portray ang unang scene nila ng target niya.

--*--

Umuulan sa labas ng Mansion ng mga Devina. Sa gitna ng isang music room ay naroon nakaupo ang isang dalaga. Blanko ang ekpresyon nito at parang wala sa sarili habang hindi niya namamalayang ang mga luha sa kanyang mga mata ay tuloy-tuloy lang.

Nakaupo siya sa harap ng isang grand piano habang paisa-isang tumitipa ng keys sa piano.

Wala siya sa sarili niya habang pabilis ng pabilis ang pagtipa niya sa keys. Parang may sariling buhay ang mga kamay niya na tuloy-tuloy lang sa pagtipa.

"Young Miss, you're new butler is here," dahil sa nagsalitang matanda biglang nawala ang tono ng piyesang tinutugtog niya at tiningnan ito. May isang lalaking nasa likod ang nakayuko habang nakasunod sa matanda.

"Young Miss, ito po si Leon Villanueva. Ang bago niyong butler," sinamaan ng tingin ng dalaga ang matanda. Galit ang dalaga dahil sa pagsasalita nito habang tumutugtog ng piano.

"Sinabi ko bang pumasok ka? Umalis ka dito at isama mo iyang kasama mo! Ayoko ng tao dito sa kwarto ko!" Galit na sigae ng dalaga. Natakot naman ang dalawa at mabilis na lumabas.

Dahil sa nangyari, biglang nanlisik ang mata niya at nagsimulang magwala. Nagulo na ang buhok niya dahil na rin sa luha hanggang sa tuluyan ng bumaba ang katawan niya.

"Magbabayad ka, Ayesha, magbabayad ka!" Sigaw ng dalaga habang umiiyak na wala sa sarili.

"And cut! Good job Xyrell," doon na pumikit si Roselyn at huminga ng malalalim. Saka umalis sa harap ng nagulong kwarto na ginulo niya kanina.

--*--

Ybrehl

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon