16: A man in darkness

906 58 4
                                    

Kabanata 16: Ang lalaki sa dilim

Two year had passed and Arvie slowly open to Roselyn.

Medyo nahirapan nung una si Roselyn pero unti-unti ring nabuksan ni Roselyn and puso ni Arvie.

Her parents are all supportive thats why see can move freely. Natatawa na lang si Roselyn kasi talagang nag-eenjoy siya sa lugar na ito.

Habang nagbabasa, biglang nagpakita ang system sa anyong tuta na siyang ikinagulat ni Roselyn.

"Host, kailangan mo ng matapos ang mission mo within three month, two years ka na sa mundong ito pero hindi mo pa rin nakukuha ang pag-ibig ng target," saad ng system. Napabuntong siya ng hininga.

Tama, kahit close na sila ni Arvie, hindi pa rin siya makapasok sa puso nito. Para bang may humaharang na malaking pader na sobrang hirap gibain. Matalino si Roselyn pero hindi niya na alam ang gagawin dahil wala naman siyang kaalaman tungkol sa pag-ibig. In other words, she was stupid when it comes to romantic way.

"Pwede bang pakilabas ang status ni Arvie?" Tumango naman ang tuta ang nilabas ang latest update ni Arvie.

ARVIE JIM AZUÑA

Relationship status: Employee/ Best Friend/ closest friend

Like towards the host: Level 22

Dislike towards the host: Level 0

Feelings: Grateful and loyal as friend

Impression: Kind, Generous and Helpful person

Status: Dependent towards the host with completely trust.

Note: the system forbid the target to have their personal status and background. It may affect the plot. Traces had been hide safely.

Legend

Level 1-10 = weak feeling
Level 11-20 = Slightly above weak Feeling
Level 21-30 = Average Feeling
Level 31-40 = Slightly weak under Strong Feeling
Level 41-50 = Strong Feeling
Level 51-above = Loyalty

Nagtataka pa rin siya kasi hindi talaga nagpakita ng kahit anong note ang system. Para kay Roselyn, isang malaking misteryo si Arvie. Isa siyang autistic person pero hindi ito inborn. Ang hula ni Roselyn, may isang malaking pangyayari sa buhay ni Arvie na gusto niyang kalimutan. Nag-trigger ito para gumawa ng defense mechanism and kanyang utak.

Isa na sa mga sintomas nito ay ang pagiging introvert at hindi madaling magtiwala nito.

"Kailangan ko na siguro siyang imbestigahan. Kailangan kong makapasok sa puso niya para matapos ang task na ito," sa pagsasabi nito ni Roselyn, nakaramdam siya ng guilt. Wala siyang nararamdaman kay Arvie pero kailangan niya itong pa-ibigin. Pakiramdam niya tuloy ay tini-take advantage niya si Arvie.

Para sa kanya, masyadong inosente si Arvie sa ganitong bagay. Pero wala naman siyang magawa dahil na rin sa gusto niya pang mabuhay. Kung hindi niya gagawin ang task, hinding-hindi niya mabubuhay pang muli.

"Host, 'wag kang ma-guilty dahil may dahilan kung bakit sa iyo ibinigay ang task na ito. Malalaman mo rin kapag natapos mo na ang huling mundo. Ngumiti si Roselyn saka nagsimula ng magtipa ng keyboard.

Sinimulan niyang ihack ang mga security system, phones, laptops o gadget sa pagitan ng kabataan ni Arvie sa buong Luzon. Basta may camera, kahit hindi ito kumukha ng video o litrato, may access si Roselyn.

Sa dami ng mga gadget na may kamera, sobrang nahirapan si Roselyn sa paghahanap ng datos. Inabot siya ng limang araw bago siya nakuntento sa nakuhang data at evidensya.

Habang pinapanood niya ito, hindi niya mapigilang magalit. Hindi kay Arvie o sa sarili niya kun'di sa dahilan ng pagiging Autistic ni Arvie. Walang iba kun'di ang magulang nito o pwedeng sabihing ang mga umampon sa kanya.

"Ayon sa Data na nakuha ko, isa siyang batang naiwan sa isang hospital nung sanggol pa lamang siya. Pinagpasa-pasahan siya sa mga bahay ampunan hanggang sa naampon siya ni Mr and Mrs Santos. Maliban sa pangalan niya, wala na silang alam tungkol sa bata. Mayaman ang mag-asawang Santos pero dahil sa pagiging sugarol at manginginom ni Mr Santos, bumagsak ang kanilang kumpanya at dito nagsimula ang imperyong buhay ni Arvie," sinubukan ni Roselyn na humukay pa ng mas malalim na bangin pero kahit anong gawin niya, walang lumalabas na resulta.

"Ano ba talaga ang tinatago ni Arvie?" Tanong ni Roselyn sa sarili niya.

--*--

Sa isang madilim na lugar, wala ng tao sa paligid at kita pa rin ang maliwanag na kulay kahel na ilaw. Naglalakad ang isang lalaking may inosenteng mukha na may ngiti sa labi.

Pero ang ngiting ito ay hindi pangkaraniwan kung hindi isang ngiting katatakutan mo. Isang ngiti na parang isa siyang demonyo.

Bigla na lamang itong naglaho na parang bula at biglang lumitaw sa harap ng bintana ng Bahay ni Roselyn. Ang ngiting pangdemonyo ng binata kanina ay napaltan ng ngiting may kakaibang saya.

"Sa tingin mo? Matatapos niya kaya ang misyon na ito?" Biglang lumitaw ang system ni Roselyn sa gilid ng binatang ito.

"Siya si Roselyn Xyrell Doctolero, makakaya niya ito," simpleng saad ng tutang system.

"I hope so, its not that I'm doubting her. In fact, I believe in her but she needs to fullfil this before anything else," saad ng binata habang nakatingin kay Roselyn na busy sa pagtipa sa keyboard.

"Kamusta ang pagamit mo sa katawan ni Arvie?" Tumawa ang binata sa tanong ng system habang tinitingnan ang lugar kung saan niya pinatulog ang katawan ni Arvie.

"Mahirap sa una pero, nakakasanayan ko na. Naiinis lang siguro ako sa ugali at desisyon niya. Ganon pa man, alam mong wala akong kontrol sa katawang pinapasukan ko kaya bakit ka nagtatanong?" Tanong ng binata.

"Malapit na, parating na sila. Saad sa atin ng Diyosa na sanayin ang isa sa apat na tagapagligtas bg kalawakan. Hindi ko pa rin alam kung ano ang plano ng mahal na Diyosa para kay Roselyn," biglang saad ng system.

"Kung ano man ang binabalak ng mahal na Diyosa, alam kong pipili siya ng karapat-dapat. Hindi natin alam kung gaano kalakas ang kalaban," dagdag pa ng binata.

"Alam ko kaya kailangang mahasa pang mabuti si Roselyn. Malalaman din natin ang limit ni Roselyn. Sa ngayon manatili ka muna sa kanya. Kailangan niyang matapos ang lahat ng task kung hindi, lahat ng nilalang sa buong kalawakan ay mamamatay," seryosong saan ng binata. Tumango na lang ang system at umalis ulit.

--*--
Miss niyo ako? New book cover nga pala.

--*--Miss niyo ako? New book cover nga pala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ybrehl

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon